6: Unknown Area/Ancient Monster

471 40 1
                                    

"Satus Ludum."

Pagmulat ko, tumambad sakin ang ceiling ng kweba. Agad akong tumayo at tumingin sa labas kung nandodoon pa ang tatlong Area Bosses. Kaliwa. Kanan. Taas. Baba. Mukha namang wala na sila. Lumabas na ako at pumunta patungo sa aking distinasyon. Naglalakad lang ako at nag-oobserba sa palagid at baka lumabas ang isa sa mga Area Boss. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang marating ko ang border kung saan nagmemeet ang dalawang lugar. Papasukin ko na sana ang Lo'wen Marsh ng may naramdaman akong papalapit sa'kin.

"Grrrrrrrr." - ang narinig kong ingay sa makakapal na damo malapit sa ilog. Hinanda ko ang sarili ko kung sakaling susugod ito. Dahan-dahan ko itong nilapitan para malaman kung ano ito.

"Grrrrrr." - ungol niya ulit. Huminto ako bahagya baka lalabas na ito. Nang masiguro kung hindi pa ay lumapit ako ulit ng dahan-dahan. Ng nasa mga damo na ako ay hinawi ko ito ng bahagya.

Warning!! You just enter an Unknown Area. Expect an Ancient Monster.

Nakita ko na nagflash bigla ito sa harapan ko.

World Notification!! A solo player found an Unknown Area with an Ancient Monsters. Still unavailable until the player has come-out alive.

What?! Kailangan pang i notify ang ibang players pag nakahanap ng isang Unknown Player. Paano kung nakalabas ako ng buhay it iPK ako??  Darn it!! Kailangan kong mag doble-ingat. Nilibot ko na lang ang lugar at wala naman akong nakitang monster. Saan galing yung ungol kanina?? Napaupo ako sa isang nakatumbang puno. Haaaaay!! Dito lang ba ako hanggang di ko makita ang Ancient Monster na yun?? Pssh!! Ano ba to?? Maglibot na nga lang ako baka makakita pa ako ng mga rare items dito. O di kaya may hidden chest dito. Kung meron mang chest sa larong ito. Yun kasi naririnig ko minsan sa mga school mates ko. May nahanap raw silang chest at may lamang rare o di kaya epic item.

Naglibot na ako para maghanap. Sa paglilibot ko, di ko namalayan na napadpad na ako sa liblib na lugar ng Unknown Area na ito. Di pangkaraniwan ang lugar. At hindi siya masasabing gubat dahil may mga diyamante itong may iba't-ibang kulay. May mga kabute ring mas malaki kesa sa normal na kabute. Mas malaki pa sa mga kahoy.

"Grrrrrrrr." - nandiyan na naman ang ungol. Yan ba ang Ancient Monster?? Ayon naman sa narinig ko sa mga usap-usapan sa school. Nag-iisa lang daw ang mga Ancient Monster sa species nila, ang makahuli daw nito o makatame ay tinuturing ng swerte dahil mahirap daw itong kalabanin o paamuhin. Pero mas mahina lang sa mga Ancient Boss.

Inalerto ko ang sarili ko at tinungo pa ang mas liblib na bahagi ng Unknown Area na ito. Naramdaman ko naman na may nakamasid sa'kin at tumatakbo. Minsan sa taas ng mga kabute o di kaya sa madilim na lugar sa Area na ito. Minsan may nahuhuli akong kulay gray na buntot sa mga katawan ng kabute. O di kaya kalmot na parang gawa ng pusa. Meron ring mga buto-buto ng iba't-ibang monster ng larong ito, meron nga ring buto ng mga tao ng mundong ito. NPC ang tawag sa kanila or Non - Playable Characters (tama ba??).

Kahit nararamdaman ko ang presensyang iyon, pinagpatuloy ko pa rin ang paglilibot sa lugar na ito. Namalayan ko na lang na nasa dulo na ako at may nakita akong babaeng nakagapos ang mga kamay at paa sa bato. Agad akong lumapit dito. Pero wala pang isang metro ang natakbo ko ng may lumundag na kulay puti at itim na may halong gray na may ulo at front paws ng fox at katawan at back legs ng kabayo na may di ko malaman kung ilang fox-tails.

Novae Terrae OnlineWhere stories live. Discover now