Chapter 23 - Drunk Alli

703 28 5
                                    

I shut down my laptop and fixed the paperworks.

Napatingin ako sa aking relo. 7:30 pm na. Hindi ko namalayan ang oras.

Masyado kong napagtuunan ang journal kung saan ni-review at pinag-aralan ko ang mga posibleng leads na magpapatunay sa ikinamatay ni Dad. As a result, kinailangan kong i-rush ang ilan sa mga paperworks na deadline na pala ngayong araw rin na 'to.

Isinabit ko sa aking balikat ang bag na naglalaman ng laptop saka ako tuluyang lumabas.

Napansin kong marami ring mga empleyado ang naka-overtime ngunit marami na rin akong napansin sa ground floor na pauwi rin gaya ko, gayundin sa labas ng kompanya.

"Ang lakas din ng loob niya 'no! Kung ako 'yon, magre-resign na ako."

Napatigil ako nang marinig ko ang pag-uusap ng limang empleyado sa may gilid ng pinto.

"Eh makapal ang mukha eh! Hindi talaga ako naniniwalang wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Sir Barry!" rinig kong sambit ng isa sa mga babaeng nando'n.

"Pa-inosente 'no? Akala mo kung sinong hindi makabasag-pinggan," dagdag pa nung isa.

"Isipin mo nga naman kasi, malapit lang sa pinto ng office ni sir ang desk niya, talagang abot-kamay niya lang. Madali lang namang magsabi ng hindi."

Kahit hindi nila banggitin, alam ko kung sino ang tinutukoy nila.

Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi maka-move on sa nangyari kay Dad to the point na may pinagbi-bintangan pa sila.

I mean yes, Jill can be a suspect. Who knows kung ano ang kaya niyang gawin. But these people talking about her can also be a suspect. Anyone can be!

If she's here right now, sigurado akong hindi niya magu-gustuhan ang mga maririnig niya.

I saw myself walking towards them.

"Excuse me," I started

"Give me your proof!" turan ko sabay lahad ng aking palad.

"P-po?" sabay-sabay nilang tanong na para silang nakakita ng multo.

"Patunayan niyo na si Jill nga ang gumawa nu'n kay Dad!"

Hindi sila nakasagot. Hindi sila makatingin ng diretso.

"In case hindi niyo alam, hindi dapat basta-basta pinag-uusapan ang bagay na 'yan. If you're really concerned of my Dad at wala kayong balak manira ng ibang tao, ilapit niyo 'yan sa awtoridad for the sake of due process."

"S-sorry po!" Tulala nilang sagot.

"Ang ayoko sa lahat, mga empleyadong chismoso at chismosa," I emphasized.

Tumalikod ako para umalis.

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang bigla akong may maalala.

"And oh! Kapag meron pa akong narinig na nag-uusap tungkol sa kaso ni Dad, I'll put the blame on you," sabay duro ko sa kanila.

"P-po? H-hindi naman po kami ang nag-umpisa nito," depensa ng isa sa mga babaeng blonde ang buhok.

"'Yan ang hirap sa inyo. Porke't hindi kayo ang nag-umpisa okay lang na mag-chismis?"

I took a deep breath.

"Too bad because it's you that I caught up gossiping. The challenge is to stop them from talking about it or you'll face the consequence."

Ikinalat ko ang aking paningin sa kanilang lahat.

"Do you understand?"

Tumango silang lahat habang naka-yuko.

Justice ServedWhere stories live. Discover now