Chapter 2: The Beginning

3.8K 122 2
                                    

Eto na po yung next update! Please support my story :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nasa bahay pa lang ako ngayon, maghahanda na ako para pumasok na sa school. Nang matapos na akong mag-ayos ay nagpaalam na ako sa pamilya ko.

"Bye Mommy." at sabay halik sa pisngi.

"Bye Daddy", at sabay halik sa pisngi. 

"Sige anak, mag-iingat ka ha."

"Opo mommy. Sige po, aalis na ako." Umalis na nga ako sa aming bahay at pumunta na sa school. Siguro , mga 15 minutes nakarating na ako sa school kasi hindi naman ganon kalayo ang school sa bahay namin kaya parang walking distance lang siya. Saktong-sakto na pagkaapak ko sa loob ng academy. BUMP! May biglang yumakap saken with full force!

"Aray naman! Umagang-umaga kung makapagyakap naman WAGAS!" inis na inis kong sinabi. Paano naman kaya muntikan na akong matumba buti na lang hindi ako lampang babae :D

"S-sorry Shirley. H-hindi ko naman sinasadya na magulat ka. Miss na miss lang naman kita eh." napapa-iyak siya nang sabihin niya ito. Nang pagkalingon ko ay nagulat na lang ako nang makita ko si Kate. 

"Kate! Ikaw pala yan. Hindi ko alam." sabi ko. 

"I'm so sorry Shirley! I didn't mean to do that. I didn't know that it will make you mad. I'm really very sorry Shirley." umiiyak siyang sabihin ito.

"A-ano, wag ka nang umiyak Kate. Ako nga dapat ang magpasorry sayo eh. Kasi nasigawan kita. I should be the one to apologize not you." sabi ko sa kanya.

"No Shirley, its my fault for hugging you like that. That's why its okay for you to get mad at me." malungkot nyang sinabi.

"I have no right to get mad at you because we're Best Friends. Kalimutan na lang natin ang nangyari ngayon atsaka", sabi ko sa kanya at bumulong ako sa tenga nya, "ayokong pinagtitinginan tayo ng mga tao dito. Feeling ko, ako pang may kasalanan sa nangyari."

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin na malaki ang galit sa akin ng mga students dito. Ang ikinagagalit nila sa akin ay bakit daw ako nasa Special A class lalong lalo na TOP 2 pa daw ako. Hindi ko daw bagay mag-aral sa academy na ito dahil isa lang daw akong MAHIRAP. Kung makapagsalita sila akala mo kung sino! Bakit? Kasalanan ko ba na dito ako binigyan ng scholarship!? Kung hindi lang sana kami mahirap hinding-hindi ako mag-aaral dito.

"Shirley, gusto mo bang magkaroon ng war dito? Sabihin mo lang dahil handang-handa ako. Tandaan mo, nandito ang mga bodyguards ko." inis na sabi nya

"Wag Kate! Ayoko nang gulo atsaka ayoko na ring masira pa ang araw ko lalo pa namang umaga ngayon atsaka monday rin ngayon." sabi ko sa kanya ng mainahon na boses.

"Tsk! Tara na nga!" bigla nya akong hinila at naglakad na papuntang classroom.

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora