Chapter Ten

40 18 2
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Ten-

Gulat na gulat ako nang makita ko si Gucci na nakatayo sa aming harapan ni Aeiou. Ang ganda-ganda niya sa suot niya at sa napakalawak niyang mga ngiti. Naalala ko tuloy ang sinabi ko kay Aeiou kanina.

'She's smiling. And you're not the reason anymore.'

Totoo. Nakikita kong masaya na si Gucci sa kung anong meron siya ngayon. May manliligaw siya at kita ko naman na napapasaya niya ng husto ang kaibigan ko. Pero hindi ko maiwasang isipin kung gaano nga ba siya napasaya ni Aeiou noon. Naiinis ako kay Aeiou dahil biglaan ang pag-iwan niya sa kaibigan ko. Pero ngayong alam ko na apektado pa rin siya sa nakaraan nila ni Gucci hindi ko na magawang magalit o mainis sa kanya dahil alam ko ang nararamdaman niya. Nasisiguro kong may nararamdaman pa rin siya para kay Gucci. Hindi ko lang alam kung may nagbago ba sa feelings niya o wala pero alam kong nandoon pa rin si Gucci sa puso niya.

"Excuse me lang ha? Tinatawag ako ng kalikasan eh." Sabi ko kina Aeiou at Gucci. Hindi naman talaga ako nata-tae pero para lang makaalis sinabi ko na rin. Alam kong kailangan nilang mag-usap. Hindi pa sila nagkaroon ng closure kaya alam kong kailangan nilang mapag-isa. Kung ano man ang maging desisyon nila ay susuportahan ko. Kung pipiliin ni Gucci ang kung anong meron siya ngayon, ayos lang. Kung naman gusto niyang balikan si Aeiou, ayos lang din. Basta kung saan siya masaya doon ako.

Iniwan ko na lang silang dalawa sa garden at nagtungo sa cr. Hindi ako natatae pero batid kong kailangan ko na ng retouch! Feeling ko hulas na hulas na ako! Baka nga mukha na akong bampira eh! Pero pwede rin!!! Ako ang magiging reyna ng mga bampira! Laos ang lahat sa beauty ko 'no!!!

Pagkalabas na pagkalabas ko ng cr ay dumeretso na ako sa gymnasium. Siguro naman ay hindi na nila iniisip ang nagawa ko 'no? Hindi naman nila pag-aaksayahan ng oras yon dahil minsan lang ang ganitong klaseng okasyon.

Papasok na ako ng gymnasium kaso...

O_O

May yumakap sa akin! Oh my God! My serial killer!!! Heeeeeelp! Kidnapper!!!! Heeeeeeeelp!!! Kulto!! Heeeeeeeelp!!! Holdaper!!! Heeeeeee---

~Sniff!~

O_o

Singhutin ba naman ako?! Anak ng--!!!

"Get off me!" Sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang brasong nakapalupot sa akin. "Hey! Get off!" Lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin! Lalabas na ata ang bituka ko sa pagkakapitpit ko! Nyeta!!!

"Sorry." Bulong mismo sa tenga ko.

O_O

"Sorry." Nangilabot ako sa pagbulong niya sa akin dahil ramdam kong nakadikit ang labi niya sa tenga ko. "Sorry." Pilit akong humarap habang mahigpit siyang nakayakap sa akin. Ngayon, magkaharap na kami habang hawak niya pa ako sa baywang.

"May amats ka na, woi." Bulong ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

'Ang gwapo gwapo talaga ng asawa ko! How to be yours Versace, my labs?!!!'

♡_♡

"Sorry." Ulit na naman niya. Isang sorry pa makakatikim na sa akin 'to! When I said makakatikim that means, hahalikan ko siya!! Nyahahahah!!!

"Don't tell me you're sorry 'cause you're not." Mahinang anas ko. "I should be the one saying sorry."

Ang galing-galing ko na sa english mga besh!!! After one decade natuto rin ako! Charing!

Hindi ko magawang alisin ang paningin ko kay Versace. Mapungay ang kanyang mga mata at naaamoy ko ang wine na malamang ay tinira niya. Ang hina naman ng my labs ko!!

Anyways, kung nagtataka pala kayo kung bakit wala kaming suot na mask gayong Masquerade Ball nga ito, isa lang ang tanging dahilan. Grade 10 na kami at hindi ko alam kung bakit ang pinagsuot lang nila ng mask ay ang mga nasa mas mababang grade level sa amin, ang mga grade 7-9 lang. Nakakainis nga eh! Gusto ko ngang maranasan ang ganitong klaseng party. Yung hinuhulaan mo kung sino ang nasa likod ng bawat maskara. Kaso wala eh! Pauso ang mga nasa student council!

"Let's go inside." Kumalas na sa pagkakayakap si Versace pero hinawakan naman niya ako sa kamay!!! Take note yung naka-intertwine ha! Wala pala kayo eh! Yung crush ko sweet sakin! Nyeh nyeh nyeh nyeh nyeh!!! Belat kayong lahat! Bleh!

Umani ng napakaraming atensyon ang pagpasok naming dalawa ni Versace. Syempre holding hands ba naman?! Pero nang mapansin niyang marami talagang nakatingin ay inalis na niya ang pagkakahawak niya.

Mga peste kasi 'tong mga usisera't usisero eh! Nahiya tuloy si my labs!!!

O_O

Inilagay niya ang kamay niya sa baywang ko at talaga namang ikinagulat ko yon! Sa bawat hakbang na tinatahak namin ay mas inilalapit niya ako sa kanya. Lalo kaming nakalikop ng atensyon kaya naman sobrang saya ng puso ko!!!

'Hi everyone! I'm his wife! I'm Mrs. Eiffel Schaznae Ruiz-Aviles!'

♡_♡

Ayos palang malasing si Versace! Lumalabas ang pagka-sweet! Yun ay kung sweet nga bang matatawag ang ginagawa niya ngayon.

'Kung ganito ka pala malasing eh di papainumin kita araw-araw! Hahaha!'

♡_♡

"Hi Schaz! Can we dance?" Biglang sumulpot si Zuri sa harap namin dahilan para mapatigil kami sa paglalakad. Nilingon ko naman si Versace na tinanggal na ang pagkakahawak sa baywang ko.

"Siya o ako?" Napamaang ako sa tanong niyang yon! Bagamat pabulong lang niyang itinanong sa akin yon ay batid kong narinig ito ng pinsan kong naghihintay sa sagot ko.

Grabe pala kapag may amats si Versace!

"Siya o ako??" Ulit niya sa tanong na medyo may inis. Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala namang masama kung sasayaw ako kasama ni Zuri. Pinsan ko naman siya eh.

"Pinsan ko siya." Pagbibigay alam ko sa kanya pero blanko pa rin ang mukha niya. "Wala naman sigurong masama kung sasayaw kami?" Imbes na diretsong mga salita ay naging patanong ang sinabi ko.

"Siya o ako?" Hindi na sa akin nakatuon ang mga mata niya kundi diretso na sa pinsan kong si Zuri.

"Seryoso ka?" Tinignan niya lang ako sa gilid ng mata kaya natakot ako. "Sabi ko nga di ba? Ikaw." Pagkatapos kong sabihin yon ay naramdaman kong bumalik ang braso niya sa likod ko. Nakahawak na ulit siya sa baywang ko at marahan akong itinutulak papalayo gamit ang kanang braso niyang nasa likod ko.

Nang bahagya kaming makalayo ay nilingon ko si Zuri na halatang naguguluhan sa nasaksihan. "Sorry!" Sabi ko ngunit sa pamamagitan lang ng buka ng bibig.

Gets niyo? Yung salitang walang tunog o boses na lumalabas? Gets ba? Yes 'no? Yes!

"You changed your mind?" Naibalik ko ang paningin ko kay Versace pero diretso lang ang atensyon niya sa dinadaanan namin. "Pwede mo siyang balikan. Di naman kita pinipilit."

"Tch! Syado kang seloso!" Nakakainis siya! Sinabi ko ng pinsan ko si Zuri kung makaasta akala mo naman! Hayy! Ewan! Ka-OA!

"Why would I?" Nanggagalaiting tanong niya. "Wala namang TAYO para maramdaman ko yon." Napatiim bagang ako matapos kong marinig ang sinabi niya.

'Oo nga naman, Schaz! Wala namang KAYO! WALANG KAYO! Ang meron lang ay yung salitang IKAW at AKO! Tss!'

"Ay oo nga pala 'no? Pasensya ka na at nawala sa isip ko." Sarkastikong sabi ko sa kanya. "I don't know why I'm acting like this, when in fact, I know you're not even mine." Pagkasabi ko sa kanya n'on ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Iniwan ko siya at naglakad papunta sa hindi ko alam. Naiinis ako!

Bwisettt! Oo nga naman eh 'no?! Wala naman talagang kami! At hindi ko alam kung magkakar'on pa ba!

Ang tanga-tanga mo nga!

Ang tanga-tanga mo nga Eiffel Schaznae Ruiz!!

***

Guys! Ang next update ko ay kapag umabot na ng 35 votes ang story na 'to ha? Para medyo matagalan. Hehe.

Thank you for reading guys!!!

Happy Reading!!!

-crscljm ♡´・ᴗ・'♡

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora