CHAPTER 10

1.9K 76 10
                                    

"Bakit hindi kayo sumama kila Athena?" tanong ni Mrs. Fiester kila Liam.

"Ma, nakakapagod mangisda kanina. Magpapahinga na lang po ako dito," sagot ni Asher.

Hindi lang sila ang naiwan, kahit sina Hazel, Levi, Clara at Naomi nagpaiwan din.

"Hmmm.. Ma, kanina pa kayo nag-aasikaso sa amin. Bakit hindi muna kayo magsaya ni Papa?" sambit ni Asher na ikinatuwa naman ni Mr. Fiester.

Gusto niya ang ideya nito.

"Gusto ko yan! Tara Rina," sabi nito sa asawa.

"Hindi ka ba pagod? Nangisda ka rin kanina," tugon ni Mrs. Fiester.

"Ako mapapagod? Wala akong kapaguran. Katulad ng pag-ibig ko sayo, hinding hindi mapapagod."

"Pa, ang corny," sabi ni Asher sabay tawa.

"Corny ka diyan. Sa ganun ko kaya napasagot ang mama mo."

Napabuntong hininga si Mr. Fiester saka tinignan ang anak niya na wala pa ring girlfriend hanggang ngayon.

Kinilibutan si Asher nang makita niya ang itsura nito na para ba siyang kawawa.

"Hindi ka kasi marunong manligaw. Ngayon alam ko na kung bakit wala kang girlfriend eh."

Hindi mapigilang matawa ni Liam sa sinabi nito.

"Sige, tawa pa kuya. Wala ka rin naman girlfriend. Dapat nga mas mauuna ka sa akin," sabi ni Asher.

"Oo nga 'nak. May nililigawan ka na ba?" tanong ni Mr. Fiester nang maalalang wala ring dinadalang babae ang panganay nila.

"Po?" sambit ni Liam nang mapunta sa kanya ang atensyon.

Saglit itong napaisip bago sumagot.

"Meron po."

Nagliwanag ang mukha ni Mr. Fiester sa narinig. Masaya niyang inakbayan si Liam.

"Sino anak? Ipakilala mo naman siya sa amin."

Naiilang na sumagot si Liam dahil nasa harap sila ng nililigawan niya.

"Si Naomi po," aniya sabay tingin sa babaeng guro.

"Ms Naomi, nililigawan ka ni Kuya?" tanong ni Asher.

Namula sa sobrang hiya si Naomi. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi na niya alam kung ano sasabihin niya.

Nang magkatinginan sila ni Liam, hindi mapigilang matawa ng binata sa itsura nito.

"Pa, labas po muna kami."

Paalam ni Liam sabay hila kay Naomi para makatakas kila Asher.

BLOODLINE 2: REVIVAL OF THE DEMON KINGWhere stories live. Discover now