CHAPTER 50

24 1 0
                                    

Pagkatapos makita nila Tyler si Jasmine,  tahimik na sinundan nila ito hanggang sa  lumingon ito sa kanila.

Salubong ang kilay ni Jasmine saka sumigaw.

"Tigilan niyo na ako. Bakit ba kayo sumusunod?"

Pinagtinginan siya ng mga dumadaan. Namula si Jasmin saka yumuko at binilisan ang lakad.

Pagkapasok niya ng bahay, nilock niya ang pinto. Mag-isa lamang siya dahil nasa abroad ang nanay niya. Hiwalay ang magulang nito.

Tumagos sa pinto si Tyler.

"Ibalik mo na ang katawan ni Thea," sambit nito.

"Aaaaahhhhhh!"

Pinaghahagis ni Jasmine ang lahat ng mahawakan niya subalit tumagos lamang ito kay Tyler.

Naninginig si Jasmine.

"Sino ba kayo? Bakit niyo ko sinusundan? Bakit ako lang nakakakita sa inyo?" tanong niya.

"Kaibigan namin ang may-ari ng katawang ginagamit mo. Nakikiusap kami, ibalik mo na ito," tugon ni Gin.

"Akin na itong katawan. Ayokong mamatay. Umalis na kayo!"

"Hindi ka namin titigilan," sagot ni Tyler.

Hindi mapakaling napalingon sa paligid si Jasmine hanggang sa maalala niya ang boteng binigay sa kanya ng isang babae pagkatapos ng aksidente.

"Ano nangyari? Bakit nandoon ako? Patay na ba ako?" tanong ni Jasmine sa kanyang sarili  habang sinasakay ang katawan niya sa ambulansya.

"Ayaw mo pang mamatay? Gusto mo bang magkaroon ng pagkakataong mabuhay? May alam akong paraan. Bakit hindi mo subukan?" sabi ng isang nakaitim na babae sa kanya.

"Sino ka? Bakit nakikita mo ko?"

"Hindi mahalaga kung sino ako. Gusto mo ba mabuhay? Kaya kitang  bigyan ng pangalawang buhay."

Sino bang gusto mamatay? Marami pang gustong gawin si Jasmine. Kahit wala siyang ideya kung sino ang babae sa harap niya hindi maiwasang matukso. Ayaw niya pa mamatay.

"Paano?"

Numiti ang babae kasabay ng pagpitik sa ere at bigla silang nagteleport sa kwarto ni Jasmine.

Nanlaki ang mata ni Jasmine saka napatingin sa babaeng nakahiga sa kama niya.

"Sino siya? Bakit nasa kwarto ko siya?" tanong niya.

"Siya ang magiging bagong katawan mo. Oras na sumanib ka sa kanya, magiging iyo na ang katawan niya. Kahit nag-iba ang itsura mo, sinisigurado ko sayo na wala pa rin magbabago. Ikaw pa rin si Jasmine."

"Hindi nga? Hindi mo ba ako niloloko? Kapag sumanib ako sa kanya, magiging akin na yan? Magiging kasing ganda na niya ako?"

Panigurado ng dalaga.

"Bakit hindi mo subukan? Para malaman mo kung totoo."

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now