Chapter 35 - First Encounter

599 23 5
                                    

Pagkalapit ko sa kaniya, agad kong hinawakan ang kaniyang braso upang pigilan siya.

"Sino ka at ano'ng pakay mo dito?" Mapang-hamon kong tanong.

Hindi siya sumagot. Pinagmasdan lang niya ako saka niya iwinaksi ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso saka siya nagpatuloy sa paglalakad.

Dali-dali ko siyang hinabol at hinarangan.  Itinaas ko ang aking kamay to gesture a stop sign.

"Wait! Pipi ka ba? I'm asking you. Ano'ng balak mo?" asar kong tanong.

Muli'y pinagmasdan lang niya ako na parang hindi niya ako naririnig.

Samantala, hindi ko akalain ang sumunod niyang ginawa. Sinubukan niyang ihampas ang kaniyang kanang braso sa aking mukha. Mabuti na lamang at nakita ko agad kaya hinarang ko ang aking kamay.

"Sabagay, bakit mo nga naman sasabihin. Hindi naman tayo close. As I can see, we're enemies," pahabol ko.

Mabilis niyang inangat ang kaniyang kanang paa para sipain ako ngunit muli kong naiharang ang aking kaliwang kamay.

"Ah ganoon!" sambit ko.

Patuloy siya sa pagsugod sa 'kin pero puro depensa lang ako. Sinusubukan kong pag-aralan at pag-isipan ang kaniyang mga kilos. Bakit siya nandito? Ano'ng pakay niya? Kilala ko ba siya? He has the moves. Base sa kung paano siya kumilos, I can say that he's not an amateur fighter.

Sinubukan niya akong patirin ngunit agad akong nakatalon. Pagka-apak ko sa floor, agad niya akong tinapunan ng isang suntok sa tiyan habang siya'y naka-luhod. Buti na lang na-kontrol kong 'wag ma-tumba kahit malakas ang pagkaka-suntok niya.

Pinagmasdan ko siyang mabuti at sinubukan kong hulihin ang kaniyang mga tingin ngunit hindi ko ito masyadong maaninag dahil sa suot niyang maskara.

Sinubukan ulit niyang sumugod. Nagpa-ikot-ikot siya pa-taas. Alam ko na 'yang move na 'yan. Pagka-lapit niya, saka niya itatama ang kaniyang paa sa aking mukha. Hindi na ako papayag ngayon na malamangan niya ulit.

I bend myself nang sinubukan niya akong sipain. Pagka-apak niya sa floor, ako naman ang sumugod. Oras na para tapusin ang engkwentrong 'to.

Una ko siyang sinubukang suntukin ngunit inilag niya ang kaniyang katawan. Inilahad niya ang dalawa niyang kamay upang higitin ang aking kamay na naka-tapat sa kaniya ngunit agad ko itong ikinilos at ginamit upang pilipitin siya. Nag-tumbling siya para hindi siya mapilipit. Sinubukan niya akong tuhurin ngunit hinarang ko ang aking kamay at habang nangyayari ito, sinubukan ko siyang patirin. Nag-smirk ako at napa-cross arm nang makita ko siyang natumba. Umatras siya habang naka-upo.

Samantala, pinagpag ko ang aking suit. Baka narumihan. Saka ko ito inayos.

Mayamaya pa'y narinig namin ang pagpito ng mga security guard upang rumesponde.

Agad siyang tumayo at mabilis tumakbo paalis. Agad siyang hinabol ng mga guard. Samantalang ako, napabuntong-hininga.

"Make sure you catch him!" paalala ko sa mga guard.

Tumango sila. Nang maka-lampas sila sa kinaroroonan ko, sinubukan kong mag-concentrate sa pag-iisip kung ano eksakto ang pakay niya.

Hinarap ko ang building.

He's going towards the building...

Naglakad ako palapit doon na sakto pa lang tapat ng CR ng office.

Mula sa pagkakatingala, dahan-dahan akong yumuko upang matignan ang paanan nito na mini-garden na na- landscape.

Napakunot-noo ako nang may makita akong isang bagay sa pinaka-sulok ng landscaped mini-garden. Halos matabunan ito ng bermuda grass na tila hindi masyadong naaasikaso ng mga janitor. Maaaring ito ang dahilan kung bakit nandito pa rin ang bagay na 'to.

Syringe???

Pupulutin ko na dapat ito nang may isa pa akong mapansing bagay. Ito'y isang mahabang transparent rope na maaaring karugtong ng rope na nakita ng janitor.

Doon ko na-kumpirma na ang mga bagay ngang nandito ay mga clues sa kaso ni Dad.

Kung ganoon, ito nga ang pakay nu'ng taong balot ng puting kasuotan. Alam niya na mayro'ng lead dito.

Tinanggal ko ang aking suit at ginamit  itong pangkuha sa rope at syringe for the sake of their preservation. Baka sakaling ma-trace pa dito ang fingerprint ng culprit.

Pinagmasdan ko ang syringe at meron pa itong kaonting natitirang laman na likido. Hindi ako sigurado kung ano ito kaya't kailangan ko itong ipasuri sa medtech. And to ensure its credibility, dadalhin ko na lang ito sa forensics team ng investigators. Tutal napatunayan naman sa second opinion na reliable naman sila.

Diniretso ko ang mga ito sa'king sasakyan. Wala na akong dapat pang sayanging oras lalo't lantaran nang kumikilos ngayon ang kaaway kaya't ngayon di'y pupunta ako roon upang ipasuri 'to.

-----------------
Kayo mga readers, kaninong karakter kayo naka-manman? Malapit na ang big reveal kaya't kapit lang!

Justice ServedWhere stories live. Discover now