CHAPTER 24

1.6K 56 3
                                    

"Oh my god! Bakit ko ba sinabi yun? Waaahhh! Nakakahiya," sambit ni Zaira sabay takip ng mukha.

Halos maging katulad ng kamatis ang mukha nito habang inaalala ang mga nangyari kabapon.

"Sinabi ko ba talaga kay Ian yun? Baka panaginip lang ang lahat?" bulong niya.

Malinaw pa sa kanyang alaala ang mga sinabi niya kay Blaize at ang mga sinabi nito sa kanya. Pero pakiramdam niya panaginip lang ang lahat dahil kung nasa tamang katinuan siya noong oras na yun hindi siya magtatapat sa lalaki.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking hindi ko gugustuhin makita ngayon.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking tumatakbo sa isipan niya hanggang sa panaginip. Nag-init lalo ang pakiramdam niya at dali-dali niyang binuksan ang bintana.

Sumalubong sa kanya ang hangin na nagdulot ng pagtaas ng buhok niya sa braso.

Nakarinig siya nang hakbang palapit sa kanya hanggang sa tumigil ito sa tabi niya.

"Kagagaling mo pa lang sa lagnat, bakit nakatayo ka diyan? Gusto mo ba magkasakit ulit?" tanong ni Blaize habang salubong ang kilay at lalo itong nagkasalubong nang mapansin niya ang mukha ni Zaira.

"Bakit namumula ka? Nilalagnat ka pa rin ba?" tanong niya sabay hawak sa noo ni Zaira.

Nag-umpisang the tumibok ng mabilis ang puso niya. Napaatras siya bigla at tinapik ang kamay ni Blaize.

"Sorry," aniya sabay takip ng mukha habang sumisilip sa pagitan ng daliri.

"Hindi ka naman mainit."

Nang makita ni Zaira ang mag-aalala itsura ni Blaize, binaba na niya ang kamay niya.

"Ian..."

"Hmmm?"

'Tatanungin ko ba sa kanya? Paano kung panaginip lang pala yun? Edi pahiya ako. Wag na lang kaya.' sa isip ni Zaira.

"Ano itatanong mo?" tanong ni Blaize.

Hindi alam ni Zaira kung matutuwa ba siya o maiiyak sa sitwasyon niya. Ano pa silbi ng pag-iisip niya kung nababasa rin naman nito ang isip niya? Hindi na siya magtataka kung alam na nito ang problema niya kahit hindi niya sabihin pero kinakabahan pa rin siya.

"Ano kasi... Um... Ian, tayo na ba?" tanong ni Zaira sabay iwas ng tingin at takip ng mukha.

Gumalaw pataas ang labi ni Blaize habang pinagmamasdan ang dalaga.

"Bakit ka nagtatago diyan?" tanong niya kahit alam na niya kasagutan.

Natutuwa siya makita ang pamumula nito.

"Wala. Kalimutan mo na yung tanong ko. Bye!"

Tumakbo papuntang pinto si Zaira subalit bago pa niya ito maabot humarang sa harapan niya si Blaize.

Pagtama niya sa katawan nito, pinulupot nito ang kamay niya sa bewang.

Walang nagawa si Zaira kundi magtago na sa dibdib ng binata dahil nahihiya siyang tumingin dito.

"Nahihiya kang tumingin sa akin pero hindi ka nahihiyang hawakan ang katawan ko," sambit ni Blaize.

Napatingin si Zaira sa kamay niya nakahawak sa dibdib ni Blaize. Tinulak niya ito pero dahil nakayakap pa rin si Blaize sa kanya hindi niya nagawang makaalis.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon