Chapter Eight

35 19 3
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Eight-

Ngayon na ang pinakahihintay naming lahat. Ang araw kung saan magpapakasaya lamang kami, wala nang iisipin pang iba. Ito ang huling araw namin sa school sa taong ito. Sa wakas ay Christmas break na rin!!

Kakarating ko lang sa school at alam kong napakaganda ko ngayong araw. Kung maganda ako sa mga normal na araw, mas sobrang ganda ko ngayon! No charots ha!! Just being honest!

Ang ganda rin ng gown ko pero mas maganda ang nagsusuot syempre. Kaya nga lang kailangan ko munang magpalit para sa presentation namin ng dance troupe.

Nasa back stage na kaming lahat dahil ilang sandali na lang at mag-uumpisa na ang Masquerade Ball. Nakahanda na kaming mga dance troupe dahil after ng kaunting pa-welcome ay kami na ang magpeperform.

"Please welcome, IPIS Dance Troupe!!!" That's our signal!! Sa wakas at matatapos na rin ito!! Ilang beses kong ipinagdasal na kaagad matapos ang oras na magkalapit kami ni Aeiou! Hanggang ngayon hindi ko pa nababanggit kay Gucci ito kaya panigurado ay magugulat yon. Sana nga lang hindi siya magalit sa akin.

Lumabas na kami sa back stage at doon nagsimulang magpalakpakan ang mga schoolmates namin. Ang gara nilang tignan. Pero syempre wala silang panama sa akin! I'm confidently beautiful with a heart!! Walang aangal!! Malalagutan kayo ng hininga mga peste kayo!!! Jk.

Hindi naman nagtagal at nagsimula nang tumugtog ang kanta. Madilim sa kinatatayuan namin pero kitang-kita ko ang mga audience kaya naman inilibot ko ang paningin ko habang wala pang steps ang kanta.

'Nasaan kaya si Versace?? Kailangan niyang mapanood 'to! Sigurado mapapanganga siya sa angking galing ko at unti-unti niya na akong magugustuhan.'

"Wag mong hanapin ang taong ayaw magpahanap." Napatigil ang paglingon ko nang marinig kong nagsalita si Aeiou sa tabi ko.

'Oo nga pala. Ka-partner ko nga pala ang kumag.'

♪'Girl I see it in your eyes you're disappointed. 'Cause I'm the foolish one that you anointed with your heart. I tore it apart.'♪

Sa first part ay magkahiwalay pa ang bawat pairs sa steps. Medyo mabilis ang sayaw dahil nakasunod nga ito sa kanta na medyo mabilis din.

♪'And girl what a mess I made upon your innocence. And no woman in the world deserves this but here I am asking you for one more chance.'♪

Ito na yung part kung saan hinabol ng lalaki yung babae saka lumuhod. Ang posisyon ko ay nakaharap sa kanan ng stage at nakatalikod kay Aeiou. Si Aeiou naman na nasa likod ko ay hawak ang kaliwang kamay ko habang nakaluhod. Pinaparating dito yung paghingi ng another chance nung lalaki na nasaktan ang babae. Naghahabol ba kumbaga.

♪'Can we fall one more time? Stop the tape and rewind. And if you walk away I know I'll fade. 'Cause There is nobody else.'♪

Magkadikit na kami ni Aeiou dahil yon ang steps malamang! Na-practice na namin ito ng ilang beses pero parang naninibago ako. Parang iba yung ngayon. Tila may dalang kuryente ang kamay niya sa tuwing mahahawakan ang ano mang parte ng balat ko. Nakakapanibago. Hindi ko alam ang nagiging dahilan ng pagtaas ng balahibo ko. May ibang pakiramdam sa akin na hindi ko maintindihan. Naiilang na ako. Hindi na ako makatingin sa kanya.

Dahil sa sobrang hindi komportable ay ibinaling ko na lang ang paningin ko sa audience. Hinanap ko ang kanina ko pa gustong makita.

O_O

Ayun! Si Versace!!

'Anong problema niya?? Akala mo pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.'

"Pag hindi mo hinahanap doon mo makikita." Nilingon ko si Aeiou matapos niyang sabihin yon. Epal talaga!

Muli akong tumingin kung saan ko nakita si Versace, my labs! Nagulat ako nang makita ko siyang tinignan ako ng masama saka na tumalikod.

'What's the matter, beybe??'

"Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw ka naman." At muli na naman ang isang Aeiou ay sumabat! Napaka-epal!

Patuloy lang kami sa pagsayaw at ang tanging ninanais ko lang ay ang matapos na ito! Hindi ko na kayang matagalan ang presensya nitong Aeiou na 'to! Kahit pa sabihin nating iniligtas niya ang buhay ko sa bingit ng kamatayan. Nakapagpasalamat naman na ako noong isang araw kaya wala na akong utang na loob sa kanya.

"Magrelax ka nga." Inis na ani Aeiou.

O_O

Obvious ba ako?? Hindi ako komportable eh!!!

Itinuon ko ang atensyon ko sa lumayong si Versace. Nandoon na siya sa may catering area. Nakita kong humingi siya ng wine doon sa isang nagke-cater.

'Don't drink too much, beybe.'

Hindi ko alam kung bakit naaprubahan ang pagserve ng wine dito. Sa pagkakaalam ko kasi nakakalasing din yon kahit pa paano.

♪'It's gotta be you. Only you. It's got to be you. Only you...
Oh girl, can we try one more, one more time? One more, one more time. I'll make it better...'♪

Pagkatapos ng pagkahaba-habang panahon, sa wakas ay natapos na rin ang kantang 'to. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang makasama ang Aeiou na 'to sa pagsayaw kung may susunod pa. Sana ay wala na.

Pagkatapos ng presentation naming yon ay dumeretso na kaming mga dance troupe sa dressing room para makasama na kami sa mga audience. Agad na akong nagbihis at isinuot ang gown at ang heels ko. Hindi na ako naghintay pa ng kung ano-ano at agad na akong tumungo kung nasaan ang lahat. Hindi ko makita si Gucci kahit saan. Si Versace naman ay hindi ko pa namamataan pagkatapos ko siyang makitang uminom ng wine kanina. Nasaan kaya ang magkakambal na mga yon? Magkasama kaya sila?

Si Gucci.

Sana hindi siya magalit sa akin.

Si Versace.

Hindi ko alam kung bakit ganon ang mukha niya kanina.

'Nagseselos na siguro siya. Napagtanto na niya sigurong ako lang ang babaeng mamahalin niya habang buhay. Mwahahahah!!!'

Naglakad na lang ako kung nasaan ang mga pagkaing minamahal ko. Wala pa akong kinain simula kanina dahil baka mamaya maisuka ko lang sa stage habang sumasayaw ako. Hanggang ngayon kasi ay may stage fright pa rin ako. Ang saya lang dahil ngayon hindi na masyado. Dala na siguro ng maraming iniisip. Iniisip ko kasi sina Versace at Gucci. Idagdag niyo pa sa listahan ang epal na si Aeiou! Napaka!!!

Kumuha na lang ako nang kumuha ng pagkain at naglakad na papunta sa mga vacant tables.
'Saan kaya si Gucci?? Okay lang sana siya.'

Napabuntong hininga na lang ako at naglakad papunta sa isang vacant table.

Naglalakad lang ako ng marahan nang maramdaman kong parang may pumulupot sa isa kong paa.

'Oh my God!! May ahas ba?! Ayaw ko pang mamatay! Lord help me please!!'

Pinilit kong alisin ang pagkakapalupot ng paa ko ngunit sa hindi na naman inaasahang pagkakataon imbes na makaiwas sa disgrasya ay ikinatumba ko pa ang kung ano man ang nasa paa ko. Natumba ako kasabay ng pagtapon ng pagkaing kinuha ko. Napakabilis ng pangyayari at sa isang segundo lang ay nangyari ang lahat ng ito. Muntik akong matumba, natapon ang pagkain ko, at namatay ang lahat ng ilaw. Hindi ko man nga nagawang mapansin na nakahawak na ako sa...

Dibdib?

Dibdib ng isang lalaki?!

"Shit!" Dinig kong asik ng isang lalaki. Hindi ko alam kung siya ba itong hawak ko o ano. Sobrang dilim at wala akong makita. Idagdag niyo pa ang mga sigawan ng mga haliparot! Akala mo ikamamatay nila ang walang ilaw! Napaka-OA! "Kahit kailan talaga hindi ka marunong mag-ingat eh 'no?!!"

O_O

Bagamat galit ang boses ay kilalang-kilala ko kung kanino boses yon!!! Kay...

Kay...

Oh. My. God. Hindiiiiiii!!!!

(>_<)

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon