Chapter 52: Plan

1.2K 41 1
                                    

Arrgh! Ang sakit ng ulo ko.

(=__=) Takte naman! Palagi na lang sumasakit yung ulo ko, hindi naman ako umiinom ng alak para magkaroon ng hang-over.

Ididilat ko na sana ang mga mata ko nang may narinig akong mga nagsasalita.

"Pinatulog mo nanaman sya. Ano nyang sasabihin natin sa kanya pagkagising nya?"

Kate? Shet! Kaya pala familiar sa akin ang scene na 'to. (-__-) Deja vu lang?

"Ako nang bahala sa kanya atsaka kasalanan nya naman eh. Kung sana'y hinubad nya na lang yung t-shirt at short nya, eh di sana hindi ko na sya pinatulog pa." sigurado akong si Angel ang nagsabi nito.

Bagay yung pangalan nya sa kanyang mukha dahil maamo syang tignan pero hindi talaga bagay ang kanyang pangalan sa ugali nya. Devil in disguise ang peg nya. (=__=)

"Ano nang gagawin natin nyan? Kanina pa sya hinahanap ni Kenneth. Malalagot tayo nyan kapag nalaman nyang tayo ang dahilan este IKAW LANG pala ang dahilan kung bakit nawawala sya."

(o__o) Si Halimaw? As in Kenneth Joe Brawlins a.k.a Halimaw?

(o__o) .....

(O__O) .....

(OoO) Si halimaw nag-aalala saken?!

Weh? 'Di nga? (-.-)

"Hoy! Bakit ako lang ang sinisisi mo? Kasabwat ka rin sa mga plano ko kaya damay ka dito. Anyway highway, isa lang naman ang dahilan kung bakit ginagawa ko 'to."

"At ano naman 'yon aber?"

"Ang magkatuluyan sila para happy ending na ang love story nilang dalawa. Mga indenial pa kasi, 'di na lang kaya umamin. Tulad mo, napakaindenial mo pero deep inside kinikilig ka kapag kasama mo sya. Bakit di nyo ako tularin? Umamin ako sa gusto ko na gusto ko sya este mahal ko na pala sya. Anong nangyari ngayon? Komportable kami sa isa't-isa atsaka hindi ako nagsisisi na umamin ako sa kanya. Mas maganda nang gawin mo na ngayon kaysa sa huli mo pa gagawin at baka magsisi ka lang."

"Love guru lang?"

"Hahahaha! Yup! Ako ang magsisilbing kupido para sa JOELEY's couple!"

"Alam mo na rin pala ang joeley?"

"Yup! Kinwento kasi sa akin ni Earl myloves eh."

"Landi mo 'te."

"Hihi... I know right." ;)

"Oo nga pala, bakit ikaw lang yung kupido sa love story nila? Kasama rin dapat ako sa pagiging kupido."  reklamo ni Kate.

"Diba kakasabi mo pa lang na AKO LANG mag-isa ang gumagawa ng paraan para sa kanila? Eh di AKO LANG ang kupido nila."

"Pero kakasabi mo pa lang RIN na KASABWAT MO AKO sa mga plano mo para sa kanila kaya KUPIDO RIN NILA AKO."

"K."

(=__=) ? Ano bang pinagsasabi ng mga 'to? Kupido? Joeley? Magkakatuluyan? Plano? Eh kung paghuntugin ko kaya yung mga ulo ng mga bruhang 'to para naman matauhan ang kanilang pag-iisip?

Ididilat ko na sana ulit ang aking mga mata para makita kung ano nang kalokohan ang ginagawa ng mga bruhang 'to nang may maramdaman akong malambot na bagay na nakatakip sa ilong ko.

"Sht! Bakit mo hinulog yung panyo?! May pampatulog pa 'yan!" sigaw ni Kate.

"I know atsaka hayaan mo na 'yan. Hindi pa naman sya nagigising kaya wala ring epekto 'yan sa kanya pwera na lang kung gising sya pero nakapikit lang ang mga mata nya. Atsaka hindi ko naman sinasadya eh. Nahulog ko lang yung panyo nung may inaabot ako sa side ng bed nya."

"Aysh. Tara na nga. Gawin na natin yung plano mo. Siguraduhin mo lang na hindi 'to papalpak."

"Of course! Sure na sure! 101% SURE!"

"Confident? Tss. Tara na nga."

Hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi nila dahil unti-unti na akong nahihilo nanaman.

Mga pucha kayo! Humanda kayo saken pagnakatayo na ako dito! (>o<)

Then I don't know what happened next.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Next time na lang po ung author's note. :)

Vote.Comment.Be a Fan.Please Share! ^^

JamieeeBlue :)

♥ Special 2 ♥ (Book 1)Where stories live. Discover now