Chapter 7 - First Task

946 36 3
                                    

Pagka-uwi ko, nadatnan ko si Rob na naka-upo sa living room.

"How's the car?" I asked.

" Pinapaayos pa."

"Ibenta mo na 'yon!"  Utos ko sa kaniya saka ako umupo sa sofa.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Mas nag-focus siya sa pag-abot ng card.

"Here!"

"Kukunin mo na ba niyan 'yong car na binili ko? Kaya siguro kita natanong kung ano'ng kulay ang gusto mo kasi para sa'yo rin talaga 'yon."

I waved my hand!

"Nah! As I said, gagamitin mo 'yong car for investigation. Para hindi ka masyadong mahirapan."

"Eh ano'ng gagamitin mo?"

"Bibili ako ng bago!"

"Alam mo, masyado ka nang nagiging magastos," paalala ni Rob.

I just smirked!

"May natanggap akong pera ngayong araw and not from Welch's. 'Yun ang ipambibili ko," I answered proudly.

" Talaga? Kanino naman galing?"

I smirked!

"Doon sa babae na naka-bangga sa 'kin."

" 'Yung nando'n kanina? 'Yung parang model? Magkano naman ang binigay?"

"Two million!"

Nanlaki ang mata ni Rob sa kaniyang narinig.

"M-million??? As in six digits that have five zeros???"

Tumango ako habang nakangiti.

"P-pero...sobra naman 'yon! Tsaka paanong... buti pumayag siya?"

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

".....kahit siguro mayamang tao, hindi pa rin magbibigay ng gano'ng pera dahil lang sa simpleng banggaan," pagtataka niya.

" Alam mo sa totoo lang napapaisip rin ako eh!" pagsang-ayon ko habang binabalikan ang mga nangyari.

"...kasi parang takot na takot siyang tumawag ako ng pulis kaya napilitan siyang magbigay ng ganoong halaga. Sa totoo lang hindi ko akalain na mas kakagatin niya 'yung two million kaysa i-settle ang kaso sa pulis!"

"At sinamantala mo naman?"

"Why not! Alangan namang bawiin ko pa. Baka maging katawa-tawa ang dating ko."

"Pero alam mo bro..." turan niya habang napapaisip.

"....kung takot siya sa pulis, baka kriminal 'yon o may nagawang offense kaya siya nagtatago."

Napatingin ako sa kaniya.

"Hindi natin siya kilala so there's a possibility na ganoon nga!" I agreed.

".....but I think we have to disregard that possibility," bigla kong bawi.

Napakunot-noo siya!

"What do you mean? Ang gulo mo!"

"Kung ikaw, kriminal ka, mamamalagi ka ba sa siyudad kung saan mas alerto ang mga pulis?"

"Oo nga 'no? Tsk!"

" Why be concerned about her anyway. May mas mahalaga pa tayong dapat pag-usapan," I reminded him.

We dropped the subject. Sinimulan naming pag-usapan ang mas mahalagang bagay and that is the case about Dad.

Mayamaya pa ay nakita namin si Matt sa hagdan.

"Tamang-tama dumating ka," sambit ko kay Matt.

"Anything I can do for you?" he asked.

Justice ServedWhere stories live. Discover now