CHAPTER 34

1.2K 48 3
                                    

Pinagmasdan ni Zaira si Stephanie habang nililinis ang pinagkainan niya. Ngayon lang ito dumalaw sa kanya sa kwarto simula noong umamin ito sa mga kasalanang ginawa.

Nagtataka si Zaira kung bakit ito ang nagliligpit ng pagkain niya.

"Zai, nag-away ba kayo ni kuya?" tanong ni Stephanie.

Nahinto sa pag-iisip si Zaira.

"Nag-aalala kasi ako sa kanya. Isang araw na siyang hindi lumalabas sa kwarto."

Kitang-kita ni Zaira sa mata ni Stephanie ang pag-aalala nito kay Henry.

"Sorry," sabi ni Zaira sabay yakap sa sarili.

Gustuhin man niya tulungan ito pero hanggang ngayon sariwa pa sa alaala niya ang nangyari.

"May ginawa ba siya sayo?"

Hinawakan ni Zaira ang leeg niya.

"Pasensya na pero ayaw ko muna pag-usapan yung nangyari."

Yumuko si Stephanie saka mahinang tumugon.

"Naiintindihan ko."

Nabalot ng katahimikan ang kwarto hanggang sa bumukas ang pinto at niluwa nito si Dominic.

"Nandito ka lang pala! Ilang araw ka na hindi pumupunta sa palasyo. Sumama ka sa akin."

Hinawakan ni Dominic ang kamay ni Stephanie at hinila.

"Dominic, bitawan mo ko. Hindi ako sasama sayo," sabi ni Stephanie habang pilit na pinipigilan ang sarili na magpahila.

"Sasama ka sa akin."

Tinignan siya nito ng masama ni Dominic saka marahas siyang hinatak.

"Hindi nga sabi!"

Kinagat ni Stephanie ang kamay ni Dominic.

"Ahh!"

Napabitaw si Dominic kasabay ng pagdilim ng mukha niya. Binigyan niya ng nakakamatay na tingin si Stephanie sabay punas sa kamay niyang may dugo.
May bakat ito ng dalawang tukdok.

"Lumalaban ka na ngayon?!" aniya habang palapit.

Napalunok si Stephanie dahil sa masamang aura na lumalabas kay Dominic. Umiling siya ng mabilis habang umaatras.

"S-sorry."

Nag-umpisang manginig ang katawan ni Stephanie nang makalapit na si Dominic. Hinawakan siya nito sa buhok.

"Aah!" sigaw ni Stephanie nang sabunutan siya ni Dominic.

Samantala napatakip ng bibig si Zaira sa nasaksihan at mas lalo pa siya nagulat nang sampalin ni Dominic si Stephanie. Bago niya ito bitawan sinuntok niya muna sa sikmura.

Napaupo si Stephanie sa sahig habang hawak-hawak ang sikmura niya. Sunod-sunod siyang inubo.

Umupo si Dominic sa harapan niya saka hinila ang muli buhok ni Stephanie at inangat ang ulo nito. Nilapit ni Dominic ang mukha niya kay Stephanie.

"Ano? Lalaban ka pa? Baka nakakalimutan mong kung hindi dahil sa akin, matagal ng sinugod itong kaharian niyo."

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now