Chapter 51: 2nd Day

1.2K 39 0
                                    

2nd Day na namin dito sa resort. Medyo okay na rin ang pagsasama namin. Ngayon na pala magsisimula si Jake sa panliligaw kay Kate. Tinanong namin sya kung bakit nagpakalasing sya kagabi. Ang sagot nya,

"Because after this night, I will declare tomorrow that I'm not single anymore because I already have a wife and that is Kate Alonzo."

Akala ko pa naman nagdadrama sya kagabi dahil rineject sya ni Kate, ngayon pala, nagdrama lang sya dahil hindi na sya magiging single at hindi na rin sya pwedeng mambabae.

Hindi pa nga sinasagot ng tao, dinedeklara na kaagad nyang asawa. =___= Corny but sweet. >////<

Yung mga kabarkada nila? Ayun, umuwi na. Kahit gusto man daw nilang magstay kahit ngayon lang para makapagchix hunting ay hindi pwede dahil meron rin silang business na kailangan asikasuhin kaya hindi na sila nakapagpakilala pa sa amin.

Ang talino nila noh? Ni hindi pa nga sila naggagraduate, nakakahandle na sila ng mga business but take note. Matalino LANG sila hindi MATINO. -.-"

Sila Angel at Earl ba? Ayun nasa beach, naglalaro ng patagalan ang paghinto ng hininga sa ilalim ng tubig. Si Earl palagi ang nananalo pero nanalo rin si Angel isang beses lang. Naawa lang siguro si Earl kay Angel kaya pinagbigyan nya. -__-

Si halimaw? Hindi ko alam kung nasaan sya at wala akong pakelam. =___=

Ako? Nagpipicture gamit ang DSLR ni Kate. Wala pa kasi ako sa mood para magswimming.

Si Jake at Kate? Pumasok sa hotel at nagpakarami. JOKE LANG! Hindi pa nga sinasagot hotel na kaagad? Si Jake ang naglalagay ng sunblock sa likod ni Kate. Kung alam nyo lang kung anong ginawa nya para lang mapapayag sya ni Kate. Hindi nya talaga tinantanan si Kate kahit anong taboy ni Kate sa kanya. Desperado at pursigido si kuya. Tsk. Ang loko, pinapahalatang masyado syang masaya dahil nakachanching (chansing) sya kay Kate. -__-"

Atsaka obvious naman na okay na sila diba? Parang walang nangyari kagabi. Weird Couple. ("-___-)

"MAE! Hubarin mo na 'yang t-shirt at short-shorts mo! Ipakita mo na sa kanila ang bikini mo!" sigaw ni Angel

O__O

O////O

The F!? Paano nya nalaman na may suot akong bikini sa loob?

Sila Angel at Kate kasi ay nakabikini na pink at black.

Ako? Ito, nakaT-shirt at short-shorts na may bikini sa loob.

Pagkabukas ko kasi ng bag ko kanina ay may nakita na lang akong red na bikini tapos may note pang kasama.

"Anak, suotin mo 'yang bikini ha. Gusto ko pagbalik mo may picture kang nakabikini. Inaasahan ko 'yan.

Love, Mommy♡"

At dahil isa akong mapagmahal at masunurin na bata ay isinuot ko ang pulang bikini kahit LABAG sa kalooban ko. -__-

Sa pagkakaalam ko kasi, mag-isa lang akong nagbihis ng bikini at ng mga pampatong na damit ko. Paano nakita ni Angel ang suot ko? Eh imposible namang makita nya sa t-shirt ko, eh kulay black 'yon.

"Ano!? Nakabikini ka!? Ikaw ba talaga 'yan Shirley?" di makapaniwalang tanong ni Kate.

-__- Shet! Kaylangan pa talagang ipagsigawan sa mga madlang people?

Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy ang pagkuha ko ng mga picture.

Sa sobrang focus ko sa pagkukuha ng mga pictures ay hindi ko namalayan na may nagtakip ng panyo sa ilong ko at unti-unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa maramdaman ko na lang na may nagbuhat sa akin then everything went BLACK.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

OmO! Anong nangyari sa ating Main protagonist!? Nakidnap nanaman ba sya? Seryosong kidnap na ba ituuuuu!? Abangan sa susunod na kabanata ng Special 2. Taray ng tagalog. xD hahaha!

MPMMP and APD next update! :"> Ayiiiieee!!! Hahahaha!

Vote.Comment.Be a Fan.Please Share! ;)

JamieeeBlue♡

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin