Chapter Five

32 19 2
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Five-

'By the way, you have a nice voice.'

'By the way, you have a nice voice.'

'By the way, you have a nice voice.'

Ang mga salitang yan ay nagpaulit-ulit sa isip ko. Hindi ako makapaniwalang sinabi ni Versace, my labs yan! I have a nice voice raw! Alam kong medyo shunga-shunga ako pero sa sandaling sinabi niya yon kaagad kong na-gets. Oh my God!!

♡_♡

♡_♡

♡_♡

Umubra ang pagpapakitang gilas ko mga besh!! Humanda siya dahil sa oras na makita niya ang pagsayaw ko ay mapapanganga siya dahil sa sobrang galing ko! Isipin niyo nang mayabang ako pero hindi naman ako magyayabang kung wala akong maipagmamayabang! Boom!! Hehe.

Hindi ako makakapasok ngayon. Lalo kasing sumakit ang paa ko simula kahapon. Idagdag niyo pa kasi yung sakit na naidulot ng pagbitaw sa akin ni Versace! Grabe siya! Injured na nga ako dadagdagan niya pa! But that's fine! Nagkaroon naman siya ng dahilan para mas tulungan ako. Hindi lang basta hatid. Nahawakan ko pa ang kamay niya!!! Waaaaaaahhh!!!

♡_♡

'Ang puso ko! Naging dalawa na at lumalabas na sa mga mata ko!!!'

♡_♡

Matagal-tagal kitang hindi makikita, my labs. Wag kang mangangaliwa dahil hindi ko kakayanin. Ikaw lang ang one and only ko. Ang one true love ko. Haha. Charing!

Pero in all fairness ha! Nakakainip! Wala akong magawa dito sa bahay. Sana gumaling na ako ngayon para makapasok na ako bukas. Hayy! Malabo yata yon. Kung sanang na-sprain lang ako eh! Kaso hindi! Tsk!

Kasalanan lahat ng manhole yon eh! Pakalat-kalat kasi sa dinadaanan tapos nakaiwang bukas! Sino ba naman ang hindi mahuhulog d'on?! Palagi na lang akong nahuhulog! May sumasalo ba? Wala!! Wala di ba?!! Yun yung problema eh! Kung gaano ako kadalas mahulog yun naman yung dalang ng may sasalo. Worst wala talagang sumasalo! Kung hindi sahig, putik. Kung hindi putik yung nasa may manhole! Anak ng-!!! Sobraa naa!!

T.T

Nanonood na lang ako ng Tv sa kwarto ko pero ang isip ko ay lumilipad naman sa kung saan. Ang dami ko masyadong iniisip. Hindi man halatang may isip ako, puno pa rin ng isipin ang utak ko. Iniisip ko kung paano ba ako magugustuhan ng crush ko. Iniisip ko rin kung ano ang magbabago sa nakasanayan ko ng buhay ngayong bumalik na si Aeiou. Hayy!!

Aeiou Senoj Roque, bakit ka muling nagbalik? Ngayong ayos na ang lahat saka mo pa naisipang magpakita muli.

Kung itinatanong niyo kung sino ba talaga si Aeiou, hindi ko yan masasagot ng maayos. Maski ako hindi ko siya lubusang kilala. Nai-kwento lang naman kasi sa akin ni Gucci si Aeiou dahil hindi ko na siya naabutan dito sa school na 'to. Sakto kasing nagtransfer ako dito nang umalis siya. Pero kahit pa paano naman ay alam ko ang kwento. Sana lang ay hindi na bumalik ang mga panahong yon dahil kahit hindi nasaksihan ng mga mata ko yon ay batid kong naging napakalaking alalahanin ng idinulot niya sa buhay ni Gucci.

"Bakit hindi ako crush ng crush ko?" Naibaling ko ang tingin ko sa Tv dahil sa narinig ko. Itinuon ko roon ang aking atensyon dahil curious ako sa tanong na lumabas doon. "This question is from Abcde of Nueva Ecija." Taga Nueva Ecija?? Malapit na rito yon.

"Hello, Abcde! Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong mo na yan." Panimula ng host na siyang nagpapatakbo ng show na pinapanood ko. Ito yung show na pwede kang magtanong ng kahit ano at bibigyan ka nila ng advice or opinion kung ano ang gagawin mo.

'Bakit hindi ako crush ng crush ko?? Tanong ko rin yan eh.'

"Hindi natin hawak ang mga puso ng mga nagugustuhan natin at hindi naman natin pwedeng ipagsiksikan ang sarili natin sa kanila kung ayaw nila sa atin. Ang tanging mai-a-advice ko lang sayo ay makuntento ka na lang kung anong meron ka. Parang pagpili lang ng sapatos yan eh. Kung hindi mo kasya ang natipuhan mong sapatos pumili ka ng iba na kakasya sayo. Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo. Pero hindi rin naman masamang humanga o magmahal ng pasikreto. Wala namang hinihinging kapalit ang pagmamahal, hindi ba? Kahit pa sabihin nating one sided love lang yan ay ayos lang. Ang importante ay marunong kang magmahal." Hindi ko alam kung paano ko ipapasok sa utak ko ang sinabi ng Tv. Oh! Wag magreact! Sa Tv naman talaga lumabas ang mga yon eh!

"Nakakainis naman yang show na yan!! Ibig ba niyang sabihin na wag na kaming umasa na magugustuhan kami ng mga crush namin?!! Aba! Hindi yon maaari! Kailangan kong gumawa ng paraan para magustuhan ako ni Versace!!!"

"I heard my name." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko at nakitang nakatayo si...

Versace???

O_O

O_O

O_O

Oh. My. God. Narinig niya kaya ang mga sinabi ko?? Sana hindi! Pero hindi ako sure eh!! Baka alam na rin naman niya na crush ko siya. Remember nung umamin ako? Pero pag-angat ko ng tingin wala siya? Hindi ko alam kung narinig niya yon eh! Malay niyo kasi bigla siyang umalis matapos niyang marinig yon, hindi ba?

'What to do? What to do?'

~Ting!!~

'I have a bright idea!'

"Nagkakanta lang ako." Palusot ko na lang tutal may kanta namang Versace on the Floor. Akalain niyo? Naisip ko yon? Hahahaha!!

"Weh??" Tanong ni Versace. "Parang hindi naman eh." Ano ba, my labs?! Kumagat ka na sa palusot ko. Just this once, please!

"Oo kaya! Nagkakanta kaya ako!!" Sigaw ko pero ngumisi lang siya at tuluyang pumasok sa kwarto ko.

'Paano kaya nakapasok 'to?? Buti pinapasok siya?'

"Sige nga kantahin mo nga ulit." Hala tayo nito!! Magpapa-sample pa ang loko! Noooo!! I'm not ready, my labs!

"Wag na! Tss! Nakakahiya 'no!!" Wag na please! Wag na!! Hindi ko memorize yun eh! Mapapahiya ako!

"Eiffel!!!" Biglang pumasok si Gucci! Yes! Save by Gucci! Thank you very much, mah friend!! Woooh!!

"Gucci!" Nakangiting pagbibigay pansin ko sa kanya.

"Kamusta??" Tanong niya saka umupo sa tabi ko.

"Ayos naman. Ba't nandito kayo?"

"Tinatanong pa ba yan?! Syempre dinadalaw ka! Tss!" Okay. Mood swings! Magkakambal nga sila ni Versace! Hayys!!

"Ah ganon ba? Salamat." Tugon ko na lang at hindi na nagawang magsalita pa. Pumasok na naman sa isip ko si Aeiou. Alam na kaya ni Gucci na nagbalik na siya sa school namin? Hindi pa siguro kasi parang ayos pa siya.

"Sinong nasa isip mo?" Nabalik ako sa wisyo nang tanungin ako ni Gucci. Halata ba ako masyado??

"Yung taong lumayo at muling nagbabalik." Sabi ko na hindi balak sabihin kung sino ang tinutukoy ko. Sa tingin ko hindi ako dapat ang magsabi sa kanya. Dapat siya mismo ang makakita.

"Ha? Sino? Nasaan siya?" Halatang interesadong tanong niya ngunit wala pa rin akong balak na ipaalam sa kanya ang nalalaman ko.

"Nasaan siya? Nasa isip ko nga di ba?? Ano ka ba?! Kakasabi mo lang 'SINONG NASA ISIP MO?' di ba? Tss!" Nakita ko naman ang panggigigil niya sa akin. Hahaha. Sorry Gucci! Peace tayo! Hehe.

"Hahahahahahaha!!!!" Si Versace?? Waaaaaaaaaah! Maldo andwae! Ang lakas ng tawa niya! Ngayon ko lang siya narinig tumawa na as in tawa talaga! Humahalakhak mga besh!!!

'Tsk! Tsk! Tsk! Versace, my hubby, my labs! Gumagawa ka ng mas matinding kilos para magustuhan kita. Mag-iingat ka. Madali akong ma-fall. Tsk!'

♡_♡

∩__∩



The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now