CHAPTER 47

32 1 0
                                    

Natulala na lang si Zaira habang iniisip kung ano gagawin niya. Kung nasa mortal world siya, siguradong pagkakaguluhan siya dahil sa nangyari. Bukod doon iba ang anyo niya ngayon.

"Ayos ka lang bata?"

Napaangat ng tingin si Zaira. Nanlaki ang mata niya nang makita ang lalake sa harapan niya.

"Ian," sambit niya dahil sa itsura nito.

Kamukhang-kamukha nito si Blaize. Kung hindi lang alam ni Zaira na nasa loob ng bote si Blaize, baka nayakap na niya ito.

"Ian?"

"Ah! May naalala lang ako. Ayos lang ako. Salamat."

Pinagpagan ni Zaira ang sarili.

"Totoo ba yang tenga at buntot mo?"

Natigilan si Zaira sa tanong nito. Pagtingin niya sa paligid marami nang tao ang nakatingin sa kanya habang nagbubulungan. May iilan ring kumuha ng litrato sa kanya.

"Kailangan ko na umalis. Bye!"

Tumakbo si Zaira bago pa siya mapalibutan.

"Sinira niya yung field. Hindi pa siya pwedeng makaalis. Kailangan pa natin siya makausap," sigaw nang isang lalaki.

Pagtingin ni Zaira sa likod niya hinahabol na siya ng mga soccer player.

"Waaahhhh! Wag niyo ko habulin," sigaw niya habang tumatakbo.

Pumunta siya sa direksyon kung saan wala masyadong tao. May nakita siyang puno at doon mabilis siya umakyat. Pagtingin ni Zaira sa ibaba tanging ang kamukha ni Blaize na lang ang nakasunod sa kanya.

"Bata! Nasaan ka?" sigaw nito habang tumitingin sa paligid.

Kahit kamukha pa ito ni Blaize walang balak magpahuli si Zaira. Tahimik niya lang ito pinagmasdan habang nakaupo sa puno. Nang umalis na ito doon lamang nakahinga nang maluwag si Zaira.

"Dito na muna ako."

Tinignan ni Zaira ang bote saka hinawakan ang cork. Napakunot ang noo niya nang hindi niya ito mabuksan kahit anong hila niya dito.

"Paano ko sila mapapakawalan nito? Basagin ko na lang kaya yung bote?"

Nahinto sa pag-iisip si Zaira nang makaronig siya nang iyak. Pagtingin niya sa ibaba may babaeng nakaupo doon habang nakasubsob ang mukha sa tuhod.

"Bakit ka umiiyak?"

Napatakip ng bibig si Zaira.

Bakit ko siya kinausap? Paano kung isumbong niya ako sa soccer club ng school nila?

"Sino yan?" tanong ng babae sabay tingin sa kaliwa at kanan.

Akala ni Zaira ligtas na siya subalit  bigla nito inangat ang ulo niya. Nang nagkasalubong ang mata nila tinuloy na lang ni Zaira ang pakikipag-usap.

"Binully ka ba?"

Tumalon si Zaira sa puno saka ngumit sa babae na kasalukuyang nakanganga.

"Hi! I'm Zaira."

"I'm Erie," tugon nito sabay punas ng luha.

Umupo si Zaira sa tabi ni Erie.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Zaira.

Ngumiti si Erie ngunit may lungkot pa rin sa mga mata nito.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now