CHAPTER 31

1.3K 44 3
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas nang huling nakita ni Zaira si Henry.

Hindi na ito bumalik simula nang umalis ito at masaya siya dahil walang mamamimilit sa kanya na maging slave.

Sa kabila nang hindi pagpaparamdam ni Henry, nakakulong pa rin siya si Zaira sa kwarto. Dinadalhan lang siya nang pagkain ng katulong.

"Gusto ko maligo."

Napabuntong hininga si Zaira habang nakatingin sa salamin. Kitang-kita niya dito ang kumikintab niyang buhok. Kung ano ang suot niya nang umalis si Henry ganun pa rin ito.

Gustuhin man niya maligo wala siyang pamamalit at tuwalya. Ngayon sigurado na siya seryoso si Henry sa sinasabi nito na ito ang masusunod sa lahat.

Wala rin siya magawa kundi tumingin sa hangin at maghintay na bumukas ang pinto.

Tulad ngayon, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking dalawang araw hindi nagpakita.

Hindi alam ni Zaira kung dapat ba siya matuwa o hindi sa pagdating ni Henry. Alam niya ito lang ang makakatulong kung gusto niya magkalabas ng kwarto pero hindi pa rin niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya.

Kung hindi tinawag ng katulong si Henry baka pinagsamantalahan na siya. Kung natuloy yun malalagyan siyang ng marka nito at wala ng ibang bampira ang pwedeng gumalaw sa kanya. Kasama na doon si Blaize. Oras na may ibang gumalaw sa kanya, mamatay siya.

"Bakit ganyan ka makatingin? Namiss mo ko?" tanong ni Henry nang tignan siya mula ulo hanggang paa.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang dumating?"

Natigilan saglit si Henry saka ngumiti bago tuluyang lumapit kay Zaira.

Hindi makakalimutan ni Zaira ang bilin sa kanya ni Stephanie nang makausap niya ito.

"Wag mo gagalitin si Henry. Mabait naman ang kakambal ko basta wag mo lang siya kokontrahin," sabi ni Stephanie.

"Mabait? Kamuntik na nga niya ako pagsamantalahan. Nakikita mo ba itong punit sa damit ko?"

"Ginalit mo siya kaya nagawa niya yan sayo. Sumunod ka na lang sa kanya, sigurado akong rerespetuhin ka niya. Saka wag mo babanggitin si Blaize sa harap niya."

Walang mawawala kung susundin niya ang sinabi ni Stephanie. Mas kilala niya si Henry. Basta hindi siya gagalawin ni Henry, magpapakabait siya dito. Uumpisahan niyang makipagkaibigan kay Henry.

Humiga si Henry sa tabi niya saka hinila ang kamay ni Zaira para pahigain din. Noong una nagdalawang isip na tumabi dahil baka may gawin ito pero nang makita niyang matamlay si Henry at mukhang walang lakas makipagtalo, sumunod na lang siya.

Pagkahiga niya pinatong agad ni Henry ang kamay niya sa bandang bewang ni Zaira.

Napatuwid ang katawan ni Zaira saka napapigil ng hininga. Nang wala na ibang ginawa si Henry, nakahinga siya ng maluwag.

"May inutos sa amin si ama, pinadala niya kami sa Sherian para turuan ng leksyon ang mga nakatira doon."

Tinagilid ni Zaira ang ulo niya para makita si Henry.

Nakapikit ito na para bang natutulog. Ngayon lang natitigan ni Zaira si Henry, tulad ng mga bampira maputi ang balat nito na para bang kulang sa dugo. Walang ibang maisip si Zaira kundi kwapo ito. Matangos ang ilong ni Henry at pale red ang kulay ng labi nito.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now