CHAPTER 8

2.2K 82 7
                                    

"Iha, ano nangyari sa kamay mo?" tanong ni Mrs. Fiester kay Heidi habang naghahapunan sila.

Kapansin-pansin ang nakapulupot na benda sa kamay ng dalaga.

"Nakalmot po ng pusa," sagot nito.

Napakunot ang noo ni Zaira nang marinig niya ang sagot nito. Kahit saan angulo niya tignan hindi mukhang kamot ng pusa ang sugat nito nang lagyan niya ng benda.

Malalim ang sugat nito ang makapal ang pagkakahiwa. Parang kalmot ng tigre ito kung iisipan.

Nag-aalalang tinignan niya si Heidi saka bumuntong hininga bago tinuon ang atensyon sa pagkain.

"Kumain ka pa. Marami pang ulam."

Nilagayan ni Mrs. Fiester ng ulam ang plato ni Heidi.

"Salamat po."

"Ano na nga pala balita sa mga guardian? Nakita niyo na ba yung iba?" tanong ni Mr. Fiester

"Sina Kim, Piers at Blaize pa lang po ang nadagdag," tugon ni Zaira.

"Kulang pa ng lima."

Tumango si Zaira sabay bilang pagsang-ayon.

"Sabi ni Granny, tadhana ang maglalapit sa eternal child at guardian. Hindi kaya kilala na natin yung lima tulad ni Blaize at Kim?" sabi ni Liam.

"Hmmm. Pwede," sagot ni Zaira.

"Bakit hindi niyo tignan kung may mga marka din sa katawan yung iba?" suhestiyon ni Asher.

"Paano? Hindi naman namin sila pwedeng pahubarin sa harap namin para lang matignan kung may marka sila."

Kontra ni Zaira sa kapatid.

"Bakit hindi niyo sila isama sa outing natin?" sabi ni Mrs. Fiester.

Kung lalangoy sila kailangan nila magsuot ng swimwear. Malaki ang chance na makita nila ang mga marka ng iba.

"Magandang idea yan. Imbitahan niyo lahat ng mga kaibigan niyo."

Pagsang-ayon ni Mr. Fiester sa asawa.

"Okay," sagot ni Zaira.

Time: 11:45pm

Tahimik na nakatulala si Blaize sa kisame. Pilitin man niya ang sarili, hindi pa rin siya makatulog.

Dahan-dahan siya tumayo at naglakad palabas. Sinigurado niyang hindi siya makagawa ng ingay habang naglalakad siya.

"Alis na po kami."

Natigilan sa pagbaba ng hagdan si Blaize marinig niya ang boses ni Zaira.

'Gabi na, saan sila pupunta?' sa isip niya habang nakatulala sa hangin.

"Mag-iingat kayo," sabi ni Mrs. Fiester.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now