Chapter 49 - On the way

544 25 4
                                    

"Pero bro, iwan ko na lang dito ah! Sakaling ma-curious ka," sambit niya.

Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang na ipatong niya ang folder na 'yun sa'king mesa.

Pagkatapos ay nagpatuloy ako sa pag-check sa mga papers.

Samantala, hindi ko maiwasan ang mapa-tingin sa folder na ipinatong ni Rob sa mesa. It's distracting me.

Bigla akong napa-isip, kung hindi ko nahuli si Ms. Gabriel dito sa opisina, will my deduction still lead me to pointing her as the culprit?

Napa-lunok ako at napa-bitaw sa hawak kong ballpen habang patuloy akong nakamasid sa folder.

Dahan-dahan ko itong hinawakan at inilapit sa 'kin.

May kung anong kakaibang kaba akong naramdaman habang hawak ito.

Wala naman sigurong masama kung ichi-check ko ang research ni Rob.

Dahan-dahan ko itong binuklat.

"Sir! Excuse me po!"

Bigla akong napa-tingin sa nagsalita. It's Jill! Naka-pasok na pala siya ng office.

"Yes?"

"Remind ko lang po 'yung emergency meeting. Nasa loob na po ang Board of Directors. 3 minutes na lang po magsisimula na!"

"Susunod na ako!" sagot ko sa kaniya at tuluyan siyang lumabas.

Ibinalik ko ang hawak kong folder at agad akong naghanda para sa meeting!

Pagpasok ko sa loob, hindi ko naiwasan ang mapa-sulyap sa upuan ni Ms. Gabriel.

"Is it true? You're leaving?" bungad sa 'kin ng chairperson na si Mr. Ferrer.

Napa-tingin ako sa kaniya at ikinalat ang aking paningin sa kanilang lahat habang ako ay naka-tayo sa kanilang harap.

I took a deep breath!

"I need to take a break!" pagpapaka-totoo ko.

"Then who will manage the company? Wala na nga tayong COO, aalis ka pa na CEO?" protesta ni Mrs. Zhang na tila nagpa-panic.

"We have our chairman of the board which I think can do the job," sambit ni Ms. Filomina. I still can sense until now na hindi pa rin niya ako gusto.

"No! No!" sambit ni Mr. Ferrer sabay wave ng kaniyang kamay bilang pagtanggi!

" I'm too old to handle more pressures in this company," pagpapatuloy niya.

Pinagmasdan ko silang lahat.

"If you are willing, I would like to suggest my brother Matt, the one you trusted in choosing me as the CEO. I assure you, he's now ready to take over," sambit ko.

Walang umimik sa kanila. Pinagmasdan lang nila ako ng matagal at tila sinusuri nila kung dapat ba nilang tanggapin ang aking mungkahi.

"You can trust him more than the way you gave your trust on me," paniniguro ko sa kanila.

I am sure that the company will be safe with him lalo't siya ang tunay na anak ng nagtaguyod sa kompanyang ito.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo sa pag-alis?" tanong ni Mr. Ferrer.

"I'm sorry but my decision is final. I shall return when I'm ready," sagot ko.

Matagal bago muling umimik si Mr. Ferrer.

"Well I guess there's nothing we can do to change your mind. And we were left with no other option but to take your suggestion. Tell Matt to see me today," pag-apruba ni Mr. Ferrer.

Justice ServedWhere stories live. Discover now