3: Loots/Gallade Town

523 41 1
                                    

[Profile]

IGN: Fortem
LVL: 10
HP: 500 +900
ATK DMG: 326 +900
MGC DMG: 231 +0
ATK DEF: 40
MGC DEF: 40
ACU: 40
DGE RATE: 15%
CRIT: 8%

Sword Mastery: 3%

Demonic Blow: LVL 1

Head:
Neck:
Weapon: Gladius Daemonum
Side Weapon:
Arms : Leather Gauntlet
Fingers L:
Fingers R:
Upper: Leather Armor
Lower: Leather Armor
Feet: Leather Boots

*****

"Ay! Andaya!! Bat sayo lang yung loots?? Ay... Teka!! Di pa pala tayo Party kaya wala akong nakuha!! Ehehehehe. Anong mga nakuha mo?? Balato naman jan oh." - sabi nung babae. Wow ha!! Wala na nga siyang tinulong eh.

"Eto. Isang Aquileo Feather. 20 bird claws. At 5 Aquileo Gems."-sabi ko sa kanya. Nawala ang kinang ng mata niya ng sabihin ko iyon. Halatang nadismaya. Akala niya may weapon. Hmmmm. Ano nga bang magagawa ko sa mga ito?? Matingin nga details ng mga loots na to.

Aquileo Feather - feather of the Aquileo. Needed for Aquileo Gauntlets.

Bird Claws - Claws from any Bird-type monsters. Need for weapon, armor or Accessory.

Aquileo Gems - Gems from the Monster Aquileo. Needed for Aquileo Gauntlet.

Timing!! Kelangan ko nito. Wala pa akong gauntlet eh. Malaking tulong nito sakin. Hmmmm. Saan kaya ako makakahanap ng black smith?? Matanung nga tong babaeng to.

" Uhm. May alam o kilala ka bang black smith??"- liningon niya ako pero hindi siya sumagot. Binalik niya ang kanyang tingin sa lawa. Hay!! Walang pag-asa. Ako na nga lang ang hahanap. Saan bang dereksyon ako tutungo?? Sa Norte?? Silangan?? Kanluran?? O Timog? Hmmmm... Sa Kanluran na lang. Naglakad na ako patungong kanluran. Pero di pa ako nakakalayo ng marinig kong sumigaw yung babae.

"Maling dereksyon ang pinupuntahan mo!! Sa Silangan ang papuntang Town kung saan may Black Smith. Ang lugar na yan ay papuntang Emohta Forest. Wala pang Newbie ang nakakalabas ng buhay doon. Ang sabi-sabi may Epic Boss daw ang namamalagi doon. At may nagsabi rin na puro LVL 50 ang mga monsters doon." - sigaw niya. Tumalikod na ako sa aking paroroonan at tinahak ang Silangan. Naramadaman ko na lang na sumunod yung babae sa likuran ko. Sinusundan niya ba ako?? O nag-a-assume lang ako. Baka naman pupunta rin siya sa town.

Patuloy lang ako sa paglalakad at marami rin akong monster na nakasalamuha. Kadalasan mga Aerobunny. Mga kunehong may kakayahang lumipad at komuntrol ng hangin. Makukuha sa kanila ay cotton tail, 300 EXP at 150 Gold Coins. Meron rin akong nakasalubong na mga Deermoo. Mga Usang kasing laki ng baka. Matitigas sila. Ang mga loots na makukuha ay Antlers at Horns. Meron rin 500 EXP at 400 Gold Coins. Lumevel - Up rin ako. At kasalukuyang Level 14 na ako. Swerte nga at wala akong nakasalubong na Area Boss. Baka kasi di ko kaya. Cool Down pa naman ang 100% Critical ng Gladius Daemonum ko. Haaaaay. Makalakad na nga.

Warning!! Entering the Boss Area. Brace yourself.

Area Boss: Flampera

[Flampera: Flame Viper

LVL: 20
HP: 8,670
ATK DMG: 2,678

Skill Set: Hyper Fang & Poison Flame.
Passive: 30% Burn Effect]

Biglang may lumabas na nag-aapoy na ahas. Naglabas pasok ang mga dila niya at handa ng lumaban. Umatake na ito at ang nagawa ko lang ay tumakbo. Kaya ko to!! Sabi ko sa sarili ko at huminto sa kakatakbo. Patuloy pa run ang pagsugod ng Flampera. Ng malapit na ito ay binuka niya ang kanyang bibig at pinalapas ang pangil. Bigla na lang mag ilaw ang mga pangil niya at akmang kakagatin niya ako pero na block ko ito gamit ang espada ko. Iniswing ko ang espada ko at nabigyan ko siya ng 1,298 damage. Nag flinch ang Flampera kaya di ko inaksaya ang paggamit ng Demonic Blow. Tumalon na ako at isiswing pababa ang espada at lumabas na naman ng dark red Aura. Natamaan ko ang Flampera at Nabawasan ng 3,450 ang HP niya. Ngayon, meron na lamg siyang 3,922 na HP. Mga 43% na lang. Nagpahinga muna ako sandali dahil mukhang di pa nakakarecover ang Flampera.

Nakita ko naman si... Yung babae na nireready ang kanyang pana. Pinatamaan niya ang Flampera na nakadulot ng konting damage. Konti lang dahil Fire type ang kalaban namin at Fire type rin ang weapon ni... Nung babae. Patuloy pa rin ang pag atake ni... Nung babae at mukhang nahimasmasan na ang Flampera. Hinintay ko na lang na matapos ang CD ng Demonic Blow upang matapos na ito. 1 hit na lang siya dahip 2,532 na lang HP ng Flampera. Nabali ang atensyon ng Flampera kay... Sa babae. Umilaw ang katawan ng Flampera at parang may bukol na gumagalaw at patungo sa bibig niya.

"BABAE!! ILAAG!!"- sigaw ko at nakatalon siya bago matamaan ng kulay violet na apoy. Sinugod ko ang Flampera. Nabigyan ko siya ngbisang Sword Thrust bago ko ginawa ng Demonic Blow. Natutunan ko ang Sword Thrust habang nakikipaglaban ako sa mga Deermoo. Nabasag naman sa mga square ang Flampera bago maglaho at may dalawang loot bag ang naiwan. Kinuha ko ang isa at kinuha naman nung babae ang isa.

Congratulations!! You acquire Snake Skin x5, Fire Gem x5, 1,500 EXP, 1250 Gold Coins, Flame Poison Dagger.

Level - Up!!

Yosh!! Level 15 na ako. Not bad. Nakangiti na yung babae habang nilalagay niya sa inventory niya ang mga loots na nakuha niya. Mamaya ko na titignan ang details ng mga nakuha kong loots. Naglakad na ako ulit. Mga isang oras pa bago namin narating ang entrance ng town. At as usual, may mga monsters kaming nakalaban gaya Fire Serpents, Goblin at Giant Rats. May nakita rin akong ibang player na nagfafarm for loots. Di ko na sila pinansin at dumeretso na sa aming paroroonan.

Sa entrance ng Town, may mga Frourá na nagbabantay. Ayon sa babaeng kasama ko, or si Trina, sabi niya, ang mga Frourá daw ang nagsisilbing bantay sa mga entrance at exit ng mga town.

Welcome to Gallade Town.

Dumeretso na kami sa loob ng town at nabigla ako na nawala ang espada ko. Sinabihan naman ako ni Trina na normal lang yun dahil no PK allowed ang lugar kaya nawawala ang espada ko. Sinabihan rin ako ni Trina na humanap ng Inn para magpahinga at maglog-out para  kumain ng lunch dahil mga 11:45 na ang oras sa totoong mundo. Nakahanap rin ako ng mumurahing Inn at nagpahinga. I press my finger on the air at pinindot ang log-out button.

*****

What's next?? Gusto niyo bang malaman?? See yah next Chapter.

Novae Terrae OnlineWo Geschichten leben. Entdecke jetzt