Chapter Thirteen

30 15 2
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Thirteen-

Kailangan kong maging maganda ngayon mga besh! Ngayon kami magkikita ni Versace, my labs! My knight in shining handsomeness! Gosh! I'm so excited! Kiligity in my bones talaga! Wala pa man I'm so kenekeleg na! Mwahahahahaha!!

'Get ready, my labs! I will shine like a diamond tonight! Waaaah! Wiyung wiyung wiyung! Woooong! Wooong! Prrt! Prrrt! Prrrrt! Yaaaaaah!'

"Tonight, I'm gonna make you fall for me. This is the beginning. Tha start of our love story!" Tumawa ako nang malakas habang nasa harap ng salamin at nag-aayos. Nakabihis na ako at sinuot ko yung dress na binili ko. Hindi ko hilig ang mga dress pero para mas maging dyosa ako ay gagawin ko. Kailangan kong akitin ang my labs ko!

~tok tok tok!~

Tinignan ko nang nagtatakang tingin ang pinto ng kwarto ko.

'Sino naman kaya ito?'

"What?!" Sigaw ko sabay bukas ng pinto. "Isto----hey! Hi!" Pag-iiba ko bigla ng sasabihin na dapat ay istorbo talaga.

"Oh ba't galit ka?" Tanong pa sa akin ni my labs! Grabeeee! Ba't nandito siya?

"Ah...hehe. Akala ko kasi kung sino eh. Sorry." Sabi ko na sinadyang lambingan ang boses ko. Nagpa-cute pa 'ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng nandidiring tingin. Sama talaga!

REASON #2 KUNG BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO

Masama ang ugali mo

Masama ba ugali ko mga pwens? Hindi 'no? Hindi! Ang bait-bait ko kaya. Sa sobrang bait ko nga nakakapatay ako ng tao eh! Alam niyo yon? Kill 'em with kindness. I think hindi ko na kailangan problemahin yon dahil alam kong wala naman akong inaagarabyadong tao at wala naman akong sinasaktan at tinatapakang tao. Malamang di ba?! Jusko sino ba namang sira ulong mantatapak ng tao? Ang sakit kaya, dadaganan ka, aapakan ka? Ouchie!

'Pasado ako sa number two. Sana sa number one oo. Maganda naman ako eh. Sadyang hindi ko lang alam kung maganda na ba ako sa paningin ni Versace!'

"You ready?" Casual na tanong ni Versace kaya nakangiti akong tumango at kinuha na ang sling bag ko. Excited na akong mag caroling! Maririnig ko na ang boses ni my labs!

Pababa na kami ng hagdan ng naalala ko ang libro na Bakit hindi ka Crush ng Crush mo. Iniisip ko kung paano ko pwedeng malaman kung nagagandahan na si Versace sa akin. Paano kaya?

"Psssst!" Paswit ko kay Versace na naglalakad na pababa. Nauuna kasi siya sa akin. Napakagentleman hindi ba? "Pssst! Versace!" Tawag ko na kaya lumingon na siya at tumigil sa pagbaba.

"Napano ka?" Masungit na tanong niya! Pft! Kahit kailan! Urgh!

"Ba't ang sungit mo?! Upakan kita dyan eh!" Sigaw ko saka na sumabay sa kanya nang maglakad na uli siya pababa.

"Kaya mo? Kayo mo?" Sabi niya na sinusuno pa ako, inilalapit ang mukha na para bang nanghahamon. Yabang ah!

"Yabang ah! Baka nakakalimutan mong teritoryo ko ang kinatatayuan mo!"

"Teritoryo mo? O teritoryo ng parents mo?" Taas kilay na tanong niya! Nang-aasar!

"Yabang! Grrrr!" Inambahan ko lang siya ng sapak at pigil na pigil ang panggigigil ko sa kanya!

"Hahahahah!!!" Tawa niya na nag-e-echo pa sa buong bahay. Sira ulo!

Hinayaan ko na lang siya dahil baka mas gumawa pa siya ng ingay at makita kami ng papa ko.

'Si papa na hindi ko alam kung tao pa ba o robot na. Tss! Bahala siya!'

"Versace?" Mahinahong tawag ko ulit sa kanya. Lumingon naman na siya at tinaasan ako ng kilay na wari'y nagsasabing 'bakit' o 'ano'. Man of few words be like? Masyadong matipid sa mga salita na akala mo may bayad ang bawat sasambitin nilang mga kataga. "Maganda na ba ako?" Sobrang dami ng inipon kong lakas at kakapalan ng mukha sa tanong na yon! Wala na akong ibang maisip na paraan para malaman kung nagagandahan na ba siya sa akin!

Takang-taka ang tingin sa akin ni Versace. Pinagmamasdan niya ang mukha ko habang nagdurugtong na ang kanyang mga kilay. Nagawa kong mapalunok ng magkakasunod dahil sa kaba at hiya na nararamdaman ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik. Napaayos tuloy ako ng tindig at para bang matutunaw ako sa sobrang hiya! Nangangatog na yata ang mga tuhod ko! Jusko!!!

"Hahahahahaha!!!" Napakunot ang noo ko nang mag-umpisang tumawa si Versace! Lalo akong kinabahan! Shems! "Nagpapatawa ka ba?" Tanong niya saka pa muling tumawa.

'May nakakatawa ba?? May dumi ba ako sa mukha?? Oh no!!! That can't be!'

>_<

"Seryoso ako!" Sigaw ko pero tawa lang siya nang tawa. Buti na lang at nasa may labas na kami ng bahay dahil nasisiguro kong lalabasan kami ni papa kapag narinig ang ingay na ginagawa niya ngayon. "Bumili pa man din ako ng bagong damit para guman--este mas magmukhang dyosa para lang sayo pero hindi mo pala magugustuhan! Hindi pa rin ako pasok sa standards mo! Nakakaiyak!" Napanguso ako matapos ang histera ko sa kanya. Nakakasakit ng damdamin!

"Hahahahahahahahh!!" Pagtawa niya pang muli! Ano ba kasing nakakatawa?!!! Pero...

Gwafuuu!!! Yiee! Kung ganito naman pala ang kalalabasan ng pagtanong-tanong ko sa kanya eh bakit hindi? Ang tawa niyang yan ay mas nagagawang pasingkitin ang natural na na singkit niyang mga mata. Ang pisngi niyang nababanat at ang napakalawak niyang ngiti. Ang mapuputi niyang ngipin at ang magandang halakhak niya na para bang isang napakagandang musika sa aking pandinig!! Nakakalambot ng puso!

♡_♡

"Nakakainis ka!" Kunwari nagagalit nang sigaw ko. "Ginagawa ko pa naman ang lahat para magustuhan mo ako tapos tatawanan mo lang ako?! Grabe Versace! Nakakasakit ng damdamin! Pinapatay mo ang puso at damdamin ko!" Sigaw ko pa with matching acting pa! Pigil naman ang kanyang pagtawa kaya napanguso na lang ulit ako. Hayys!

"Patay na patay ka talaga sa akin 'no? Hahaha!" Humalakhak na naman siya. Lakas ng tama nito! Pero ayos na yan kaysa puro pagsusungit. "Pero hindi mo na kailangan pang gawin yan. Maganda ka naman kahit pa paano. Hahaha!"

"Talaga?" Namamanghang tanong ko. Puno ng ngiti ang mga labi ko. "Pero, kahit pa paano lang? Hindi maganda? Yung as in maganda na maganda?" Nakanguso pa rin ako! Napapadalas na ako sa pagnguso. Nakakatakot lang na baka mahipan ako ng masamang hangin at habang buhay na akong nakanguso na akala mo handang humalik ano mang oras. Tsk! I kennat! Papangit ako!

"Oh bakit? Ayaw mo pa yon?" Tanong niya.

"Hmp! Pwede na nga yon! Alam ko naman sa sarili ko na dyosa ako. Iba lang siguro ang meaning ng maganda at dyosa sayo kaya ganyan." Bahagya naman siyang natawa ulit. Ano ba yan ha! Puro na lang talaga siya tawa! Mukha na ba akong clown? Clown na dyosa't maganda! Oo 'no?

"Adik ka na sa akin 'no? Ang gwapo ko naman kasi talaga eh! Tsk! Pogi problems!" Napairap na lang ako kasabay ng aking pag-iling. Ang hangin! Tatangayin ata ako ng napakalakas na hangin!

"Oo nga eh! Ang gwapo mo! Naiinis nga ako sa sarili ko dahil sa dinami-rami ng lalaki ikaw pa! Ikaw pang mahirap gustuhin ang nagustuhan ko!"

"Pwede kang umiwas, alam mo?"

"Madali kang iwasan. Pero ang hindi madaling iwasan ay ang nararamdaman ko para sayo!" Sabi ko na nawala na ang kaba. Bumalik na ang bestfriend ko. Ang bestfriend kong walang hiya. Welcome back bestfriend! Wala na ulit akong hiya!

"Oh edi pigilan mo. Eh ang kaso imbes na pigilan mo lalo mo pang inilalapit ang sarili mo sa akin. Tignan mo, may paganyan-ganyan ka pa." Umiiling na sabi niya. "Masasaktan ka lang."

'Alam ko. Alam ko, Versace. Dahil alam ko na nagmamahal ka pa rin ng iba. But I still want to try. And it doesn't have to be forever. I want to take a risk. Even if that will risk my own heart.'

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu