Chapter 37 - Rope

650 29 14
                                    

Inilagay ko ang rope sa isang malaking ziplock para ma-preserve ito saka ko itinago sa drawer dito sa aking kwarto.

Pagkatapos, tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig.

Nadatnan ko roon si Matt na kumakain. Namumugto ang mata at parang wala pa ring gana sa buhay.

Umupo ako sa kaniyang harap dala ang baso ng tubig.

"Bro, how are you?"

Napatingin siya sa 'kin at nakita ko ang pagbuntong-hininga niya.

"I still feel bad bro," mahina niyang sagot.

Napainom ako ng tubig.

He looked at me intently.

"Ikaw? Hindi ka ba nasasaktan sa ginawa ni Tito Morris? Hindi ka ba nalulungkot?" Malungkot niyang tanong.

I looked down. Then, I looked at him intently.

"Like what I said earlier. Of course disappointed ako sa kaniya. Galit ako sa kaniya. At nalulungkot din ako. Deep inside nasasaktan din ako," pagpapakatotoo ko.

"Pero bakit parang hindi naman halata?"

"Hindi naman kailangang magmukmok ako rito para lang ipakita na malungkot ako. Kailangan kong tatagan ang loob ko and do my best to set aside the pain."

"Sana kagaya rin kita," he said while looking down.

"Pero lagi mo ring tatandaan bro na hindi kahinaan ang magmukmok, umiyak o maging malungkot. That's part of life. That makes us human. If that's your way to make yourself feel better, wala'ng may karapatang pumigil sa 'yo!"

Napa-isip siya sa 'king sinabi.

"Thanks bro! Buti na lang may kapatid akong kagaya mo."

Pinilit niya'bg ngumiti upang maging totoo sa sinasabi niya.

"Basta bro, tatagan mo ang loob mo lalo't ramdam kong malapit na nating malaman ang katotohanan sa pagkamatay ni Dad."

"T-talaga?? Kung ganoon malapit na nating makamtan ang hustisya," sambit niya na tila nagising sa katotohanan.

"Mismo!" Pagsang-ayon ko.

"Ano nga pa la'ng update sa pag-i-imbestiga mo?"

"May nakita akong bagong lead," pabulong kong sagot sa kaniya.

"...isang syringe at rope sa tapat ng bintana ng CR ng office. In fact, 'yung syringe dinala ko na sa forensics team para ipasuri."

Tumango-tango siya habang nakikinig.

"That's really a good news. Mabuti na lang at sa tagal nito doon, walang ibang naka-kuha."

"Actually muntik na!"

"Muntik na'ng...may ibang nakakuha?"

"Yes bro! Nung papunta ako roon para mag-investigate, may nakita akong taong balot na balot ng puting kasuotan papunta rin do'n. We even fought and he's good. Sa kaniya ko na-diskubre na mayroon palang lead doon na kukunin din dapat niya."

Napakunot-noo siya.

"Talaga? Nakita mo ba'ng mukha niya? Sino siya?"

" 'Yun nga eh, hindi ko nakita dahil naka-maskara siya. Pero sa susunod na magpakita siya, gagawin ko ang lahat para malaman natin ang identity niya," determinado kong sagot.

" Kung sino man siya, sigurado akong 'yun ang culprit. Sino lang naman ang magkaka-interes sa kaso ni Dad. Either us who investigate or somebody who's trying to clean up the mess," he analysed.

Justice ServedWhere stories live. Discover now