CHAPTER 33

1.3K 50 6
                                    

Papapasok sila Blaize sa tinutuluyan nila nang may dalawang lalaking humarang sa kanila.

"Kayo ba ang celestial guardian?" tanong ng isang lalaki na may suot na salamin.

Bumaba ang tingin ni Blaize sa bandang dibdib nito kung saan may makakitang simbolo.

Minsan na niya iyon nakita sa uniform nila Zaira tuwing nagtatarabaho sila para sa white legion kaya nilingon niya si  Liam.

Tumayo ito sa harapan nila.

"Ano kailangan niyo?"

"Ako si Martin, ang team leader sa Demesne. Pinadala kami dito ni President Fiester para tulungan kayo sa paghahanap sa mga kapatid mo."

Tumango si Liam.

"Doon tayo sa kwarto."

Sumunod sa kanya ang dalawang miyembro ng white legion.

Naglakad na rin sila Blaize habang pinagmamasdan ang likod nila Martin.

Sinara ni Ivan ang pinto saka sumandal doon.

"Ahem. Nagpatulong sa amin si president na hanapin ang mga kapatid mo at tanging si Zaira lang ang natagpuan namin," sabi ni Martin.

Bumilis ang tibok ng puso ni Blaize. Tinignan niya si Martin.

"Nasaan si Athena?"

Sa kabila ng pagiging poker face ni Blaize, pansin ni Ivan ang pagkuyom ng kamao nito.

'Kinakabahan ba siya sa ibabalita nila?' sa  isip ni Ivan habang inoobserbahan ang nakakabatang kapatid. Hinanda na rin niya ang sarili oras na hindi ito makapagpigil si Blaize dahil sa emosyon nito.

May nilabas na larawan si Martin dahilan para mapatayo ng tuwid si Ivan. Nagkasalubong ang kilay niya at agad na tinignan si Blaize.

'Masama ito...'

Nagdilim ang mukha ni Blaize kasabay ng pagkulo ng dugo nang makita niya hawak-hawak ni Henry sa kamay si Zaira. Sa kamay lang ng dalawa nakatuon ang atensyon niya.

Ayaw niya sa lahat na may humahawak na ibang lalaki sa babae niya. Lumalabas ang instinct niya bilang bampira pagdating kay Zaira.

'Papatayin ko siya.'

Pagharap ni Blaize sa pinto, mukha ni Ivan ang sumalubong sa kanya. Napaatras siya ng isang hakbang dahil sinasabi nito sa tingin na 'Alam ko ang binabalak mo. Gusto mo patayin si Henry, tama?'

Hindi na niya kailangan basahin isip nito para malaman ang gustong sabihin sa kanya ni Ivan pero buo na ang desisyon niya.

Kaya nang tanungin siya ni Ivan, inamin niya agad ang balak niya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa Phiria, papatayin ko si Henry."

"No. Hindi ka aalis ngayon. My dear little brother, wag kang basta-basta sumusugod. Tingin mo ba madaling makapasok sa kaharian nila?"

Hinawakan ni Ivan sa balikat si Blaize habang binibigyan ng tingin na 'Are you stupid?'

Napaiwas ng tingin si Blaize at lalong dumiin ang pagkuyom ng kamao niya. Nag-umpisang tumulo ang dugo niya sa kamay dahil sa pagbaon ng kuko niya.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now