Chapter Twenty

13 6 0
                                    

Chapter 20

Eiffel Schaznae's P.O.V

"Kyah, inom tayo." Inabot ko yung isang shot glass kay Versace.

"Why are you here?" imbes na sumagot ay itinaas ko na lang ang alak na hawak ko. Umupo ako sa hindi kalayuan mula sa kanya.

"I want to be alone but it seems like all of you don't want me to. Bakit gustong-gusto mong nasusungitan sakin? Di ka ba nagsasawa? Alam mong hindi ako interesado sayo pero pilit ka pa rin lumalapit. Are you a masochist?" Di ako kumibo. Instead, iniabot ko na lang ang buong alak sa kanya. Kinuha naman niya ito at binuksan. Pinanood ko siyang magsalin sa shot glass niya at mabilis na tinungga ito. Napangiti ako. Hindi dahil masaya ako. Kundi, dahil naaawa ako sa kanya. Alam kong bumabagabag na naman sa isipan niya yung babaeng lintik na nang-iwan sa kanya.

"Kung may problema ka nandito lang ako para makinig." Sabi ko sa kanya.

"I do not have any problem. I'm very much okay." Dalawang magkakasunod na pagtungga ng alak ang ginawa niya. Makikita sa mukha niya na problemado siya.

"Jinjja? I don't think so." Umiiling na sambit ko kaya liningon niya ako.

"So mas alam mo pa sakin?" Tumango ako nang tumango habang bahagyang nakangiti. May maaasar nito. Hahaha.

"Lagi mo siyang iniisip no? Eh siya kaya? Iniisip ka pa kaya niya? I don't think so! Tsk tsk tsk!" Nang-aasar na sabi ko na umiiling ulit.

"Shut up." Then, umirap siya.

"Ba't ka ba iniwan?"

"Shut. Up."

"Mahal mo pa. Ang tanong, siya kaya mahal ka pa? Hahaha. I. Don't. Think. So!"

"SHUT UP!!" Super lakas na sigaw niya! Yep! Naiinis na siya! Yoohoooo!

Tumahimik ako kagaya ng hiling niya. Hinayaan ko na lang muna siya na tumungga nang tumungga ng alak. Di na ako nagulat. Inasahan ko naman na sisigawan niya ako.

"Sa tingin mo ba may balak akong tigilan ka? Sorry to disappoint you, but I will never stop bothering you! Wala akong paki kahit sungitan at sigawan mo ako dyan. So kung ako sayo hayaan mo na lang akong damayan ka. I'm a good listener if you were to ask." walang emosyon lang siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay kinakawag-kawag ang aking mga kilay.

"Wala rin akong paki kung good listener ka. Wala maman akong dapat sabihin o ikwento sayo in the first place." nagmamatigas pa siya.  In denial talaga tong ugok na to eh alam ko namang may pinagdadaanan siya! Tss!

"Whatever you say In Denial King!" Pinaikutan ko siya ng mata matapos magsalita.

Inagaw ko sa kanya yung alak at ako naman ang nagsalin sa shot glass ko.  Nakailang tungga muna ako bago ulit nagbalak magsalita.

"Masakit maiwanan lalo na kung di man lang nagpaalam. Dati kulang na lang mamatay ka sa saya dahil sa kanya. Pero ngayon? Kulang na lang mamatay ka sa sobrang sakit ng nararamdaman mo dahil sa kanya." Nginitian ko siya pero umirap ulit siya.

"Kung wala kang magandang masabi manahimik ka na lang okay? Or you can leave if you don't mind.  That is much better than the first option."

"Nagwo-worry lang naman ako-- Wait! Di lang pala ako. Pati mga kapatid mo. Di ko naman ginagawa to para makuha ka. Ginagawa ko to kasi gusto ko maging okay ka na."

"Sino bang nagsabing di ako okay?" tanong niya na may pagkagalit na.

"No one. But I can see it in your eyes."

"At kailan ka pa naging manghuhula?"

"Di ko naman hinulaan. Sadyang obvious lang talaga sayo na malungkot at nasasaktan ka." uminom na lang ulit ako nang hindi na siya sumagot.

"Alam ko yung naging ending ng story mo with Unique. Pero di ko pa alam kung paano kayo nagsimula at kung ano lahat ng pinagdaanan niyo. Kwento mo na bilis! Promise di ko pagkakalat!" tinaas ko ang kanang kamay ko bilang pagsumpa. Pero siya? Nakataas lang ang isang kilay habang nakatingin sakin.

"Bakit ba interesado ka sa babaeng yon?" iritadong tanong niya.

"Wow ha? Kung makababaeng yon ka parang hindi mo mahal ah!"

"Tss. Di ko nga alam kung bakit mahal ko yun eh." See? Mahal niya pa.

"Wala naman kasing dahilan kapag nagmahal. Kusang nararamdaman yon. Kaya kahit ayaw mo, wala kang magagawa." ngumiti ako pagkatapos ay tumayo.

"Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso. Lagot ka na. Siguradong huli ka!" kanta ko habang sumasayaw. At nang tinignan ko si V? Natigil ako kasi takang-taka siya! Mygewd. Di po ako baliw beybe!

"Ah. Hehe." Nagpeace sign ako sa kanya. Pero maya-maya bigla na lang siyang tumawa? What the?!

"HaHaHahahaha....." kulang na lang mamatay siya sa tawa ha! So kailangan ko palang magmukhang tanga para mapatawa siya? Ngayon ko  lang ulit siya narinig na tumawa ng ganyan. Yung alam kong totoo talaga?

"Dapat pala lagi akong mukhang baliw pag kaharap ka no? Para kahit papaano mapatawa kita. Sige! Promise mas pagmumukhain ko pang shunga ang sarili ko. Basta ba maging masaya ka lang ulit. Wala akong paki kung pagtinginan ako ng mga tao. Importante sumaya ka, okay na ako." todo smile ako tapos kinindatan ko siya. Hahaha. Corny!

"Tss. Crazy girl."

"Yeah. Willing to be crazy just for you." kumindat ulit ako tapos nailing na lang siya habang medyo nangiti.

Gosh! Di ko alam ba't ko ginagawa sa sarili ko 'to. Ang corny ko! Huhuhu.

----------
Annyeonghaseyo chingu!

Sorry kung super iksi lang ng mga chappy ko ha? May pinagkakaabalahan kasi ako na mas importante kaysa dito. Hehe.

Anw, thank you pa rin dahil malapit nang umabot ng 500 reads itong story na ito. Kahit na alam kong boring lang naman at walang saysay ang takbo nito? Hahaha. Ang bad ko sa sarili ko no? Minamaliit ko masyado ang gawa ko. Tsk!

But I really want to thank those readers na sumubaybay talaga. Alam niyo kung sino kayo. Haha. Kamsahamnida to the moon and back! Lablab!

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now