Chapter Sixteen

23 13 4
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Sixteen-

Mabilis ang naging pagkilos ko dahil ayaw kong mahuli kami sa flight. Nakakahiya naman sa magulang nila Gucci kung maiiwan kami ng dahil lang sa akin na nakisabit lang sa vacay nila.

Papunta na kami sa bahay ng mga Aviles dahil doon daw naghihintay ang iba. Malamang, ang parents nila and si Ferrari.

"Hello po. Sorry po kung ngayon lang ako." Hingi ko ng tawad sa mama at papa nina Gucci. Ito ang unang beses na nakita ko sila kaya medyo natatakot ako na baka magalit sila or what...

"It's okay." Sabi lang ng mama nila na nakangiti. Ang papa naman nila ay nakangiti lang din sa akin.

Nakakakaba!!!

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at tumungo na kami sa airport lulan ng kanilang magarang sasakyan. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay sa airport ay oras na para kami'y sumakay ng eroplano. Magiging mabilis lang daw ang byahe dahil hindi naman ganon kalayo ang Palawan dito.

"V, mauna na kayo ng kaibigan mo sa rest house. May dadaanan pa kami." Sabi ni Mrs. Aviles kay Versace nang makarating na kami dito sa parking lot ng airport sa Palawan.

♡_♡

Magkakasama na naman tayo, Versace, Sachi, my labs!!! Nyahaha!

"Sasama naman si Gucci sa amin di ba??" umaasang tanong ni Sachi sa mama niya.

"She will come with us. Even South. Now go. Your sister is waiting at the rest house." napabuntong hininga na lang si Sachi at kinuha ang susi ng kotse na ipinadala dito sa parking lot ng airport.

No choice ka, Sachi, my labs!!!

Sumunod na lang ako sa kanya dahil alam ko namang kahit kausapin ko siya di niya ako papansinin. Kanina pa siya masungit. Katabi ko siya pero feeling ko ako lang mag-isa.

Sandali lang ang naging byahe simula airport. Ang ganda-ganda! Relaxing ang dating. Pero tatawid pa raw kami ng dagat bago marating ang rest house nila. Nasa isang isla raw kasi yun na pagmamay-ari ng pamilya nila.

"Ang ganda naman!" walang malay na nasabi ko habang lilingon-lingon sa paligid ko. Hindi naman kumibo si Sachi kaya hinayaan ko na lang.

Nauunang maglakad sa akin si Sachi dahil wala naman siyang ibang dala kung hindi ang sarili niya. Ako naman dala-dala ko ang gahiganteng maleta ko na pinuno ko ng napakaraming magagandang damit.

Napakagentleman mo naman, my labs!!! Nakakaiyak ang taglay mong kabaitan!

Maya-maya lang din ay sumakay na kami sa yate para makalipat sa isla kung nasaan ang rest house nila. Ang ganda pero hindi ko magawang namnamin ang view dahil sobrang init. Magtatanghali na rin kasi kaya tumitirik na talaga ang araw.

"Sachi, lagi ka dito??"

"I already told you, don't call me Sachi!!" bigla na lang singhal niya kaya napatalon ako ng bahagya habang nakaupo. Kung paano tumalon ng nakaupo?? Pag-aralan niyo!!

"Wae??"

"Just don't! Call me whatever you want but not that!!!" Hindi ko alam kung bakit napakabig deal yata sa kanya ang pangalang Sachi. Cute naman ah!! Tss

"So can I call you, Love, perhaps??" excited at buong ngiti ang tingin ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at nawala ang mga ngiti ko nang makita ko ang itsura niya. Isa na lang ang kilay niya. Nyehe!

"Sabi ko nga hindi di ba??" pinaikutan ko na lang siya ng mata at hindi pinansin ang kasupladuhan.

"But seriously, lagi ka rito??" tanong ko ulit.

"No."

"Ha? Bakit naman hindi??" tanong ko pa.

"Why don't you ask yourself?!" sungit neto! Bakit ko naman tatanungin ang sarili ko? Hindi naman ako siya. Hayys!

"Hindi mo pa naman ako asawa para malaman ko lahat ng ginagawa mo eh" sabi ko.

"And you will never! Ever!!" Ouchie!! Rejected na naman! Huhuhu. T.T

"Ha! No one knows what will happen in the future!!" pagpapaalam ko sa kanya.

"I trust myself enough. I know you will never get me." Yabang!! Magsisisi ka kapag na-realize mo na gusto at mahal mo na pala ako!!

"Trust me! I will be your wife! And you will be my husband! My knight in shining handsomeness! My labs! My forever! Period!" Inirapan niya ako saka lumayo sa akin.

"Keep on dreaming, Ms. Ruiz!"

"Yeah!! Ms. Ruiz today. Mrs. Aviles soon!!! Hahahahahaha!!!" Umiling lang si Versace sa sinabi ko.

"You're....Crazy." hindi makapaniwalang naianas niya.

"Yes, I'm crazy! Crazy for you, beybey!!" kinindatan ko siya at binigyan naman niya ako ng nandidiring tingin! Kung makaasta feeling super gwapo!!! Well, gwapo naman talaga pala siya! Hehe.

"Kadiri ka! The eff." -Versace

"Tss! Mamimiss mo 'ko pag nawala ako!!" sigaw ko na ayaw pa rin siyang tigilan.

"Feeler! Ba't naman kita mamimiss? Tch!"

"Kung makafeeler ha! Bakla ka ba??"

"What?! No!!"

"Good, then. Akala ko bakla ka kaya hindi mo 'ko magawang pansinin eh."

"Ano pa bang 'pansin' ang gusto mo mula sa akin?? Ayan nga pinuputakti mo na ako!" Wow. Just wow! Pinuputakti?? Ang OA neto!

"Gwabe siya oh!! Sinasaktan mo ang puso ko, Sachi! Huhuhu!" kunwaring iyak ko.

"Sinabi ng--!!!" Nagpeace sign na lang ako. Nakalimutan ko ayaw niya pala yung Sachi.

"Soooorry pooo!!" sabay bow.

"Pa-cute, di naman cute. Sus!" -Versace.

"Waaaah!! Thank you!"

"Anong thank you naman?!"

"Na napansin mong cute ako!" kilig pa raw ako kunwari sa harap niya.

"I never said you're cute! Ang sabi ko, pa-CUTE ka, pero HINDI ka naman CUTE!!!"

"Ah ganon ba? Thank you!!!" sabay kilig ulit.

"Bakit na naman?!"

"Hindi ka naku-kyutan sakin di ba? So ibig sabihin NAGAGANDAHAN ka!!! Wahahahahahahah!!!" tawa lang ako nang tawa. Nakakatuwang makipag-argue sa kanya. Kahit nakakawalang pag-asa, nagagawan ko pa ring tawanan at lusutan upang maging positibo ang negatibong sinasabi niya.

Hindi ko pa naitatanong sa kanya kung may girlfriend na ba siya. Pero nalaman ko na hindi siya bakla!

REASON #5 KUNG BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO

Bakla siya.

Sabi niya hindi, di ba? So cross out na yon! Reason #3 na lang talaga, so far. Pero feel ko naman talagang wala siyang syota kaya panatag ako.

"Sachi, my girlfriend ka??" tanong ko para magkaalaman na.

"Hindi ka ba talaga mabubuhay kung hindi ka magsasalita?! Masyado kang madada!" Ang. Sungit.

"Sinasadya ko yon! May mga stories akong nababasa na kapag hindi ka mapigil magsalita, hahalikan ka para manahimik ka. So, tina-try ko. Malay mo...Halikan mo 'ko" Pahina na sabi ko sa bandang dulo saka kumindat. Haha. Makapang-asar lang.

"Yuck! You're so desperate!" Lakompake Sachi, my labs! Ganyan talaga! Just learn to accept it.

"Desperada na kung desperada. Hindi pa rin ako susuko." Sabi ko sabay kawag ng mga kilay. "So, ano? May girlfriend ka na ba?"

"Wala!" Sigaw niya!

Orayt! Reason #3 cross out! 5 down! 5 to go!!!

Mananahimik na ako baka mangyari nga sa akin yung nabasa ko sa mga wattpad stories. Gusto ko romantic ang first kiss ko.

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now