CHAPTER 30

1.4K 49 7
                                    

Napabangon si Zaira nang napagtanto niyang nasa isang malambot na kulay pulang kama siya. May nakalagay na gintong chandelier sa kisame. Tignan lamang niya ang mga kumikinang na ginto sa paligid niya alam niyang mayaman ang nagmamay-ari ng kwarto.

"Ah!"

Napatingin si Zaira sa paa niya nang marinig niya ang tunog ng kadena. Pagtingin niya dito may nakalagay na ankle cuff sa paa niya at sa pagitan nito may kadenang nagdudugtong.

Naging maliit at mabagal ang hakbang niya dahil may nakasabit rin na itim na bilog na bagal dito. Kasing laki ito ng bola ng bowling at tuwing hahakbang siya ramdam niya ang bigat nito.

Alam ni Zaira na kaya malaya siyang nakakagalaw sa kwarto dahil sa nakalagay sa paa niya. Kahit subukan niyang tumakas madali siyang mahuhuli.

"Nasaan ako?"

Ang hulin niyang naalala nakaharap nila sila Magnus at kung iisipin impossibleng dalhin siya nito sa maayos na kwarto.

Bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla itong bumukas at sumalubong sa kanya ang isang matangkad at maputing lalaki. Kulay pula ang mata at itim ang buhok nito.

"Henry?"

Napaatras si Zaira at dahil sa nakalagay sa paa niya nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang nahawakan siya agad sa kamay ni Henry.

Hinila siya nito dahilan para mapasubsob siya sa katawan nito sa halip na mapaupo siya sa sahig.

'Natumba na lang sana ako,' sa isip ni Zaira. Sinubukan niya itong itulak subalit  mas mabilis ang kilos nito.

Niyakap siya ni Henry ng mahigpit saka bumulong sa kanya.

"Ang tagal kong hinitay ang araw na ito. Sa wakas nandito ko na rin sa kaharian ko."

Nagkasalubong ang kilay ni Zaira habang  pilit na kumakawala sa yakap ni Henry.

"Bitawan mo ko! Ano ba? Bakit mo ko niyayakap?"

Maririnig sa tono ng boses niya ang pagkainis subalit tila ba walang narinig si Henry.

"Nagpadala ako ng pagkain para sayo."

Nakangiting bumitaw sa kanya si Henry saka siya hinawakan sa kamay at hinila paupo sa may sofa.

May pumasok na isang babae na isang babae na nakasuot ng damit ng isang katulong. Katulad ni Zaira may ankle cuff rin ito sa paa.

Nang magkatinginan sila nito binigyan siya nito ng naaawang tingin.

Bakit ganun siya makatingin? Mukha ba siyang kaawa-awa?

Tinignan ni Zaira ang sarili, walang pinagbago sa suot niya. Maayos naman siya kumpara sa katulong. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ito makatingin sa kanya. Subalit agad rin nagbago ang nasa isip niya pagkatapos niya kausapin si Henry.

Nilagay nito ang beef steak, vagetable salad at isang orange juice sa maliit na mesa na tama lang sa pangdalawang tao ang laki. 

"Makakaalis ka na," utos ni Henry sa katulong.

Nagbow muna ito bago naglakad palabas at dahan-dahang sinara ang pinto.

"Kumain ka na. Sabihin mo lang sa akin kung may hindi ka gusto. Papaluto kita agad ng bago," sabi ni Henry.

Tinignan lang ni Zaira ang pagkain hindi dahil sa ayaw niya ito, kundi dahil kay Henry.

"Nasaan ako?" tanong niya.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGDär berättelser lever. Upptäck nu