Chapter Twenty-Five

11 2 0
                                    

CHAPTER 25

EIFFEL SCHAZNAE'S P.O.V

"Oh! Dahan-dahan ka. Baka mamaya ibalik ka pa sa ospital pag nasubsob ka dyan." Sinamaan ko ng tingin si Gucci.

"What do you think of me?! Muntanga ganern?! Duh!" I rolled my eyes at her and start walking inside our house. Yes, I'm in a place that I can call hell. Back to normal na naman!

"Ayy bakit Schaz? Hindi ba't tanga ka naman talaga since birth?!" I glared at her once again pero natawa na lang siya. "Anyway, nasaan na ba ang in charge sayo? Akala kong napagkasunduan na nina mama na si damulag ang magiging nurse mo?"

"What?! Anong nurse ko?! Ayoko nga! I can handle myself! I'm a strong woman!" Sigaw ko. Ayoko naman na bantayan niya ako no! Di ko naman siya sinisisi sa nangyari kaya di na kailangan pang parusahan si V.

"Strong woman ka dyan! Ayan nga kagagaling mo sa ospital tapos strong woman?! Duh! Mag-isip ka nga! Tanga mo talaga!" Then, it's her time to roll her eyes. Kinginang balungos niyang yan!

"Isa pang salitang tanga ang marinig ko sayo, Malaya ka na."

"What the eff! Malaya? Malaya from what?! Dami mong alam pero pag dating kay V sobrang tanga mo naman! Tss." Pinanlisikan ko siya ng mata. Sinabi nang wag sabihin sinabi pa!

"Mababatukan ka na talaga sakin, Gucci!!!"

"Oh really? As if you can!"

"Of course, I can! Remind you, I'm a strong woman!"
"Sure. Sure."

"You really don't believe me?" tanong ko kasi di naman sincere ang pagsabi niya ng sure.

"Yah!" with matching thumbs up pa.

"Yah! Yah! Yah! O.C Dawgs! ExB!" napalingon kami ni Gucci sa nagkanta.

"ZURI!" natutuwang sigaw ko.

"Kalimutan mo na yan. Sige sige maglibang. Wag nang magpakahibang. Dapat ay itawa lang. Ang problema sa babae dapat di iniinda. Hayaan mo sila ang maghabol sayo di ba...!!" Sumasayaw pa siya habang kumakanta. Napaka talented talaga eh.

"....Sabi ko naman sayo lahat yan nagloloko pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayo. Kaya wag nang uulit pa, kaya wag nang uulit pa..." tinuloy ko naman ang kanta. Uso yan nowadays. Hahaha.

"I heard what happened. How are you feeling?" pagkumusta niya sa akin.

" I'm okay now. Super duper okay! Alam mo naman na malakas ako ever since di ba?" sinenyasan ko siya na um-oo na lang. nakita ko naman ang pag-irap ni Gucci sa tabi.

" Oh yeah. Hahaha. You're strong."

"Osya! Malakas na kung malakas pero pwede ba umakyat na muna tayo?! Jusko! Pagod na pagod na ako sa dami nang nangyari!" umakyat na nga kami sa kwarto ko para magpahinga. Si Zuri di na sumama pero may iniwan siyang isang basket ng prutas para sakin.

Nakapagbihis na ako ng pambahay nang may kumatok sa aking kwarto. Hindi ito nakalock kaya pagkatapos ng ilang katok ay nakita ko nang bumukas ang pinto. Bumugad sa aming harapan ang nag-iisang Versace na mukhang lutang habang tumuloy sa pagpasok sa aking kwarto.
Napano to?

"Finally! Dumating rin ang in charge! Saan ka nanggaling ha?!" tanong ni Gucci pero di man siya pinansin ni V na diretsong umupo lang sa kabilang side ng kama ko. "Uyy! Anyare?! Lutang na lutang ka ah!"

Nagkatinginan na lang kami ni Gucci nang hindi pa rin kumibo si V. Siguro may idea si Gucci sa nangyayari kay V. Kakambal niya yan eh. Syempre kilalang-kilala niya ang kapatid niya.

"Umuwi na kayo." Maya-maya'y sabi ko. Tulala pa rin si V kaya nabwisit na ako. "Hoy! Kung may problem ka, wag mong idaan sa kagaganyan mo! Umuwi ka na nga!" tinignan ko si Gucci at itinuro si V, sinesenyasan na isama niya na pauwi ang kakambal niya. Umiling lang si Gucci.

"Di pwede Schaz. Punishment niya yan eh. Una na ako."

"Gucci!!!" Sigaw ko bago pa man siya makalabas ng kwarto ko pero tumuloy pa rin siya at iniwan kaming dalawa nitong lalaking lutang na lutang.

"Hey! Get out of my sight! I don't want a parasite!" Pero wala pa rin eh. Para lang siyang muntanga na nakatingin sa kawalan.
Seriously?!

Nagsawa ako kaya nahiga na lang ako hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.

"I know.....Yes....I don't know yet....Soon we'll going to meet.....Of course, I'll make sure of that.....Yes....Hahaha....Okay, bye!"
Nagising ako dahil sa boses ni V habang may kausap sa phone. Nakapikit pa rin ako kahit gising na pero ramdam ko ang tuwa sa boses ni V.
I wonder what was the phone call about? Sino kaya yon?

*tok *tok
"Yes?" mahinahong tanong ni V sa kung sino man ang kumatok. Ako, nagpapanggap pa ring tulog.

"Sir, ready na po ang hapunan." Dinig ko si yaya. At dahil doon nakaramdam ako ng labis na pagkagutom.

"Ah sige po. Salamat." Tugon ni V.

"Nae..." Kinalabit niya ako. Pero syempre dedma muna no. "Nae gising ka muna kakainin na." Alam ko naman V. Gusto ko munang marinig pa na tawagin mo akong Nae. Haha

"Ruiz..." Maya- maya'y seryoso na niyang gising sa akin pero di pa rin ako gumalaw sa pwesto ko. Narinig ko na lang siyang huminga nang malalim pagkatapos ay narinig ang pagbukas ng pinto. Lumabas na siya? Grabe naman.

Tumayo na ako at sumunod na papuntang dining area.

"Ay Ma'am good evening po. Kain na po." Agad na bati at aya ni manang.

"Sige po. Sabay na po kayong kumain." Aya kong pabalik. Si manang kasi yung kapalit nung umalis naming maid. Balak na lang kasi nung mag-abroad kaya nagresign na. So si manang Lita na ang pumalit kay Ate Joy. Sayang lang at nawalan ako ng ate. Sobra kong kaclose yun kasi lagi naman wala ang parents ko at ang mga maid lang ang lagi kong nakakausap sa bahay na to. Sana makaclose ko rin si manang Lita.

"Ma'am hindi na po. Mauna na po kayo ni Sir." Tinignan ko lang si V na nag-umpisa nang kumain.

"Hindi manang. Sabay na kayo." Tapos bumulong ako. "Ayaw kong kasabay yung parasitong yon." Turo ko kay V. Hahaha.

"Ma'am ang gwapong bata naman ng tinatawag niyong parasite." Natatawang aniya.

"Kaya nga manang eh. Kaso nakakainis siya. Tara na po. Kain na tayo." Umupo na ako sa may tapat ni V.

"Sige po Ma'am kuha lang akong pinggan."

"Manang wag niyo kong tawaging Ma'am. Lakas makatanda eh. Schaz na lang o kaya Eifel." Nginitian ko si manang at ibinalik naman niya ito agad sakin.

"Bakit di ka ba matanda ka naman talaga?" Singit ni V kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Excuse me! Hanggang dito lang usapan oh! Wag kang makisawsaw!" Gumuhit ako ng imaginary line kaya natawa si manang.

"Tss."

"Pa-tss tss ka dyan eh kung tadyakan kaya kita!" Bahagya ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa.

"Oh, that's all you can do? What a weak girl you are." Umiiling pa siya ha! Bwisit!

"Wow! As far as I can remember, you are supposedly taking caring of me. Is this a part of the CARE that you should give? God! You frustrate me!" Tumayo na ako at umakyat papuntang kwarto. Nakakabwisit. Ni hindi man lang ako binigyan ng chance na makakuha ng pagkain!

"Hey! Where are you going?! Comeback here, di ka pa kumain!" Sana naisip niya yon bago siya nambwisit!

-----------------------

Sorry it took so loooooooooong before I update!

For my one and only reader, I'm sorry. You know who you are. Busy lang talaga. Pero don't worry dahil di naman ako mambibitin. Tatapusin ko lahat ng sinimulan ko. Kahit yung isa pang story na naka unpublished na itutuloy ko.

For now, let's wait for our vacation. Mas mabibigyan ko nang focus ang mga stories ko pag wala nang pasok.

So again, Sorry and Thank you.

Support me all the way and please don't forget to vote, comment and share for more updates.

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now