CHAPTER 60

30 2 0
                                    

Nakatanaw sa kulay abong kalangitan si Samael. Walang buhay ang mga mata nito kumpara sa tuwing maghaharap sila ni Zeque.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Risa. May hawak itong itim na libro.

"Ito na po ang pinapakuha niyo," sambit ni Risa.

Tinignan ni Samael ang librong may titulong The Book of Prophecy bago kinuha.

Umilaw ito at kusang bumukas at mabilis na lumipat ang pahina nang huminto ito isang salita ang lumabas sa blankong pahina.

Isang batang babae ang isisilang taon na ito at siya ang magdudulot ng kamatayan mo.

"Sino ang batang papatay sa akin? Saan siya manggagaling?" tanong ni Samael.

Isang pangungusap ang muling lumabas.

Nagmumula ito sa pamilyang nagtataglay ng eternal blood.

"Eternal Blood? Zeque?"

Napahawak sa baba si Samael habang salubong ang kilay.

'Anak mo ang papatay sayo...'

Napailing si Samael nang maala ang sinabi ni Heloisa sa kanya. Naisip niya rin na kahit walang eternal blood si Zarah, galing pa rin ito sa pamilya ng mga eternal blood.

Sinara ni Samael ang libro.

"Kailangan ko malaman kung sino sa kanila ang magkakaanak sa taon na ito. Kailangan ko makausap si Heloisa," aniya habang nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Nagtunggo siya sa kwarto ni Heloisa. Pagbukas niya ng pinto naabutan niya itong pinapatulog ang anak nila na mag-iisang taon na.

Bago pa makapagsalita si Samael, niyakap ni Heloisa ng mahigpit ang anak habang nakatingin ng masama kay Samael.

"Ano kailangan mo?" tanong ni Heloisa.

"Sabihin mo sa akin, sino ang papatay sa akin? Ayon sa librong ito, isisilang ngayong taon ang papatay sa akin."

Pinakita ni Samael ang librong hawak. Sinulyapan lang ito ni Heloisa bago sumagot.

"Sinabi ko na sayo. Anak mo ang papatay sayo."

"Sinungaling! Sinasabi mo lang yan para masira lahat ng plano ko."

Nanlisik ang mata ni Samael at akmang sasampalin si Heloisa.

"Uwaaaaaahhhhhhh!" iyak ng baby.

Huminto sa ere ang kamay ni Samael sabay tingin sa anak nila.

Tinignan siya ng masama ni Heloisa bago sinuyo ang bata.

"Kung ayaw mo maniwala, edi wag! Kung wala ka na kailangan, makaalis ka na. Iniistorbo mo ang tulog ng anak ko."

"Anak natin."

Pagtatama ni Samael. Nabuo ang bata dahil sa demon blood essence niya.

"Walang kang karapatang maging ama ng anak ko. Umalis ka na!" sigaw ni Heloisa.

Nagtinginan sila ng masama bago lumabas si Samael. Kung hindi lang kailangan ni Samael ng kapangyarihan nito, matagal na niya ito pinatay.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now