Chapter Fifteen

22 14 3
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Fifteen-

"Balitaan niyo kami pag may lead na kayo. Salamat." Yon lang ang tanging narinig ko kay papa pagkapasok ko sa office niya. Ibinaba niya ang phone niya kaya naglakad na ako papalapit sa desk niya.

"What brings you here?" tanong niya pagkakita niya sa akin. Nice. Wala man lang kumusta. Tss! Ano pa bang inasahan ko??

"Gucci invited me to their family outing. Can I go with them?" tanong ko na hindi na pinansin pa ang pakikitungo niya. Sanay na eh.

"Saan ba?" tanong niya na hindi man lang nakatingin sa akin. Busy as always! Tch.

"Somewhere in Palawan." tatango-tango lang siya habang nakaharap sa mga papeles na hindi ko alam kung mauubos pa ba. Tuwing papasok ako sa office na 'to ay sandamakmak at gabundok na papel ang nasa desk niya. Tao pa ba papa ko?? "Three days." Pagpapaalam ko pa sa kanya kahit na alam kong wala naman siyang paki.

"Okay." what? Yon na yon? Okay?! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Akala mo kinausap niya lang ang tauhan niya na naghihingi ng day off! Ba't ganyan siya?!

Lumabas na lang ako ng office niya at nanlulumo na bumalik sa kwarto ko.

'Hanggang ngayon siya pa rin ang paborito niya. Wala na siya pero siya pa rin talaga. Paano naman ako??'

Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko. Sanay na hindi? Sanay ako sa ganyang galaw niya pero hindi ko pa rin magawang sanayin na kailan man ay hindi niya ako mamahalin kagaya ng pagmamahal niya kay kuya.

Napabuntong hininga na lang ako habang tinatahak ang daan papunta sa aking kwarto. Pinunasan ko ang dinaanan ng mga luhang patunay na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Hindi alam ni papa na nasasaktan niya ako emotionally.

"Hello?" sinagot ko ang tawag ni Gucci habang papasok ng kwarto ko.

"Hoy Eiffel! Ano pinayagan ka ba?!!" sigaw ni Gucci sa kabilang linya kaya nailayo ko ang phone ko saglit.

"Oo." kaswal lang na sagot ko. Hindi ko napigilan ang mapasinghot dahil nga naiyak ako.

"Oh eh ba't malungkot ka yata?! Dapat nga eh nagdiriwang ka dahil makakasama mo ang 'my labs' mo!" sigaw niya pa rin na sadyang diniinan ang dalawang salita na siyang dahilan kung bakit ko gustong sumama sa kanila.

"Masaya ako." pilit na pilit ang pagtotono na masaya at excited ako.

"Sinungaling! Anong nangyari?!" tanong sigaw niya. Kahit kailan di makapagsalita ng mahinahon.

"Wala. Sige na mag-iimpake na 'ko." sabi ko na lang saka siya binabaan ng linya. Makulit din ang isang yon eh kaya mabuti nang umiwas.

Nag-impake na lang ako ng mga gamit ko para sa tatlong araw na bakasyon ko with the Aviles.

Makakasama ko si my labs! Start na talaga ng love story namin! Mwahahahaha!!! Maisip ko lang siya good mood na ulit ako!

^_^

"I need to be the Goddess of Beauty! Ilabas ang lahat ng best clothes of mine!!!" lakad takbo, pabalik-balik sa closet at sa kama ko kung nasaan ang maleta ko. This is my chance!!! And I'm not going to waste any!!!

REASON #4 KUNG BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO

May syota ka.

Hindi raw ako crush ng crush ko sa kadahilanang may syota ako? Tss! Ilang beses ko bang sasabihin?! Wala! Wala. Akong. Syota. Never! NBSB aketch!!! Huehuehue!!!

Reason #1 cross out! Dahil maganda at dyosa ako.

Reason #2 cross out! Dahil hindi masama ang ugali ko.

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon