Chapter 55 - New Beginning

1.2K 35 3
                                    

Naka-upo ako sa may waiting area at hinihintay pa rin si Allison.

Magkahalong kaba at excitement ang aking nararamdaman ngayon.

Kaba dahil hindi ko alam kung tatanggapin pa niya ako. Excitement dahil malaya ko na siyang malalapitan ngayon.

I took a deep breath saka ako napa-tingin sa aking relo.

Magda-dalawang oras na akong naghihintay dito. Iba-ibang eksena na rin ang aking natunghayan.

Meron pa akong napanood kanina, nagsa-sapakan ang mag-asawa. Ang aga-aga may mga nire-reklamo agad.

Ba't parang ang tagal naman ni Alli.

Nakaka-inip pero sige. Para sa kaniya, handa akong gamitin ang oras ko sa paghihintay.

Inilabas ko ang aking phone at sinubukang i-explore ito para hindi ako ma-bored.

Bigla akong napa-angat ng tingin sa direksyong papasok ng jail at nakita kong lumabas siya.

Naka-tali ang kaniyang buhok, naka-suot siya ng white blouse, denim pants, at nakasabit sa kaniyang balikat ang kaniyang bag. Aminado akong hindi niya ako napansin dahil ang kaniyang tingin ay naka-tutok lamang sa may pinto palabas.

Agad akong tumayo para habulin siya ngunit biglang may mga humarang pang mga kararating lang.

Ano ba 'yan!!!

Pilit kong isiniksik ang aking sarili habanh pinipilit na hindi siya mawala sa aking paningin.

Pagka-labas ko, nakita ko siya sa may gilid ng kalsada at nag-aabang ng masasakyan.

"Alli!" I said gently while walking toowards her.

Natigilan siya nang makita ako. Hindi niya inakalang makikita niya ako.

Hindi niya ako pinansin at ibinaling niya ang atensyon niya sa iba.

"Alli, I-I'm sorry!" buong puso kong sambit.

Napa-lingon siya sa 'kin.

"Alam kong galit ka dahil nawalan ako ng tiwala sa 'yo."

"Sino naman ang may-sabing galit ako?" cold niyang sagot.

Hindi ako umimik! Pinagmasdan ko lang siya habang sinusubukang intindihin ang kaniyang tanong.

"Hindi ako galit sa 'yo!" sambit niya saka niya itinuloy ang pag-aabang ng masasakyan.

"Kung hindi ka gali, bakit ganyan ang ikinikilos mo? Bakit parang iniiwasan mo ako? Hindi mo rin ako matignan ng maayos."

Napa-yuko siya.

"Nahihiya ako!" pagsisimula niya.

Inangat niya ang kaniyang ulo.

"...nahihiya ako sa sarili ko! Paki-ramdam ko, hindi ako karapat-dapat na maging kaibigan o mapalapit sa 'yo. Isa kang abugado. Investigator. Ako? Pinalaki ng isang kriminal. Itinaguyod ng masamang-tao. Lumaki sa puder ng taong pumatay sa Daddy mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao 'pag nakita tayong magkasama? Siguradong pagtatawanan ka. Siguradong ma-a-apektuhan ang kompanyang pinaghirapan ng Daddy mo lalo na ang credibility mo bilang isang lawyer at ayokong mangyari 'yon--"

Niyakap ko siya nang mahigpit upang putulin ang sinasabi niya.

"Tanggap kita!"

Kumawala ako sa pagkakayakap at tinitigan siya nang malapitan.

"I love you, isn't that's all that should matters?" I asked sincerely.

Rinig ko ang bawat tibok ng aking puso na sumasabay sa kaniya.

Justice ServedWhere stories live. Discover now