CHAPTER 44

1.4K 47 3
                                    

Nakasimangot na nakasunod si Zarah kila Max habang naglalakad sila patunggong classroom.

Mabagal ang lakad niya at nakayuko habang hawak-hawak ang sumbrero. Halos tumakip na ito sa mukha niya.

Bumuntong hininga si Zarah

"Nakakatamad... Bakit ba kailangan ko rin pumasok?" bulong niya.

"Ang kapal mo naman para bumalik pa dito? Akala mo ba hindi namin alam ang totoo?"

Napahinto sa paglalakad si Zarah nang may marinig siyang tinig.  Sigurado siyang malapit lang ito sa kanila subalit nang lingunin niya ito wala siyang nakita.

Tinignan niya sila Max; malayo na ang mga ito sa kanya. Sa halip na sumunod siya hinanap niya ang boses na narinig niya.

"Saan niyo ko dadalhin?" sigaw ni Stephanie.

Tumingin kaliwa't-kanan si Zarah nang marinig niya ang pamilyar na boses. Pagsilip miya sa may gilid ng building nakita niya si Stephanie at ang apat na stalker ni Blaize.

Sinampal ni Pia si Stephanie.

"Hindi porket kaibigan mo si Zaira, palalampasin ka namin. Kinaibigan mo lang naman siya para mapalapit ka kila Prince Blaize," sabi ni Pia.

'Kaya pala pamilyar ng boses nila,' sa isip ni Zarah habang tinitignan ang apat na babaeng minsan na niya nakalaban.

Napailing si Zarah nang sipain nito si Stephanie. Lumapit ang tatlo pang kasama ni Pia saka nila pinagtulungang tadyakan si Stephanie habang nakahiga ito sa damuhan.

"Ano? Nasaan na ang tapang mo? Ayan bagay sayo!" sabi nu Marie habang inaapakan ang kanang kamay ni Stephanie.

Napahawak sa baba si Zarah.

Tutulungan ko ha siya?

"Aaahhhh! Tama na!" sigaw ni Stephanie habang umiiyak.

Humakbang paalis si Zarah.

Bilin sa akin nila Mama na wag makipag-away.

Tumango-tango si Zarah saka muling himakbang.

"Ahhhh!"

Bumuntong hinga si Zarah.

"Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Kapatid pa rin siya ni Max. Baka kapag tinulungan ko siya may plus point ako kay Max."

Bumalik si Zarah at tumalon sabay sipa sa mukha ni Kate.

"Wth! Sinong paki-- Zaira?" sambit ni Kate.

Ngumiti si Zarah.

"Long time no see," aniya saka sinuntok sa mukha si Maria.

"And I'm Zarah."

Pakilala ni Zarah bago umiwas sa suntok ni Marie. Tiniginan siya nito ng masama at muling sumuntok subalit umatras lamang si Zarah habang nilihis ang ulo.

Umikot si Zarah saka sinipa sa tiyan si Maria; Tumama ito sa puno at napaupo sa damuhan.

"Kung inaakala mo na hahayaan ka lang namin dahil malapit ka nila Blaize, nagkakamali ka," sigaw ni Kate habang patakbong lumalapit kay Zarah.

Hinakbang ni Zarah sa likod ang kaliwang paa niya saka sinipa sa baba si Kate nang malapit na ito. Pagkababa ng paa ni Zarah, umatake si Pia pero nakayuko agad ang dalaga. Pag-tayo ng tuwid ni Zarah, hinawakan niya sa braso si Pia saka hinila paitaas at binagsak sa lupa.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now