Chapter 39 - Erik's POV

Mulai dari awal
                                    

Medyo umokay na rin yung mood ko.

Medyo nawala na yung pagka-badtrip ko. Ayoko namang masira ang araw ko dahil lang sa Ian na yun! 

Nginitian ko si Alexa. Ngumiti rin naman siya sa akin.

Isang ngiti lang niya, natutunaw na ako. Nawawala na lahat ng inis ko pag nakikita ko siya.

Hindi ko alam kung anong ginawa sa akin ni Alexa at ganito na lang yung naging epekto niya sa akin. 

Hindi ko siya gusto nung una lalo na nung natapunan niya ako ng soda. Nainis talaga ako sa kanya noon. At sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari dati, natatawa na lang ako.

Iba siya sa lahat ng babae. 

Gusto ko siya.

Ay mali!

Mahal ko na nga ata yung babaeng yun e?!

Alam kong ang weird na sabihin yun dahil ako yung lalaking never pang na-inlove o nagseryoso sa isang babae. Alam ko na madalas laro lang sa akin ang lahat.

Pero nung dumating siya sa buhay ko, ewan! Bigla na lang bumaliktad ang lahat.

Para siyang TAXI. Kasi minu-minuto na lang, napapamahal ako sa kanya.

Fine! Ako na corny. Lahat naman tayo corny pag na-inlove diba?!

Shit!

In-love na nga ba ako kay Alexa?!

Is this for real?

Pero paano na yung pustahan?

Ayoko siyang saktan.

Hindi ko siya kayang saktan.

She doesn't deserve that.

.....

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang