CHAPTER 43

1.3K 49 8
                                    

Pagkatapos ng pagsabog, nawalan ng malay silang lahat maliban kay Blaize.

Nilapitan niya si Henry saka tinadyakan ito.

"What the hell! Sino--"

Natigilan si Henry nang makita niya si Blaize.

"Teleportation," sabi ni Blaize.

Tumingin si Henry kay Zaira na kasalukuyang buhat-buhat ni Blaize.

"Ayos lang ba siya?"

"Yeah. Buhatin mo yung iba at dalhin mo dito habang binabantayan ko si Athena."

Sinunod ni Henry ang inutos ni Blaize kahit na labag sa loob niya.

Una niyang binuhat si Crystal at sunod na pinuntahan niya sila Max.

Nanlaki ang mata ni Henry nang makita ang sunog sa likod ni Max habang nasa ibabaw ito ni Zarah.

"Buhay pa ba siya?" bulong ni Henry sabay buhat kay Max.

Nakahinga siya ng maluwag nang makitang huminga ito. Inangkas niya ito sa likod niya bago tumingin kay Zarah.

"Yung isa malala ang natamo habang yung isa walang kahit na anong sugat."

Pansin ni Henry kay Zarah.

Hahawakan na niya sana si Zarah upang i-teleport kasabay ni Max subalit tinapik nito ang kamay niya bago dumilat.

"Tinutulungan ko lang kayo ilipat sa tabi nila Zaira."

Paliwanag ni Henry nang tignan siya nang masama ni Zarah.

Bumaba ang tingin ni Zarah kay Max bago bumangon para maglakad palapit kila Blaize.

Nang kumpleto na sila, sama-sama silang nagteleport pabalik ng Phiria saka binalita kila Liam na nahanap na nila sila Zarah.

Paggising ni Zaira, nagulat siya nang makita ang sitwasyon ni Max.

"Ano nangyari kay Ken?" tanong ni Zaira.

Tinignan siya ng masama ni Zarah.

"Zarah," sigaw ni Liam.

Bago siya makalapit, tinuro ni Zarah si Crystal.

"Ayos lang ako. Si Crystal ang tulungan mo."

Nagkasalubong ang kilay ni Liam nang makitang sugatan sila Crystal.

"Ano nangyari sa kanila?" tanong ni Asher habang nakasunod kay Liam.

Tumingin sila Henry kay Zaira.

"Ako ba may gawa niyan?" tanong ni Zaira.

"Tinatanong pa ba yan? Sino ba nawalan ng kontrol sa kapangyarihan? Dahil sayo kamuntik na mamatay si Max," tugon ni Zarah.

Hinawakan siya sa kamay ni Max.

"Walang kasalanan si Athena,Wag mo siyang sisihin," sabi nito.

Nagliwanag ang mukha ni Zarah.

"Max, gising ka na!"

Niyakap niya ito.

"Wag mo na uulitin yung ginawa mo. Hindi mo ko kailangan protektahan," bulong ni Zarah.

Hinawakan siya sa likod ni Max.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon