Chapter 4: The Special and Ordinary Canteen

2.6K 100 0
                                    

"Aalis muna ako, may pupuntahan lang. Sandali lang naman ako eh." sabi ko sa kanila

"Saan ka pupunta?" tanong ni Kate

"Basta, malapit lang naman ang pupuntahan ko. Promise, hindi ako magtatagal, babalik din ako." sabi ko sa kanya habang paalis na sa classroom.

Lakad.....

Lakad......

Lakad......

Grabe ha... Ang layo ng canteen dito. Ang totoo kasi nyan ay may dalawang canteen dito sa academy. Ang ordinary canteen kung saan ang mga murang pagkain at dito rin ang canteen ng mga taga-ordinary class. Ang isa namang canteen ay ang Special canteen. Dito ang mga mahal na pagkain exclusive lang sa mga students ng Special A. Alam nyo namang mahirap lang ako kaya hindi o afford bumili ng pagkain sa canteen namin, deg pa ng canteen namen ang restaurant. Minsan kasi, si Kate mismo ang nagluluto, nagbebake or in short, sya ang gumagawa ng meryenda namin at ako naman ang gumagawa ng tea. Hindi naman kasi ako ganon karunong magluto siguro hanggang tikim at kain lang ako. xD hahaha... Syempre, joke lang yun. Kanina pa kasi ako nagugutom kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na maghanap ng pagkain. Ang layo talaga ng canteen ha...... Pa'no naman kasi ang laki ng academing 'to. -_-

Lakad........

Lakad........

Lakad ulit.........

Hay sa WAKAS! Narating ko rin ang canteen :D. Bumili na ako ng makakain atsaka umalis na sa canteen. Buti na lang wala ang mga estudyante dito kung hindi, patay ako. Pumunta muna ako sa may garden para makahanap ng bench. Anak ng Tilapia naman o! Walang kabench-bench dito. Minsan, naiisip ko na lang na parang hindi ata ginagamit ng may-ari ng academy ang utak nya. Kasi naman ang daming students dito tapos ni isang bench lang ATA wala sila. Hindi katulad sa garden namen, kahit saang sulok ka magpunta ay mayroon kang makikita na bench at hindi lang ordinaryong bench kung 'di ang pangmayaman na bench ang sa amin. Pero exclusive lang 'yon sa mga students ng Special A.

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Where stories live. Discover now