Chapter 49: Complicated Love

1.5K 43 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa kwarto ng villa namin. Si Kate? Ito, mahimbing na natutulog pero mahahalata mo sa mukha nya na galing lang sya sa pag-iyak. Paano ba naman yung ilong nya ang pula-pula parang sya si red nose the reindeer tapos yung mga mata nya namamaga para syang kinagat ng ipis sa dalawa nyang mata.

Tsk. Tsk. Tsk. Ang ganda-ganda ni Kate pero dahil dyan sa pagiging denial nya pumanget sya. :(

Hay naku... Ito na nga bang sinasabi ko sa kanila eh. Mga denial pa kasi ang mga batang ire eh halata naman sa mga kilos nila na may gusto sila sa isa't-isa ayaw lang magaminan.

Bakit kasi napakacomplicated ng LOVE?

Magmamahal na lang nga sila magpapakipot pa! Kaya hindi umaasenso ang status nila eh. -__-

Palagi na lang Complicated. Madali lang naman ang solusyon eh. Pinapahirapan lang nila ang mga sarili nila. Bakit kaya hindi na lang sila umamin na gusto nila ang isa't-isa? Bakit kailangan pa nilang magdrama, magsigawan, magplastikan, magsinungaling atsaka umiyak wherein the first place, alam mo na kung ano ang nararamdaman mo sa kanya. Tapos kung kailan huli na doon lang nila marirealize na napakalaki nilang tanga para pakawalan ang isang tao na minahal sila ng husto pero sinayang lang nila ang pagkakataon. Then kung kailan nakamove on na sya sayo, ikaw naman ngayon ang naghahabol sa kanya. O diba! Napakacomplicated ng love. Eh kung umamin na lang sila na mahal nila ang isa't-isa tapos magyakapan, maghalikan, magkaroon ng relationship, magpakasal tapos gumawa ng pamilya eh di happy ending na rin ang love story nila at wala nang problema. Hayst! <(>o<)> Ang sakit talaga nila sa ulo! Harujusko po! Baka matuluyan na akong mawalan ng bait sa kanila. Wag naman po sana. Madami pa po akong misyon sa mundong ito. (>/\<)

"Hay naku bes. Naging madrama ang ating bakasyon. Kung hindi lang 'to nangyari eh di sana kasama ko na ngayon ang love of my life ko. Kasi naman, sa dami-dami ng pagkakataon, bakit ngayon nya pa naisipan umamin. Pwede naman kapag may pasok na ah tutal magkaklase naman sila diba? Atsaka dapat kung magkakaaminan rin sila dapat yung silang dalawa lang hindi yung ibobroadcast pa nila sa mga madlang people." sabi ni Angel habang naghihiwa ng mansanas para kay Kate.

O tignan nyo na! Pati si Angel nakikilove of my life na rin ngayon. -___-

Pero kung sa bagay, wala naman atang problema ang love story nilang dalawa ni Earl eh. Mukhang mutual feelings pa nga ata sila. Ganyan dapat, hindi sila natotorpe kasi walang magandang maidudulot ang pagiging torpe sa isang love story hindi tulad ng bruhang ito. Nagiging denial pa eh pasalamat na lang nga sya at umamin pa si Jake sa kanya pero hindi lang nga in a romantic way. Pero kahit na! Totoo rin ang sinabi ni Jake na mahirap para sa kanya ang umamin dahil playboy sya.

Naiintindihan ko naman ang side ni Jake. Kaya lang naging playboy si Jake ay dahil ayaw nyang mareject kapag umamin sya kaya pinanindigan nya ang pagiging playboy nya. Kahit naman siguro ako ang nasa sitwasyon ni Jake ay yun rin ang gagawin ko. Ang hirap kayang mareject lalo na kapag umamin ka sa first love mo. Ang sakit nyun noh! Pero ito namang tanga at denial kong best friend ay rineject sya. Naiintindihan ko rin ang side ni Kate eh. Mahal nya rin si Jake pero natatakot syang umamin dahil once na umamin sya na nahulog na sya sa kanya ay baka iiwan nya lang ito sa ere tulad ng mga babae nya. Kahit rin naman ako hindi makapaniwala sa sinabi ni Jake. Ikaw ba namang playboy may balak magseryoso!? Siguro nasa 50-50 yung tiwala at hindi ko tiwala sa sinabi nya. Kung baga, pantay lang. Sabihin na nating nasa both sides ako atsaka once na mahulog rin ang loob ko sa isang lalake ay gusto ko rin dapat na sasaluhin nya ako. Ayoko nga ng one sided love lang. Mahirap yun noh! Na ikaw lang ang nagmamahal habang ang mahal mo ay may mahal na iba. BOOM PANES! (>.<)

Bakit kaya napakaunfair ng love? Bakit hindi nya na lang tayo hayaan na maging masaya? Yung tipong mahal mo sya at mahal ka rin nya. Mutual Feelings kung baga.

Bakit kaya napakahirap magmahal? Yung tipong kaya mong turuan yung puso kapag magmamahal ng isang tao. Yung may control ka na pwede mong itigil ang pagmamahal mo sa kanya at maghanap ka na lang ng iba.

Bakit hindi na lang natin mahalin ang mga taong mahal talaga tayo? Bakit kailangan pa natin mahalin ang taong hindi naman talaga tayo mahal? Bakit hindi na lang natin mahalin ang mga taong nandyan lang para sa atin at handa silang saluhin tayo kapag nahulog na tayo sa kanila hindi sa mga taong mahal nga natin pero napakalayo naman nila. They are so close yet so far.

Hay... ( ̄o ̄) Napakadaling magmahal ngunit napakahirap rin mahalin tayo ng ating minamahal.

There is also a fact by JamieeeBlue our cute author that "It's just easy for us to love them but it is so hard for them to love us back especially when they are already inlove with someone." - Jamie Dela Cruz (JamieeeBlue)

"Bes, pwedeng pakibantayan muna si Kate? Magpapahangin lang ako sa labas." paalam ko kay Angel.

"Okay"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Love guru ang peg ni Shirley ngayon. Bakit kaya ang dami nyang alam sa love eh samantalang hindi nya pa nararanasan mainlove? Hmm.... Curiosity really kills the cat. >:)

Happy Mother's Day to all moms out there! <3

Vote.Comment.Be a Fan.Please Share! ^^

JamieeeBlue♡

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon