Chapter 44: Hope to see you again!

1.4K 40 0
                                    

Habang busy kaming nag-aasarang tatlo dito sa garden ay bigla na lang sumulpot sa likod namin si Earl.

O___O - kaming tatlo

Nak ng teteng! Ikaw ba namang busy nakikipagasaran tapos bigla na lang may susulpot sa likod mo, sinong hindi magugulat doon ha? =____=

"Oh? Bakit ganyan yung mga histura nyo? Para kayong nakakita ng multo. May multo ba sa likod ko?" tanong nya sabay lingon sa likod nya.

"Ay tange! =___= Kapag ba ganito ang hitsura multo na agad ang nakita? Hindi ba pwedeng may nanira lang sa asaran moment namin na parang kabute na basta-basta na lang sumusulpot?" tanong ko

"xD hahahaha!" tawa nya

O___O - ako

Ay juice ko! Tumawa ba naman ang loko? O___o

"Yung totoo, nasisiraan ka na ba ng bait o nahawaan ka lang ng babaeng 'yon sa kamuritan nya? Naku Earl, kung ako sayo aamin na ako hanggat nandito pa ang mga kaibigan ko para naman kahit papaano ay may maitulong kami sayo bago ka masiraan talaga ng bait para naman hindi na kami makonsensya pa." sabi ko sa kanya

"xD hahahahaha! Nakakatawa ka talaga Shirley. Ngayon hindi na ako magtataka kung tuluyan nang mafall sayo si Joe."

O____o

Ha? Si halimaw? At paano naman nasali yung halimaw na 'yon sa usapan namin? Kahit kailan naman... Epal talaga ang lalaking 'yon. =____=

"Speaking of babaeng 'yon. Asan na pala sya ngayon?" tanong ni Kate

"Hinatid ko na sya sa bahay nila."

"Eh? Sa bahay nila?" kaming tatlo

"Yup!" masayang sagot nya sa amin.

"Paano mo naman nalaman kung saan sya nakatira?" tanong ko

"Malamang sa malamang ay nagtanong sya Shirley. Hindi ba uso sayo ang magtanong? (ㄱ_ㄱ)" sarcastic na tanong ni Jake

=___= Ge, sya na, sya nang matalino. Ako nang slow. ( ̄o ̄)

"Teka lang, teka lang. Imbes na magbangayan kayong dalawa dyan bakit hindi na lang ikwento sa atin ni Kuya Earl ang nangyari? Diba kuya Earl?" tanong ni Kate

"Okay" (^___^)

***

Earl's POV

~Flashback~

Pagkatapos kong kausapin ang nurse ay bumalik na ulit ako sa room nya kung saan sya nakahiga para naman bago ako bumalik kayla Shirley ay mapapanatag na ang loob kong ayos lang sya.

Pagkarating ko sa higaan nya ay nagulat na lamang ako na makitang gising na sya.

Sakto namang dumating na rin si nurse Joy.

"Oh! Gising ka na pala Angel. Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" tanong ni nurse Joy sa kanya.

Hmm... Angel? Ah! Kaya pala familiar sa akin ng pangalan nya. Sya pala ang president ng ordinary class.

"Wala pong masakit sa akin at okay lang po ako. Never been better! (^___^)" nakangiti nyang sagot sabay lingon naman sa akin.

"Kung tutuusin nga po ang ganda-ganda talaga ng panaginip ko. Yung feeling na ayoko nang magising pa muli." nakangiting banggit nya habang hindi pa rin inaalis ang tingin nya sa akin.

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Where stories live. Discover now