Chapter Four

41 20 4
                                    

THE ULTIMATE CRUSH
-Four-

Dinala ako sa principal's office matapos akong gamutin sa clinic. Alam kong hindi na kayo magtataka kung sasabihin ko ang nangyari. Pero para alam niyo lang sasabihin ko kung napano ako.

Nahulog na naman ako! Pero hindi pa rin kay Versace, my labs! Nahulog ako sa manhole. Oo! Sa manhole nga! Ang tanga eh, 'no? Well, alam ko naman yon. Pero medyo lang naman eh.

For your more information, nangyari yon dahil wala na naman ako sa sarili. Kung tinatanong niyo kung bakit? Dahil yon kay Aeiou! Si Aeiou na pumasok na naman sa eksena ng buhay namin!

"Ms. Ruiz, please call your parents or guardians now." Nagsalita ang principal na kanina ay busy sa pakikipag-usap sa telepono.

'Para saan? Tss.'

"Hello, ma?" Tawag ko nang marinig kong sinagot niya ang tawag ko.

"Schaz?" Tanong ni mama sa kabilang linya. Siguro hindi siya sigurado na ako ang tumawag dahil nga ang telepono ng school ang gamit ko.

"Yes ma. It's me." Sagot ko at bumuntong hininga. "Pinapapunta kayo ngayon dito sa school. Dito sa principal's office. Now na." Kaagad ko nang sinabi ang pakay ko.

"What?!" Bahagyang nailayo ko ang telepono sa tenga ko matapos niyang sumigaw. "Anong nangyari?! May ginawa ka bang kalokohan ha?!" Okay. Ang OA. Kalokohan? That is so not me! Tss.

"Baka kayo po. Kayo po ang pinapatawag dito eh." Tama naman di ba? Siya ang pinapatawag so it means wala akong kinalaman sa pag-uusapan nila.

"Schaznae! It is not the right time for jokes! What happened?!" Inis na inis na siya! Haha!

'Pero I'm not joking. I'm serious!'

"Just go here, ma." Rinig ko ang paghinga niya nang malalim sa kabilang linya.

"I can't Schaz. We're busy. Let me just talk to your principal." Iniabot ko ang telepono sa principal namin. Nag-usap lang sila saglit at maya-maya pa ay binaba na ni Principal G ang telepono, senyales na tapos na silang mag-usap ni mama.

"Paano ka uuwi kung ganyan ang kalagayan mo?" Bigla na lang ang tanong ni Principal G.

'Bakit ba kasi ako pinapauwi?'

"Kaya mo bang umuwing mag-isa?" Tanong pa niya!

"Of course! I-I mean, yes Principal G. I can manage. Araw-araw ko namang ginagawa yon." Nakatingin lang siya sa akin habang sinasabi ko yon.

"Pero nagagawa mo yon dahil hindi ka injured. Injured ka ngayon, Ms. Ruiz."

'Injured ako?! Weh??'

"V can take her home!" Napabalikwas ako sa biglaang sigaw at pagpasok ng kung sino man. Pagkalingon ko...

O_o

'What is she doing here??'

"Gucci." Mahinang nasambit ko ang pangalan niya.

"Let V take her home." Naglakad papalapit ng desk ni Principal G si Gucci.

O_O?

'Hanep. Ang lakas ng loob niyang magsalita ng ganyan sa principal ha.'

"Call him, then." Sabi ni Principal G kay Gucci pero umiling lang si Gucci.

"No. Call him." Utos ni Gucci kay Principal G. Bumuntong hininga na lang ang kawawang principal at nagpipindot sa telepono.

'Tama ba 'tong nasasaksihan ko? Astig!'

"Go to the principal's office now." Binaba kaagad ni Principal G ang telepono matapos banggitin ang pag-uutos na yon.

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now