Chapter Two

75 24 8
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Two-

"Grabe talaga, Gucci! Nahawakan ko ang crush ko! Hinawakan niya rin ako!" Kinikilig na kwento ko sa kaibigan kong si Gucci.

Oo. Gucci ang pangalan niya. Gucci North. Ang cute ng name niya no?

"Talaga? Tapos?" Tanong niya pero wala man lang gana.

"Ba't ganyan ka?! Wala ka naman yatang paki eh! May masabi kalang ba!" Nagkrus ako ng kamay at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi ah. May paki ako, kung wala hindi kita pinapakinggan ngayon." Wala pa ring emosyon na sabi niya! Tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa niya. Grabe! Nakakaistorbo yata ako sa kaibigan kong 'to!

"Hindi eh! Parang wala kang paki!" Ngumuso ako at bumusangot kahit pa hindi naman siya nakatingin sa akin. Kainis!

"Ipakilala mo muna kaya sa akin yan. Kwento ka nang kwento, di ko naman alam ang pangalan niyang 'ultimate crush' mo na yan!" Tinignan niya na ako saka tinaasan ng kilay. Ang taray niya talaga. Pero minsan lang! Hehe!

"Hindi mo pa?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Itatanong ko ba kung alam ko? Duh!" Pinaikutan niya ako ng mata. Yung roll lang ha? Baka isipin niyo umikot ng 360°.

"Okay. Heto ah! Ang aking knight in shining handsomeness. Ang aking nag-iisang asawa, pero hindi niya pa alam ay walang iba kung hindi ang sikat, gwapo, matalino, at saksakan ng galing sa sports na basketball ay walang iba kundi si..."

~Drumroll pls!!!~

"Versace! Hindi yung versace on the floor ha? Si Versace East Aviles! Nyahahah!!" Sigaw ko habang kilig na kilig. Nakatingin pa nga ako sa itaas habang nakasalikop ang mga kamay sa ilalim mg baba ko. Nananaginip lang ba, ganon!

"Ano?!" Gulat kong nilingon si Gucci na nanlalaki na ang mga mata. Napano 'to?

"Anong ano?!" Naguguluhan kong tanong. Nawala na ang kaninang mukhang nananaginip kong itsura.

"All this time ang unggoy lang na yon ang crush mo?!" Hindi pa rin makapaniwala ang itsura niya. Pero hindi ko mapapalagpas ang pagtawag niya sa hubby ko ng unggoy! Capital N-O W-A-Y! No Way!

"Hoy!" Pinalo ko ang lamesa sabay tayo. "Hindi unggoy ang asawa ko!"

"Tss!" Aba! Hayun na naman ang mga mata niya! Ikot-ikot lang?!

"May sama ka yata ng loob sa asawa ko, Gucci?!" Padabog akong umupo ulit at kunot noong tinignan siya.

"Hehe! Wala naman!" Natatawang sabi niya! Ang hindi ko lang maintindihan bakit naging ganon ang reaksyon niya?!

'Emeged! May gusto ba siya sa asawa ko?! No! That can't be! Sakin lang siya!'

"Gucci? Sabihin mo nga. May. Gusto. Ka. Ba. Sa. Asawa. Ko???" Nanlilisik ang mga matang tanong ko habang nakatingin sa kanya! Pero hayun! Ikot-ikot na naman ang mata!

"Sus!" Naiiling niyang sabi. "As if naman 'no?!! Duh!"

"Duh ka nang duh! Sumagot ka na lang!" Walang pasensyang sabi ko.

"Wala!"

Woooh! Mabuti naman!

"Good." Nakahinga ako nang maluwag! Salamat naman! Hindi ko makakaya kung ang kaibigan ko ang magiging karibal ko. That can't be!!

"I think, you really don't know me that well." Tumatango-tangong sabi niya. Bigla naman siyang natawa. Gosh! Baliw na this girl! So weird!

"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now