12: Adjusting/New Friend

425 32 1
                                    

"Riiiiiiiiiiiiiing!!!" - tunog ng bell at hudyat na tapos na ang klase. Agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko sa huling subject namin sa araw na ito.

"Dont forget to make your assignments before playing NTO." - ang sabi ng professor namin.

Nagdali-dali akong naglakad palabas ng University. Sa pagmamadali ko, di ko namalayan na may tumatakbo at nabangga niya ako.

"Aray!! Ingat naman oh." - sabi ko at umalis na. Don't call me rude kasi nagmamadali pa ako.

Lakad-takbo ginawa ko kaya nakarating ako agad sa bahay. Malapit lang naman ang Phynn University sa bahay kaya dun na ako nag-apply ng scholarship.

Pagpasok ko sa bahay, bumanggad agad sa akin si Nanay na nagwawalis ng sahig. Binati ko ito at umakyat na sa kwarto ko. Nakadisplay naman sa kama ko ang Head Gear at Console. Teka?? Parang bago yung head gear ah. At yung console bago rin. Nevermind.

Pumunta muna ako sa study table ko at sinagot ko ang assignment ko. Hindi naman siya mahirap kaya madali ko itong nasagutan. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama at sinuot ang head gear. Di ko na kailangang i-set-up dahil tapos na ito.

"Link In!" - saad ko at nabalot ako ng pamilyar na sensasyon. Napapikit ako. Pagmulat ko, bumungad sa akin ang pamilyar na puting kwarto.

"Good Day Player Fortem!! I am Dux! Welcome to the New Novae Terrae Online. But before that, due to the update, the special race that was given only to you has been removed by the Admins. Therefore, you need to pick a new one." - sabi niya sabay lumitaw ang anim na kamukha ko na may iba't-ibang kasuotan. Sayang yung Dark Angel. Huhuhuhu.

[Human]
[Elf]
[Angel]
[Demon]
[Shape Shifters]
[Animal Hybrids]

I choose Human. Mas mabuti ng maging tao. Pwede rin namang magkaroon sila ng wings eh.

"You choose The Human Race. Please Step on the Golden Circle. Dont worry player, Only your race has change. Your weapons and armors and the loots you have is still going to be with you. Good Luck."

Sinuod ko ang sinabi niya. Pagtapak ko sa Golden Circle ay hinigop nito ako at namalayan ko na lang na nasa loob ako ng isang Chapel.

[Welcome to Frimpshire Chapel.]

Novae Terrae OnlineWhere stories live. Discover now