Chapter Six

28 18 3
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Six-

Nakapasok na akong muli matapos kong ma-injured. Ang tagal ko ring nagpahinga sa bahay at nanatili lang na nakatunganga, walang ibang ginawa kung hindi isipin ang mga bagay na pilit na gumugulo sa aking isipan.

Kailangan ko na yatang bumili ng libro kung paano mo mapapaibig ang taong gusto mo. Pero magmumukha naman yata akong desperada kung ganon. Sa tingin niyo? Ano ang dapat kong gawin?

Hindi naman sa ipinagsisiksikan ko ang sarili ko. Pero wala namang masama kung aasa ka na magugustuhan ka rin ng taong gustong-gusto mo hindi ba?

Anyways, may practice raw kami ng dance troupe ngayon. Hindi na ako naka-attend noong nakaraang araw dahil nga sa nangyari sa akin. Walang hiyang manhole! Nakakapagtaka na may manhole sa loob ng school. Tss!

"Hi Jeah!" Bati ko kay leader saktong pagpasok ko ng dance studio. Nakita ko naman na may iba ng tao kabilang na si Aeiou. "Hi guys!!" Pansin ko sa lahat pero hindi ko napansin na nakatuon lang ang paningin ko sa iisang tao. Kay Aeiou.

Isa pang alalahanin si Aeiou eh! Alam na kaya ni Gucci??

Matapos makumpleto ang lahat ng members namin ay nagsimula na ang lahat. Pinatayo na kaming lahat ni Jeah upang makapag pairing. By partners daw ang sasayawin namin sapagkat ang sayaw na ito ay ipeperform namin sa Christmas Masquerade Ball na gaganapin na sa susunod na linggo. Iyon rin ang huling araw namin bago ang Christmas break!

"Guys! Partner up!" Unang pumasok sa isip ko si Zuri. Pinsan ko siya kaya gusto ko sanang siya na lang ang partner ko since wala naman akong ibang ka-close sa mga boy members kung hindi siya. Nang tignan ko naman si Zuri ay tumitingin na siya sa isa pa naming ka-member kaya hindi na ako umasang makakapartner ko siya. May gusto siyang iba para makapartner at si Shea yon, ang isa sa mga magagaling na dancers.

'Sino kaya ang partner ko?? Huhu.'

"Sinong walang partner??" Nangibabaw ang boses ni Jeah sa kabila ng ingay na nagmumula sa mga nag-uusap na mga partners. Nagtaas ako ng kamay ngunit kasabay niyon ay siya ring pagtaas ng kamay ni Aeiou!

'Uh-oh!'

Nagkatinginan kami ni Aeiou pero ako na rin ang kusang umiwas dahil nakakailang! Alam kong wala akong hiya pero, ewan ko ba! Dala siguro ng katotohanan na may alam ako sa nakaraan niya kaya hindi ko magawang tignan siya ng ayos.

"Partner kayo." Napairap na lang ako sa bagay na sinabi na yon ni Jeah. Malamang! Ano pa nga ba? Tss!

'Paano ko kaya ipapaalam ito kay Gucci??'

"Okay guys! May ipapanood ako sa inyo na dance video at yon ang gagayahin natin. Wala na tayong mahabang panahon para gumawa ng sariling steps dahil sa isang linggo na gaganapin ang Masquerade Ball. Ipapasa ko sa inyo ang video at magpractice kayo sa bahay kung may time kayo. Okay ba yon troupe?!" Malakas ngunit mahinahon na tanong ni Jeah. Maganda ang desisyon niya na gumaya na lang ng dance video. Kung gagawa pa kasi kami ng sariling dance steps ay paniguradong kakapusin kami sa oras. Hindi namin mapupulido ang galaw kung pag-aaksayahan namin ng oras ang paggawa ng sariling steps at baka magdulot lang yon ng hindi magandang presentasyon.

Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya kaya niplay niya ang video sa laptop na dala niya. Maigi namin itong pinanood at nananabik ang mga iba na gayahin ito.

'Maganda. Pero kung si Aeiou ang ka-partner ko?? Hala! Paano ako?!! Hindi 'to pwede!!'

Ilang sandali pa ay inumpisahan na namin ang practice. Si Jeah ang nagturo sa steps ng girls at yung ka-partner naman niya ang sa boys. Inuna muna namin yung pang-individual para madali na lang kapag with partners na. So far, kuha ko naman lahat. Syemps!! Magaling yata ako mga bes!!! Haha! Totoo yon kaya wag ka!!!

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now