Chapter 16 - EA And The Coffee

703 26 8
                                    

Napaka-masunurin talaga ni Jill!

Tumawag muna siya para i-confirm kung pwede siyang pumasok gaya ng instruction sa kaniya ni Matt.

Mayamaya pa ay narinig ko ang pagkatok sa pinto.

Pumasok si Jill to give the coffee.

"Heto na po 'yung coffee niyo sir," sambit niya habang papalapit.

She still looks tensed bagama't hindi na namumutla ang mukha niya.

Pinanood ko siyang ilagay ang kape sa mesa at napansin ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay.

Wala siyang imik. Naka-yuko lang siya at naglakad palayo.

"What's with the coffee?" tanong ko dahil napansin ko, mula nang magpakuha ako ng kape, ganyan na siya.

Hindi siya lumingon agad. It takes seconds bago siya nag-react.

"P-po?"

Pinagmasdan ko siya bago ako sumagot.

"You look tensed!"

"O-okay lang po ako sir!"

Pansin ko ang panginginig ng kaniyang boses maging ang pamumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

"If you have personal problems, please, 'wag mong dalhin sa work. It's distracting!"

I'm now acting the way a real boss should ---- showing a bit of strictness.

Hindi siya makatingin nang diretso.

"S-sorry po sir! Sige po."

Naglakad siya palabas ng office.

She's acting weird and I feel like.....I feel affected.

Nagfocus ako sa dati kong ginagawa sa pagtimpla ng coffee ---- pouring out creamer at isinasantabi ang asukal.

After that, I opened my laptop to check emails and even my messenger.

Saktong nag-message si Matt.

Bro, video call!

Right after I read it, tumatawag na siya so I answered it immediately.

He's obviously in his car as I can see.

I sipped my coffee.

"Bro, it's much harder than I thought!"

The way he says it, he's frustrated.

"What do you mean?" Kunot-noo kong tanong.

"Naisagawa na ang plano ko."

Natigilan siya konti.

"...... it didn't work!"

Biglang nag-flashback sa 'kin kung gaano siya ka-kumpiyansa sa plano niya that he even kept it. And maybe, that's the reason why he's too frustrated.

"How come?" I asked.

"Pwede ko na bang malaman ngayon kung ano 'yung plano mo?" Pagpapatuloy ko.

He took a deep breath and started to say it!

"It should have worked kung ando'n lang ang record niya!"

So his plan goes like this. Nag-act si Matt na magpapa-check up. Nung nasa loob na siya at kausap na niya ang doctor, dumaan naman si Tito Morris at Rob at nang makatapat sila sa mismong pinto, nag-act si Tito na inaatake sa puso. Rob of course demanded the people around to call the nearest doctor from where they are. Fortunately, the nearest is Doc Jess Ramirez. Siya ang agad sumama para dalhin siya sa emergency room, dahil na rin sa pag-pressure daw sa kaniya ni Rob na pumunta agad-agad para maagapan ang atake sa puso. They even hired people to act na magpapa-check up, to make the secretary busy outside. That buys Matt some time to find the medical record. It was alphabetically arranged kaso hindi niya nakita ang pangalan ni Dad.

Justice ServedWhere stories live. Discover now