CHAPTER 55

23 1 0
                                    

Huminto sila Zaira sa tapat ng isang maliit na bahay.

Tumingin si Zaira sa maliit na papel kung saan nakasulat ang isang address bago binalik ang tingin sa gate.

"Dito na yata tayo," aniya bago sumigaw.

"Raziel, Nandyan ka ba? Raziel! Knock knock."

Pagkasilip ni Zaira sa gate saktong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Raziel. Binuksan niya ang gate.

"Tuloy kayo."

Naunang pumasok si Zaira habang palingon-lingon sa paligid. Nagkalat ang mga bote ng alak at plastic ng chichirya.

"Pasensya na makalat."

Pinagpupulot ni Raziel ang mga nagkalat na basura.

"Ayos lang po," tugon ni Zaira.

"Upo kayo. Gusto niyo ba ng maiinom? Juice? Kape?"

"Wag na po. Salamat na lang," sagot ni Erie.

Hindi umimik sila Zaira senyales na pareho sila ng iniisip.

"Napag-isipan niyo na ba yung sinabi sa inyo ni Kuya Paris? I mean Kuya Ash," tanong ni Zaira.

Noong pumunta si Raziel sa cafe, kinausap ito ni Asher at ngayon nandito sila para alamin ang desisyon nito.

"Sige. Payag ako. Wala rin naman saysay kung gagamitin ko ang katawan na ito. Mas mabuti pa ngang mamatay na lang ako," tugon ni Raziel.

"Wag niyo po sabihin yan. Habang may buhay may pag-asa. Alam kong sa ngayon hirap kayo pero malalampasan niyo rin yan," sabi ni Erie.

"Oo nga po. Darating din ang panahon na malilinis niyo rin ang pangalan niyo."

Pagsang-ayon ni Zaira. Pagkatapos nila malaman na hindi makahanap ng trabaho si Raziel dahil napagbintangan siyang magnanakaw sa dati nitong pinagtatrabahuhan. Nakalaya naman ito agad gawa ng walang sapat na ebidensya laban sa kanya. Subalit hindi mawawala ang bad records nito pagkatapos kumalat sa social media ang nangyari.

Hindi maiwasan ni Zaira na mag-aalala dahil doon. Minsan na niya naranasang mapagbitangan at hindi biro yun.

"Sana nga. Gawin niyo na ang kailangan niyo gawin. Doon din naman ang punta nun. Wag niyo na patagalin," sabi ni Raziel sabay ngiti.

Tumango si Zaira saka tumayo si Erie habang

"Tayo po kayo," sabi ni Erie.

Pagkatayo ni Raziel tinapat ni Erie ang pendant sa dibdib nito saka ito itinulak.

Pagkalabas ng kaluluwa nito isang imahe ang nakita ni Erie. Nakahiga si Raziel sa ospital bed; may oxygen ito at may monitor sa tabi nito na nagpapakita ng kanyang pulso at heart rate. Doon nakita ni Erie ang pagtuwid nito.

Nanlaki ang mata ni Erie sa nasaksihan.

"Erie!"

Natauhan si Erie nang marinig niya si Jiro. Nakasimangot na tumingin si Erie.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now