Chapter 43 - Fallen

643 27 3
                                    

Bumalik ako sa office para kunin ang aking mga gamit. Kailangan ko ring balikan ang bawat ebidensya na nakalap ko sa lugar kung saan natagpuan si Dad.

Una kong tinignan ang CR. The size of the window is enough for a person to enter. It's actually bigger than the typical size of a small window. A medium sized person is enough to go through the window...with allowance.

Ang hindi ko pa rin nasasagot, paano siya naka-alis agad? Am I missing something?

Nang hindi ko na mapa-gana ang aking isip, lumabas ako ng comfort room and started to fix my things.

Out of nowhere, bigla akong napa-lingon sa glass windows ng office. The right part of the building is made up of glasses kaya matatanaw ang labas. Sakto ring may napansin akong ibang parte na tila hindi malinis. Medyo malabo eh.

Mayamaya pa'y isang ideya ang pumasok sa 'kin! Bigla kong naisip, maaaring 'yon ang ginamit na paraan. Actually eto lang ang other option para maka-exit nang hindi mahahalatang siya ang culprit.

I snapped my finger. Bakit ba ngayon ko lang naisip 'to!

Maaaring 'yun mismo ang dahilan kung bakit walang naka-pansin sa kaniya at hindi siya na-hagip ng CCTV. Tama ang deduction ko sa simula pa lang, the person who killed Dad was from the outside. Hindi ko lang maisip mabuti kung ano ang motibo niya. For now, I will consider Mr. Adolf's theory. Posibleng dahil sa pera.

It's Rob's research that can confirm my deduction. Hindi na ako makapag-hintay. Hindi matatapos ang linggong ito nang hindi ko napa-pangalanan ang may-sala.

Now, isa na lang ang kulang. The missing link! Naniniwala akong may isa pa akong hindi nahahanap na magdurugtong sa cause of death at sa bilis ng mga pangyayari. This will answer why the killing happened so fast.

Kinalkal ko ang aking bag para kunin ang police report. I need to double check the details.

Muli kong binasa ang naka-sulat.

At about 9:15 am of January 20, 2018, a phone call received by this station informing the police of an alleged murder incident at the Welch Mart Corporation building in Manila. Elements of the station together with the duty investigator immediately responded and proceeded to the said area. Initial investigation conducted disclosed that around 8:30 am, the victim arrived at the office and immediately requested for a coffee to his executive secretary, identified as Jill Angeles, 24 years old. Around 8:40 am, after the coffee was delivered, the victim went out of the office to deliver a document to Mr. Dan Ferrer, the Chairman of the Board.......

Napa-tigil ako sa pagbabasa. I think this explains my question. May nangyari no'ng lumabas siya ng kaniyang office. But I need proof!

Konting-konti na lang pwede ko nang pangalanan ang culprit.

Tuluyan kong inayos ang aking gamit. Isinabit ko sa 'king balikat ang bag na naglalaman ng laptop saka ako lumabas.

Napa-tigil ako nang maabutan ko si Allison na naghihintay sa may elevator.

"Pauwi ka na rin?" tanong niya

"Yes! Tapos na rin naman ang work ko," sagot ko habang inaayos ang aking suit.

Tumango siya at bumukas ang elevator.

Walang umimik sa 'min though pinakikiramdaman ko siya.

Nang makarating kami sa ground floor, pina-una ko siyang lumabas. Gentleman thing!

Bigla siyang nata-pilok.

"Uy!" gulat ko sabay salo sa kaniya. Biglang nagtama ang aming tingin at ramdam ko ang malakas na kabog ng aking puso.

Hindi ka pa handa! Paaalala ko sa aking isip.

Pero masyado lang malakas ang tibok ng puso ko na parang wala na siyang pakialam sa kahit anong bagay at unti-unti akong nakakaramdam ng saya habang nakikita kong magkalapit kami ngayon ni Alli.

Habang tumatagal kami sa aming posisyon, nararamdaman ko ang mga paghinga niya. Napagtanto kong patuloy kaming naglalapit sa isa't isa. Kita ko ang kaniyang pagpikit nang tuluyang magda-dampi ang aming mga labi, palapit nang palapit.

Ngunit...

Biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Kaya't itinayo ko siya.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya nang bumalik kami sa aming diwa.

Hindi niya sinagot ang aking tanong. She just fixed herself.

"Salamat!" 'yan lamang ang nasabi niya and she checked her message.

"Gusto mo ihatid na kita pauwi?" tanong ko sa kaniya nang tuluyan kaming makalabas ng elevator.

"Hindi na. May sasakyan ako!"

"How about...kumain tayo sa labas? Early dinner?" I once again offered.

"No! Sigurado akong nagluto si Manang sayang naman kung walang kakain," sambit niya.

"Okay!" medyo disappointed kong sagot.

Pagka-labas namin ng building, bigla kaming sinalubong ng batang nagti-tinda ng rosas na pilit pinapa-alis ng guard.

"Sorry po ser. Ayaw niyang umalis eh!"

Napatigil ako para i-deal ang issue.

"Mauna na ako," paalam ni Allison.

"Ingat ka!" I just told her.

"Bilhin niyo na po lahat 'to para maka-uwi na ako," sambit ng bata.

"Lagi ba dito'ng mga batang 'to?" tanong ko sa guard.

"Hindi po ser! Ngayon lang. Ang tigas nga po ng ulo eh! Kanina ko pa pinapa-alis, ayaw makinig."

Ibinaling ko ang atensyon ko sa bata.

"Ilang piraso ba 'yan?" tanong ko.

" Sampu po."

Dinukot ko ang aking wallet at hinugot ang buong isanlibo.

"Okay na ba 'to para bilhin ko 'yan lahat?" tanong ko.

" Sobra na po," tuwang-tuwang sagot ng bata.

"Kung ganoon, akin na lahat 'yan," sambit ko na ang tinutukoy ko ay ang mga bulaklak.

Agad naman niya itong ibinigay.

" Keep the change!" I told him pagka-abot ko sa bayad.

Sa sobrang tuwa niya, nakalimutan pa niyang magpa-salamat.

Naglakad ako patungo sa 'king sasakyan habang hawak ang mga bulaklak na naka-tago sa 'king likuran.

Nang padaan na si Allison, pinara ko siya.

"Yes, Mr. Welch?" seryoso niyang tanong.

"Masyado ka namang formal," I answered.

Ngumisi lang siya.

"I just want to give these to you!" sambit ko sabay abot sa mga rosas.

"F-for me?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tinitigan ko ang kaniyang mga mata.

"I hope you don't mind!" I answered sincerely.

"Hindi ko alam kung bakit mo ako binibigyan nito pero salamat!" She said in a tough voice.

Mayamaya pa'y nagpa-alam siya at wala akong nagawa kundi panoorin na lang siyang umalis.

Justice ServedWhere stories live. Discover now