Chapter 12: Ay HALIMAW!

1.8K 69 0
                                    

Naglakad na ako papunta sa classroom namin. 

"Sa wakas! Nakaalis na rin ako doon. Hindi ko na talaga kayang makita pa ang pagmumukha ng halimaw na 'yon baka pagnagtagal pa ako doon ay mapalipad sya sa sobrang lakas ng sipa ko sa makapal nyang mukha. Ayshh! Makapagpalamig na lang nga ng ulo." Sabi ko habang nagbabasa ng libro. 

"Kringgg! Kringgg! Ay HALIMAW!" ano ba naman 'yan. Kaagad na lang nanggugulat 'to. Sandali lang nga, anong nasigaw ko? Flashback lang tayo sandali... 

(Flashback)

"Ay HALIMAW!"

(End of Flashback)

What?! Nasigaw ko yung halimaw?! The heck! Sa dami-dami ko ba namang isigaw yung halimaw pa ang nasigaw ko. Feeling ko may problema na yung bibig ko. Kaagad na lang kasi sumisigaw ng mag isa. -_- Makasagot na lang nga ng tawag. Sino ba 'to? Ay, Si Kate pala.

"Hello?"

"Shirley asan ka na? Ang tagal mo naman dyan sa classroom ha. Nahanap mo na ba yung hinahanap mo?"

"Ahhh.. Oo, nahanap ko na ngalang wala ako sa mood para bumalik dyan. Panira kasi yung halimaw na 'yon.

"Si Kenneth ba? Kung si Kenneth yung sinasabihan mo ng halimaw, umalis na sya sa garden."

"Ha? Umalis na si halimaw? Saan naman sya pumunta?"

"Ewan ko. Wala naman syang sinabi kung  saan sya pupunta eh. Siguro umuwi na sya." sana nga Kate, nakauwi na sana yung mokong na 'yun.

"Ahhh. Sige, Kate. Mag-iikot muna ako dito sa school. Hihintayin ko na lang magring yung bell sa mga ordinary students para makauwi na ako."

"Sigurado ka? Hindi ka na babalik dito?"

"Oo Kate. Wag mo na akong hintayin atsaka pakisabi na rin kayla Earl, pati sa babe mo na wag na akong hintayin."

"Ahh. Oka- SHIRLEY! Pati ba naman ikaw?! Hindi ko babe yung chickboy na 'yon at kahit kailan, hinding-hindi ko magugustuhan ang panget na 'yon!"

"Hahahaha! Now you can feel my pain Kate."

"Tsk. Ang saklap pala ng nararamdaman mo."

"Sige na Kate. Bye."

"Bye. Ingat ka ha. Tawagan mo na lang ako kapag may nang-away sayo. Susugod ako kaagad kahit busy pa ako, susugurin ko yung mga nag-aaway sayo."

"Hahaha. O sya na."  

Toottooot...

Maka-alis na lang nga. Umalis na ako ssa classroom at dumiretso na sa school ng mga ordinary students.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Be a Fan.Comment.Vote! :D

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Where stories live. Discover now