Chapter 50 - Open

573 22 7
                                    

"Meron kasi kaming natanggap na box para sa 'yo! Rush delivery ang naka-indicate so I think it is important," sambit niya.

"Talaga? Kanino galing?"

"Hmmm...walang naka-lagay eh! Basta naka-address sa 'yo!"

Nagsimula akong mapa-isip kung sino ang pwedeng magbigay nito sa 'kin. Is this a gift? If it is, from whom?

"Ano'ng itsura ng box?" tanong ko.

"Halos kasinglaki ng kahon ng sapatos tapos balot na balot ng packaging tape. Looks like it's too confidential!"

Based on his description, it doesn't look like a gift! Nagsimula akong kutuban.

"Do you mind opening it for me?" I asked in curiousity.

"NO!" kontra ni Rob na nanlaki pa ang mata.

Tumingin ako sa kaniya and demanded for an explanation.

"Ipatapon mo na lang 'yan. Baka mamaya bomba pala 'yan 'no!" pag-aalala ni Rob.

"Hay naku! Ang lupet mo talaga mag-isip hanggang ngayon!" sambit ni Matt dahilan upang mapa-ngisi ako kay Rob.

"Mas okay na 'yung sigurado!" depensa naman ni Rob.

Napapa-isip ako. Shall I go back and deal with it?

If it's a bomb, then that means, it's not yet over. Threat is still around that we need to deal.

But I remember back in state, usually in our operations, wrapped threats that are sent to a particular person are easy to open. Hindi siya balot na balot ng packaging tape or lock. Actually it looks presentable, unless it is left on a road or public places.

Since it was sent directly for me, then I can consider it as a threat but the way it is wrapped is confusing.

"Hey! Mareuz...still there? Ano'ng gagawin natin?"

"I-I'm not sure. But I want you to keep it!"

"Keep? Pa'no kung delikado 'yan? Eh di patay na silang lahat do'n?" kontra ulit ni Rob.

I took a deep breath!

"I don't think that's a bomb! Magtiwala kayo sa 'kin."

"Okay. Sabi mo eh! May tiwala naman ako sa 'yo bro!" sagot ni Matt saka niya tuluyang ibinaba ang phone.

"Mareuz bro, ano ba'ng balak mo?"

Napamasid ako sa paligid...

Nasa airport na pala kami at paakyat na sa departure area.

Hindi maalis sa 'king isip kung anong kahon 'yon!

Sabagay! We can re-schedule the flight naman anytime so wala namang mawawala if I will go back and check the parcel.

Threat or not, I feel like it's something so important.

"We're here!" sambit ni Rob at binuksan niya ang pinto. Lalabas na dapat siya nang pigilan ko siya

"Hindi tayo tutuloy!" sambit ko.

"Huh?" pagtataka ni Rob. Maging ang driver napalingon.

"Don't tell me babalikan natin 'yung box na sinasabi ni Matt?"

"Exactly!"

"Pero bro 'pag pumunta tayo ngayon mali-late na tay--"

"I know! But I need to see what it is. I have this premonition that the box contains something important. I need to confirm if my detective reasoning and hunch is right!" mariin kong sagot.

Ang ending, hindi siya tumuloy sa pagbaba at wala ring nagawa 'yung driver kundi ihatid kami pabalik sa kompanya.

While on our way, tinawagan ko si Matt to inform him that we're on our way to the office. Bagay na naintindihan naman niya agad.

---------------------

Rob and I went directly to my office.

Nadatnan namin doon si Matt at Jill. Magkatapat silang naka-upo habang ang box ay naka-patong sa mesa.

Napansin ko agad na balot na balot nga ito ng packing tape.

Samantala, si Matt, tila gumaan ang loob niya nang makita kami. Napa-tingin rin si Jill.

"I thought you opened it!" sambit ko.

"Well, we don't have the guts to do it especially it's not for us!" sambit ni Matt.

I feel like we're dealing with a pandora's box right now!

"Do you have any idea kung kanino 'to galing?" Tanong ni Matt.

"None! Pero feeling ko, malalaman ko kung sino ang nagbigay kapag nakita ko na'ng laman nito!"

Matt gestured me a go signal!

Pinagmasdan ko ang box saka ako umupo sa tabi ni Jill.

Malakas ang kabog ng puso ko.

I feel so tensed!

Nang mahawakan ko ito, napansin kong naglakad si Rob sa may table para kunin ang cutter.

Sinimulan kong i-cut ang mga tape na naka-paligid dito.

Kaming lahat ay naka-tutok sa kahon.

Napa-buntong hininga ako nang matanggal ko ang tape.

Tuluyan ko na ngang binuksan.

Napa-kunot-noo ako nang makita ko ang laman ng kahon.

"Ano ba namang klase 'yan! Bumalik tayo para lang diyan?" sambit ni Rob.

"Weird!" sambit ni Matt.

Samantala, si Jill, napa-tingin sa 'kin na tila hinihintay kung ano ang magiging reaksyon ko.

------------
Sorry po sa bitin na update! Babawi po ako promise!!

Please vote 😊 thank you!

Justice ServedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon