Chapter Twelve

44 16 4
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Twelve-

"Miss may ibang color kayo nito?" Tanong ko sa may sales clerk na nagbabantay sa shop na pinasukan ko.

"Yes, ma'am. We have black and red. Anong kulay po?" Nakangiting tanong ng sales lady kaya nginitian ko rin siya saka sumagot...

"Yung black please. Small size." Tumango lang ang babae saka na pumunta sa stock room.

'Kailangan ko pang maging maganda araw-araw!'

REASON #1 KUNG BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO

Panget ka

Isa raw yan sa dahilan kung bakit hindi ka crush ng crush mo. Bumili kasi ako ng book ni Ramon Bautista para lang malaman kung bakit nga ba hindi ako crush ng crush ko.

Alam kong maganda ako--ay hindi!!! Alam kong dyosa ako. Pero kung hindi pa pasok ang level ng beauty ko sa standards ni Versace ay handa kong gawin ang lahat para pumasa sa high qualities na hinahanap niya.    

"Ma'am heto po." Iniabot ng sales lady yung kinuha niyang dress para sa akin.

"Thank you!" Sabi ko saka tumungo sa fitting room. Sakto sa akin ang dress. Ang ganda ko lalo! No charots! Just being honest!

"I'll take this." Sabi ko sa sales lady na kanina pa sunod nang sunod sa akin. Binayaran ko lang ang dress na napili ko saka na lumabas ng shop na yon.

Palabas na sana ako ng mall para makauwi na ako nang may makapukaw sa aking atensyon.

'Wanted: Volunteers for Orphanage!'

Volunteers para sa orphanage? Hindi ko gets. Pagsisilbihan ang orphanage? Bakit? Hindi ba pwedeng yung mga bata na lang ang tulungan?

"Kuya? Bakit niyo tutulungan yung orphanage? Di ba dapat ang mga batang ulila ang tinutulungan?" Tanong ko sa lalaking nasa likod ng estante.

"Oo nga ma'am. Yun nga ang purpose nitong program namin. Naghahanap kami ng mga volunteers para tumulong sa mga bata na maagang naulila at naiwan ng mga magulang." Ano? Akala ko bang ang orphanage ang tutulungan nila?

"Ang labo mo naman kuya eh! Sabi niyo, 'Wanted: Volunteers for Orphanage'?" Sabi ko pa sa lalaking payat at matangkad.

"Oo nga ma'am. Volunteers for Orphanage. Ang gulo niyo namang kausap eh!" Ano?! Ako pa ang magulo?! Sila nga dyan  eh! Tch!

"Mali kasi eh! Dapat volunteers for orphan kids!" Sira ata ang tuktok nito eh! Hayy! Nakakapang-init ng ulo!

Sa kakailing ko sa lalaking payat na matangkad na ito ay nahagip ng mga mata ko ang dahilan kung bakit nandito ako sa mall na ito.

"Versace!!!" Tawag ko sa kanya kaya nagtinginan ang ibang taong nakarinig sa aking sigaw. Tumingin naman ang Versace ko kaya malawak ang ngiti kong sinalubong siya. "Hello!" Masiglang bati ko saka sumabit sa braso niya. Haha. Galawang hokage mga besh!

"Hi." Walang ganang bati niya lang. Ano pa bang inasahan mo sa kanya? Tch!

"Ma'am, Sir, baka po gusto niyong magvolunteer?" Tanong nung lalaking payat na matangkad nang makalapit ulit kami sa stall na binabantayan niya. Nakita kong tinignan ni Versace ang nakasulat sa may stall at nilingon ako.

"Gusto mo?" Tanong sa akin ni my labs.

'Basta kasama kita!!!'

"Sige ba!" Masigla pa ring sigaw ko habang nakasabit pa rin sa braso niya.

"Sumali ka." Walang emosyong anas niya! Anak ng-! Akala ko kasama siya.

"Ano?! Hindi mo 'ko sasamahan?!" Histera ko dahil sa kawalan niya ng paki sa akin! Ouchie!

"Tinanong ko lang naman kung gusto mo eh." Nagshrug lang siya kaya nakanguso akong bumitaw sa kanya saka siya hinarap. Tinaasan naman niya ako ng kilay sa akto kong yon.

"Iiiih! Wag na! Di naman pala kita kasama! Hmp!" Nakanguso pa rin ako saka nagkrus ng braso sa harap niya.

"Hahaha! Gusto mo ba talaga?" Natatawa pa siya matapos magtanong. Gwafu!!! Yikes!

"Kung kasama ka, bakit hindi." Kunwaring naghihimutok ako sa kanya. Beybey suyuin mo 'ko!!! Hehe.

"Tch!" Singhal niya sabay iling. Hinarap niya si kuya na mapayat at matangkad. "Magvo-volunteer kami."

"Yes!" Mahinang bulong ko sa sarili ko na nagawa pang iangat ang kanang braso ko sa ere. Darna lang ang peg. Hehe.

'Makakasama kita beybey! Nyahahah!! This is the beginning of the story of us!! Wew!'

♡_♡

"Woi!" Nagulat ako nang katukin ako ni Versace sa noo. "Para kang tanga." Mahinang sabi niya kaya naibaba ko ang braso ko saka siya inismiran.

"Ayan! Ayan ka na naman! Tapos maya-maya iiyak na naman ako. Hindi ka ba naaawa sa puso ko? Palagi mo na lang dinudurog eh!" Pinaikutan niya ako ng mata saka nakangiwing umiling.

"Ang cute naman ng girlfriend niyo, sir! Nakakatuwa!" Sabi ni kuya mapayat na matangkad. Orayt!! You're the best na kuya payat na matangkad!

"Thank you!"

"She's not my girlfriend."

Nagkatinginan kami ni Versace dahil sabay kaming nagsalita.

Kainis! Hindi na lang hinayaan! Wala talagang paki sa feelings ko! Huhuhu!!!

Una akong nag-alis ng tingin kay Versace at nanahimik na lamang. Siya naman ay kinausap si kuya payat na matangkad tungkol sa pagvo-volunteers namin.

"Hey! What do you want? Mag caroling or mag-alaga ng mga bata?" Maya-maya'y tanong sa akin ni Versace. Nag-isip ako ng mabuti at nagdesisyon na lang na mag caroling na lang kami. Syempre, paganahin ang utak. Kapag kasi pinili kong mag-alaga ng mga bata ay siguradong hindi ko makakasama si Versace dahil marami akong kaagaw. At least sa caroling sabay kaming maglilibot at magkakanta pa! Chance ko yon para magpasiklab muli! At pagkakataon ko na rin na marinig kumanta ang isang Versace East Aviles! Nyahahah! Galing-galing, Schaz!

"Caroling!" Parang bata sa sigla na sigaw ko. With matching darna pose ulit.

"Okay." Saka na ulit sila nag-usap ni kuya mapayat na matangkad.

Na-e-excite ako!!! Hulog ng langit ang program na nakita kong 'to! Akalain mo nga namang magkakasama pa kami ni my labs? Grabe! So excited na si ako!

Nag-usap pa sina kuya mapayat na matangkad at Versace. Promise tatanungin ko na kung ano ang pangalan ni kuya mapayat na matangkad. Masyado kasing mahaba ang tawag ko sa kanya na kuya mapayat na matangkad. Nakakatamad sabihin.

Naghihintay lang ako na matapos sila sa pag-uusap habang tinatanaw ang mga taong pumapasok at lumalabas ng mall. Hindi ko lubos na maisip kung bakit sa laki ng lugar namin ay nagawa pa ring magkrus ang mga landas namin ni Versace. Matatawag na ba itong tadhana? Tadhanang pang matagalan? O tadhanang pansamantala lamang? Ayaw kong isiping pansamantala lang dahil ayaw kung dumaan lang ako sa buhay niya at siya sa buhay ko. Gusto ko pang matagalan, pang habambuhay. Magpakailanman.

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng mga inaakto niya sa akin ay nagagawa ko pa ring tumagal sa nararamdaman ko para sa kanya. Na hindi pa rin nagbabago at nawawala ang paghanga ko sa kanya. Masyado na akong desperada. Nagpapakatanga para sa kanya. Hindi ko alam kung mananatili na akong ganito dahil sa kanya o kung pansamanTanga lang ba ang nararamdaman ko.

Sadlayp?

'Sana lang hindi ako mapabilang sa Camp Sawi dahil sa ginagawa ko.'

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now