Chapter Fourteen

23 15 0
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Fourteen-

Nagpunta na lang kami kung saan ang lokasyon ng orphanage na napili namin ni Versace. Dito na lang kami magka-caroling para diretso na agad ang malilikop naming pera sa ampunan. Yung daw perang makukuha ay panggagawa nila ng mga kwarto para sa mga bata dahil lalong mas dumarami ang batang ipinapadala sa ampunan. Ngayon, gets ko na kung bakit hindi volunteers for orphan kids ang title ng program nila. Yon ay dahil gagawa pa sila ng building para mas lumawak ang ginagalawan ng mga batang naroon. Pero sana hindi na dumami pa ang mga ipinadadala sa bahay ampunan. Kawawa sila dahil hindi man lang nila maranasan ang alagaan ng tunay na magulang nila. Kung sa bagay, ako nga na kapiling ang mga magulang ay hindi naranasan na makasama sila palagi. Puro kasi sila trabaho at wala na akong ibang makausap pa simula nang mangyari ang isang aksidenteng bumago sa buong pagkatao ko.

"So saan tayo magsisimula?" Nabalik sa isipan ko ang gagawin namin dahil sa tanong ni Versace.

"Ikaw bahala." Sagot ko lang at saka pinalibutan ng tingin ang buong paligid. Mukhang tahimik ang lugar at malalaki ang mga bahay. Batid kong marami ang makakalap naming pera dito sa lugar na 'to.

Sinundan ko na lang si Versace kung saan siya pumupunta. Simula kanina ay nananahimik ako at napapaisip kung magagawa ko nga ba talagang itaya ang puso ko para lang kay Versace. Kahit kasi pa paano ay natatakot akong masaktan. Dahil kailan man ay hindi ko pa nasubukan ang pumasok sa mga bagay na kagaya ng pakikipagrelasyon. Pero sa ginagawa kong ito hindi naman yata kasama ang pakikipagrelasyon dahil nga ang crush ko ay hindi ako magawang mapansin. Pero ayos lang yan. Kung sakaling masaktan ako sisikapin kong maging malakas. At least may lesson learned bandang huli.

"Game na. Anong kakantahin mo?" Tanong ni Versace habang inaayos ang gitara. Hindi ko napansin na may dala pala siyang ganyan.

"Marunong ka pala nyan?" Tanong ko na nakatitig lang sa kinakalikot niyang gitara.

"That didn't answer my question, Ms. Ruiz." Did he just call me Ms. Ruiz?! Omo! That's the first time! He never called me by my name! Laging direct to the point ang pagkakausap niya sa akin every time! Shems!

♡_♡

"Are you with me?!" Nagitla ako sa nanggagalaiting tono niya kaya naman hindi ko alam ang gagawin.

"A-Ah...Yes! I-I'm sorry." Utal-utal na tugon ko saka napatungo.

"Anong kanta?!" Pasigaw pa na tanong niya.

"Ako lang ba ang kakanta?!" Tanong ko naman sa kanya na hindi pa rin magawang sagutin ang kanya.

"Damn it! Just answer the Goddamn question!"

"Okay! Okay!" Pagpapakalma ko habang isinesenyas na huminahon siya gamit ang dalawa kong kamay. "All I want for christmas is you."

"Good. Let's start." Sabi niya lang na nagawa nang huminahon. Nagstrum na siya sa kanyang gitara habang ako'y nakatitig lang sa kanya, hindi makapaniwala. Bakit ganyan siya?? Psh!

"Are you just going to stare? Sing!" Grabe! Ang sungit! Maybe he's pmsing! Dinaig pa ang babae! Hayy! Kaloka!

"I don't want a lot for christmas. There is just one thing I need. I don't care about the presents. Underneath the christmas tree..." Kanta ko sa unang stanza ng kanta. Itutuloy ko na sana kaso naunahan na ako ni Versace! Waaaaah!

♡_♡

"I just want you for my own. More than you could ever know. Make my wish come true. Baby, all I want for christmas is you..." Napangiti na lang ako sa kanya habang kinakanta niya ang mga linyang yon. Ang ganda ng boses niya! We're so MTB talaga!

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now