Chapter Nine

29 18 2
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Nine-

"V-Versace? Is that you??" Tanong ko saka kinapa-kapa ang mukha niya. Inilayo naman niya ang mukha niya nang mahawakan ko yon. Ang arte!!!

"Who else?" Sabi niya lang saka inialis ang kamay ko na nasa may dibdib niya. Wala pa ring ilaw kaya hindi ako makagalaw. Baka kasi kung ano na naman ang magawa ko kapag nagtangka akong gumalaw.

"Ba't nawalan ng ilaw?" Tanong ko ngunit hindi ko alam kung may kausap pa ba ako. Malay mo kasi umalis na si Versace eh di ba? Pero hindi. Hindi naman siguro siya makakalakad sa ganito kadilim 'no?

"Baka kasi merong TANGA na natisod!" Sabi niya na diniinan pa talaga yung word na tanga. Sino naman kaya ang tinutukoy niya??

"Grabe ka naman. Sino ba yung tanga?" Tanong ko pa habang naghihintay ng pagbukas ng ilaw. Sana maibalik na nila ang mga ilaw. Sino naman kasing tanga ang nagnakaw sa mga yon?

"Ikaw!"

O_O

"H-Ha? A-Ako?" Ang sakit lang. Sa kanya pa mismo nanggaling? Grabe! Di ako makapaniwala! "Pa-Pa'nong?!" Sobra talaga! Ako raw? Tanga??! No way!!!

"Tss! Tanga talaga!" Huhuhu! My labs bakit?! Of all the people ikaw pa! Sinasaktan mo ang puso ko!! Huhuhu!!

"Hindi ko naman ninakaw yung mga ilaw. Pa'nong ako yung may kasalanan?" Nakanguso na ako kahit pa hindi naman niya nakikita.

"Wala namang nagsabing ninakaw ang mga ilaw! Natisod mo yung kuryente kaya nabunot sa saksakan at namatay lahat ng ilaw! Tange ka talaga." Kinatok niya yung ulo ko.

O_O

Kita niya pa ako??

o_-

Nasilaw ako sa pagbabalik ng mga ilaw. Hindi literal na pagbabalik ha? Yung pagbalik lang ng liwanag niya dahil na-switch na ulit.

O_O

"Oh my God, Versace!!" Nanlaki ang mga mata ko matapos kong makita ang itsura niya. I mean yung suot niya. Grabe! Ang dumi na!!

Teka...

O_O

Siya? Siya yung...

Siya yung natapunan ko?!!!

Waaaaaaaah!! Lagot naaaaa!!!!

"Sorry! Sorry! Hindi ko naman sinasadya eh!" Sigaw ko saka sinubukang linisin yung suit niya. Hala! Wala ka nang chance Schaz!!!

Shit!!!

"Look at what you've done!!" Singhal niya bigla. Lalong dumami ang mga nakatingin sa amin. Jusko! Hindi ko pinangarap na makakuha ng atensyon sa pamamagitan ng hindi magandang dahilan. Nakakahiya!

"Lalo mo lang kinakalat eh!" Sigaw pa rin ni Versace! Feeling ko tuloy maiiyak ako! Nahihiya na ako!!! That's so new!! "Tigilan mo na nga!"

T.T

"So-Sorry." Tae hindi ko na mapigilan! Nanginginig na ang mga pisngi ko dahil sa pagpigil sa pag-iyak!

Tuluyang pumatak ang mga luhang pilit kong ibinabalik. Ang sakit mapahiya. Lalo na kung yung taong gustong-gusto mo ay ang siyang taong nagpapahiya sayo.

"Sorry." Pabulong na sambit ko saka na tumalikod at humaripas ng takbo. Tuloy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha ko. Kung kanina ay medyo napipigilan ko pa, ngayon hindi na. Humihikbi na nga ako sa sobrang pag-iyak. Ni minsan hindi ako umiyak ng ganito. Ngayon lang. Dahil ngayon lang ako nakaranas ng sobrang pagkapahiya.

Dire-diretso lang ang pagtakbo ko habang patuloy sa pag-iyak. Hindi ko man alam kung saan ako pumupunta dahil wala na ako sa katinuan. Sa bagay kailan pa ba akong nasa katinuan?

Pakiramdam ko ay paikot-ikot na lang ako dahil parang ang layo na nang natakbo ko pero wala pa rin akong nararating. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak at sa pagtakbo. Pero dahil na rin sa sakit ng paa ko dala ng heels na suot ko ay pinilit ko na lang tumigil at lumuhod. Nandito na ako sa may garden at alam kong walang tao rito dahil busy ang lahat doon sa loob ng gymnasium.

'Sana lang ay hindi nila ako namukhaan. Pahiya ako dun.'

Unti-unti na akong nahimasmasan kaya naman umupo na lang ako kung saan ako nakaluhod. Masyadong tahimik dito kaya nawawala na ang sakit na nararamdaman ko kanina.

'Sa dinami-rami ng tao siya pa. Bakit siya pa?'

Ang sakit lang na isipin na yung taong pinakagusto mo sa lahat ay ang dahilan kung bakit ka umiiyak. Hindi pa nga kami ganon magkakilala. Hindi pa kami magkaibigan. Hindi pa kami close. Wala pa. Wala pang improvement! Pero heto umpisa pa lang umiiyak na ako. Ganon ba talaga siya? Ganon ba kadali sa kanya ang magsalita na hindi man lang iniisip ang mararamdaman ng iba?

Alam ko naman na tanga ako eh. Hindi lang ako sa kanya nagpapakatanga! Dahil sa lahat na lang ng bagay na gagawin ko ay may kaakibat na katangahan. Katangahan na hindi ko naman sinasadyang magawa.

"Ganyan ba ang klase ng tao na gugustuhin mong mapasayo?" Napalingon ako sa may likuran ko at nakita si Aeiou na papalapit sa kinauupuan ko. "Yung ipapahiya ka dahil lang sa bagay na hindi mo naman sinasadyang magawa?"

"Anong ginagawa mo rito??" Tanong ko habang nakatingala na sa kanya. Nasa mismong likuran ko na siya kaya medyo nahihirapan na ako sa pwesto ko.

"Ano pa? Edi sasamahan kang magmukmok." Umupo na siya sa may tabi ko habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"Paano mo nalamang gusto ko siya?" Nakakapagtaka lang na alam niya na gusto ko si Versace. Bukod kasi sa akin ay si Gucci lang ang may alam. Well, alam na rin naman ni Versace saka ni Ferrari.

"It's obvious." Tanging tugon niya lang at namutawi ang katahimikan sa amin.

'Sobrang obvious ko nga siguro. Pati kasi si Versace nahalata eh. Na-confirm niya lang nang mismong manggaling na sa bibig ko.'

"Is she okay now?" Nagtataka akong tumingin sa kanya dahil sa tanong niyang yon.

'Sinong tinutukoy niya?? Si Gucci ba?'

"I mean, Gucci. How is she?" Pag-uulit niya sa tanong niya kaya nalinawan na ako.

"She's doing good. In fact, she's happy now." Pagkasabi ko n'on ay narinig ko na lamang siyang bumuntong hininga. Hindi ko kabisado ang galaw niya pero sa palagay ko ay nalulungkot siya dahil doon. Ex niya kasi si Gucci at noong umalis daw itong si Aeiou ay sobrang nalungkot ang kaibigan ko.

Narinig ko ang pilit na tawa ni Aeiou kaya tinignan ko na lang siya sa gilid ng mata ko.

"Ang hirap isipin na hindi na ako ang dahilan ng kasiyahan niya." Kita kong iniyuko niya ang ulo niya at ipinatong sa kanyang mga tuhod. Hindi naman siguro siya iiyak 'no?

Pero...

Sabi niya sasamahan niya akong magmukmok!

Ibig sabihin may balak nga siyang mag-emote!!

Ay grabe! Lahat na lang yata ng lalaking makakasalamuha ko ay may problema sa pag-ibig!

Si Versace? Oo. May problema rin yon sa pag-ibig. Kaya nga kahit na sobrang gusto ko siya ay hindi ako makagawa ng damoves dahil hindi pa siya tapos magmahal. Mahirap kayang magmahal ng isang taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Sa ngayon, hintay-hintay muna ako. Pero sana kapag tapos na siyang magmahal ng iba ay nandito pa rin ako para tanggapin siya. Hindi ko naman masasabi kung makakapaghintay ako ng matagal para lang sa kanya. Only God knows kung ano nga ba ang mangyayari kaya...go with the flow na lang muna.

"She's smiling. And you're not the reason anymore." Diretsong anas ko na may bahid ng pang-aasar. Nilingon ako ni Aeiou saka sinamaan ng tingin. Natawa ako sa kanya dahil halatang affected siya!! "Mahal mo pa 'no?" Lalong sumama ang tingin niya sa akin dahilan para mas mamatay ako sa kakatawa. Mahal niya pa. Pero hindi na pwede. Hayy! Complicated masyado ang buhay pag-ibig!!

"Hi guys! Enjoying the night??" Sabay kaming nagtaas ng paningin ni Aeiou at...

O_O  -----> kaming dalawa ni Aeiou!

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now