CHAPTER 38

1.3K 43 6
                                    

Pagdating nila Mr. Fiester, gumawa agad ng portal si Mrs. Fiester.

"Max! Blaize! Tara sa loob ng palasyo," sigaw ni Mrs. Fiester.

Pumasok sila sa portal at nang makalabas nasa loob na sila ng gate.

"Kalaban!" sigaw ng mga bampirang naiwan sa loob ng gate.

Sinuntok ni Mr. Fiester ang umatakeng bampira sa asawa niya. Tumalsik ito sa mga kasamahan niya na susugod na sana. 

Bago pa sila makatayo napalibutan sila ng hangin at nilipad sa ere. Nagpaikot-ikot sila bago tumilapon sa magkakaibang direksyon.

"Tora," nakipagsanib si Max kay Tora bago umatake.

Tinanguan naman ni Blaize si Red nang tignan siya nito. Nagsanib ang dalawa na naging resulta ng pagkakaroon ng kulay pula sa buhok ni Blaize.

Nagkabungguan pa likod nina Max at Blaize habang nakikipaglalaban sila.

Pinagbabaril ni Blaize ang mga nagtatakang lumapit sa kanila. Tuwing matatamaan niya ang kalaban nagliliyab ang mga ito hanggang sa maging abo.

Si Max naman ang umaatake sa mga nakakalapit sa kanila. Hindi man magsundo ang dalawa, kapansin-pansin ang pagtutulungan nila oras ng laban. Kahit hindi sila nag-uusap, alam na ng bawat isa kung ano ang dapat gawin base na rin sa sandata nila.

Napangiti si Mr. Feister sa nasaksihan. Ngayon sigurado na siya na mapagkakatiwalaan niya ang dalawa sa ipapagawa niya.

"Blaize, Max, Kami na dito. Mauna na kayo loob. Hanapin niyo si Athena," aniya saka lumundag sa harapan ng dalawa at pinagsusuntok ang mga bampira.

Unang kumilos si Blaize, tumakbo siya papasok ng palasyo at pinagbabaril ang mga nakikita niya sa harapan.

Sumunod si Max pero dahil sa bilis ng takbo ni Blaize medyo nahuli siya. Idagdag pa na kay Max ang punta ng mga bampirang takot sa apoy ni Blaize.

Pagkakita ni Blaize sa sitwasyon ni Zaira, wala na siya ibang naisip kundi tumakbo palapit sa babaeng pinakamamahal niya.

"Blaize, yung baril mo!" paalala ni Red.

"No! Paano kung masaksak pa rin si Athena kahit na tamaan ko si Haring Linus?"

"Ano gagawin? Wag mong sabihing ibubuwis mo ang buhay mo? Iisa pa rin tayo. Ayoko pa mamatay!"

Napakunot ang noo ni Blaize.

"Tsk. Lumabas ka sa katawan ko. Hindi mo ko mapipigilan. Red, dalian mo. Tawagin mo si Max pagkatapos."

Bago pa makalapit si Blaize kay Zaira lumundag palabas ng katawan ni Blaize si Red at tumakbo ito papunta kay Max.

"Ubos na rin," sambit ni Max pagkatapos niya hiwain ang huling bampira.

"Max!" sigaw ng isang red panda.

Napatingin sa kanya ang binata. Umakyat si Red papunta sa balikat niya at doon sumabit.

"Dalian mo, papatayin ni Haring Linus si Zaira!"

Napatakbo si Max nang marinig niya ang dalawang pangalan.

Nang makita niya si Haring Linus, saktong tinulak nito ang espada kila Blaize.

Nagdilim ang mukha ni Max at sinugod si Haring Linus.

"What the hell! Nahuli lang ako ng kaunti nag-agaw buhay na kayo? Athena, Blaize, hindi kayo pwede mamatay," sabi ni Max bago binalik ang tingin kay Haring Linus.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now