Chapter 5 - Matt's Good News

950 52 3
                                    

"Ok ano 'yong sasabihin mo?" pagsisimula ko.

Andito kami ngayon ni Rob sa library ng bahay a.k.a Dad's office. Naka-upo ako sa may elongated desk habang nakataas ang aking paa. Si Rob naman ay nakaupo sa tapat ko

"Huh?" pagtataka niya.

"If I remember, you're supposed to say something before Matt called up!"

"Ah oo nga pala," sambit niya na parang biglang na-stress. Pansin ko ang pagbuntong-hininga niya na tila bumi-bwelo sa kaniyang sasabihin.

"Alam ko kasing hindi mo na kailangan ng assistant kasi andito ka na sa Pinas," malungkot niyang sambit.

" K-kakapalan ko na'ng mukha ko Mareuz k-kasi w-wala na rin talaga akong mapuntahan," pag-aalangan niya.

Napapisil pa siya sa kaniyang ilong bago niya ituloy ang kaniyang sasabihin.

"S-sana kung h-hindi mo na kailangan ng assistant, k-kung pwede sanang tulungan mo akong magka-trabaho. K-kahit anong posisyon na sa kompanya niyo. Janitor, maintenance officer, k-kahit ano basta trabaho."

I stared at him. I can't believe naririnig ko 'to sa kaniya!

"Sana hindi na lang kita tinanong."

"Kung ayaw mo, okay lang! Wala naman akong magagawa," frustrated niyang sambit na tila offended sa sinabi.

"I don't think dapat mo pa'ng sabihin sakin 'yan." Pagdiin ko sa punto ko.

"Pero alam mo tama ka!" bigla kong pagsang-ayon.

Napa-tingin siya sa 'kin.

"....nasa Pinas na ako at hindi ko na kailangan ng assistant."

Mas nalungkot pa siya sa kaniyang narinig.

"Pero mali ka na tatanggalin na kita sa trabaho!" Pagbawi ko.

" T-talaga????"

Napa-ngisi na lang ako bilang pagsang-ayon.

"Hooh! Kinabahan ako akala ko mawawalan na ako ng trabaho."

Minsan napapaisip ako sa innocence niya. Sa dami ng course na na-take up at naipasa niya, kayang-kaya niya'ng mabuhay. For sure tatanggapin siya sa kahit anong kompanya 'pag nakita ang credentials niya. Pero parang hindi niya 'yon alam. Sabagay halos lahat ng mga projects at activities no'n ako lahat ang tumapos para lang makapasa siya.

"Pero meron akong ipapagawa. And that's the reason why I needed to speak with you privately."

Nagpalinga-linga siya nang marinig ang sinabi ko.

"Is that really too private that we need to talk about it here?"

"Really private!" pagsang-ayon ko.

I took a deep breath!

" I need you to be my hands and feet for this case I am solving! Be my cover up!"

"K-kaso? Kaninong kaso?"

Kitang-kitang naguguluhan siya.

"We believe there is a foul play in Dad's death!" pagsisimula ko.

" Foul play? Eh diba namatay siya sa heart attack?"

"Oo! Pero may mga detalye na kaduda-duda," pagpapatuloy ko.

Ikinwento ko ang mga napag-usapan namin nina Matt at Tito Morris kahapon. Wala akong detalye na nilampasan because I trust Rob at kung magiging assistant ko siya, dapat lang na malaman niya ang lahat.

Tumango-tango siya habang sinasabi ko ang mga ito.

"So you will be the next CEO and I'll act as a private investigator!" paglilinaw niya.

Justice ServedWhere stories live. Discover now