Chapter 56: Servers Cafe

1.4K 38 3
                                    

"Okay my dear classmates, anong gusto nyong booth natin para sa upcoming school festival?" masayang tanong ni Kate.

Nandito kami ngayon sa conference room at pinagmimeetingan namin ngayon ang tungkol sa upcoming school festival.

Ang arte nila noh?

Kung kailan tapos na yung unang meeting para sa school festival ay doon pa lang nila naisipan magmeeting. (-_-)

At yung tungkol sa awkward position namin ni halimaw?

Tapos na 'yon kanina lang. (-_-)        

Sabi daw nila ay gusto lang daw nila akong pagtripan. Tch. Pero sa totoo nyan, tinakot lang sila ni halimaw. Psh. Halimaw nga talaga. (=_=)

Paano ko nalaman?

Narecieve ko lang naman ang text ni Jake na dapat ay para kay Kate na kapag hindi daw sila tumigil sa pagbubully sakin, ay kukunin daw ni halimaw ang mga shares nya sa kumpanya nila. O diba! Ang halimaw talaga ng ugali. (-_-)

Speaking of halimaw, wala sya dito ngayon dahil lumipad sya patungong London kanina lang.

Ang sabi daw nya ay may importanteng bagay lang daw syang aasikasuhin doon kaya wag ko daw syang mamimiss at magbehave daw ako dito.

Spell MAKAPAL...

K-E-N-N-E-T-H  J-O-E  B-R-A-W-L-I-N-S (=__=)

Atsaka anong tingin nya sakin? Aso para magbehave at sundan sya? Kapag siguro top 1 na ako at wala na siya or if pigs will fly and the crows will all be white, then I guess there's a chance that I might obey him. Pero syempre, dahil napakaimposible ng mga sinabi ko ay imposible rin na sundan ko ang mga inuutos ng isang halimaw.

"Sweets Booth" request ni Kate habang kumikinang ang kanyang mga mata.

"Ayos rin 'yon babe! Puro sweets yung ibebenta natin." pagsang-ayon naman ni Jake.

Magandang idea rin 'yon. For sure nasa heaven of sweets na talaga ako kung 'yon ang booth namin. (*Q*) Waaah... Ngayon pa lang na nagiimagine ako ay naglalaway na ako, paano pa kaya yung totoo?

"Kaya lang puro matatamis lang ang ibebenta natin non atsaka baka magsawa rin ang mga students diba?" tanong naman ni Earl.

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ